CHAPTER 3: DRUNK

33 3 0
                                    





“Juice oh” pag aalok naman sakin ni kate sa juice na binibigay nya sa akin kaya kinuha ko nalang at nagpasalamat sa kanya






Alam mo bff kung ano ikaw pinatulan kona matagal pa yung clown nayun somosobra nasya ah talaga pag ako may powers naku isusumpa ko yun”napatawa nalang ako sa mga pinagsasabi nya siguro kung nakakamatay lang yung pagsasabi ng masasama sa isang tao matagal na sigurong inaamag si clown sa sarili nyang libingan







So kumusta naman kayo nila tita ano nakapag bonding naba kayo?”napaiwas naman ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi







Naalala ko nanaman sila mas may oras pa talaga sila sa company namin kaysa saakin na anak nila.Mayaman nga ako lahat ng gusto ko nabibili at nakukuha ko maliban nalamang sa isa na hindi ko manlang makuha kuha at yun ay ang atensyon ng aking mga magulang simula pagkabata ko hindi ko na sila nakakasabay kumain pag umaga ganun din sa tanghalian at hapunan.Sila nanay at tatay pati narin ang ibang kasambahay nalamang yung nakakasama ko.







Pag nagkakamali ako sila nanay yung nagtuturo saakin kung paano gawing tama ang mga mali ko ni hindi ko manlang naranasan na makasama sa loob ng isang araw ang magulang ko ni hindi ko nga rin naranasan na ipasyal nila ako sa mga park at sabay sabay kumain dahil mas mahalaga pa sakanila ang kanilangl trabaho they are so unfair hindi ko alam kung bakit sila naging unfair pero napaka unfair talaga sila








Bff are you okay...Wag mong sabihing hindi mo nanaman sila nakasama” napatango naman ako sa sinabi ni kate tama naman sya eh ni hindi ko nga alam na umalis sila papuntang baguio para sa business nila ni kahit isang tawag at text manlang hindi manlang ginawa iniisip ko na talaga na kinalimutan na nila ako o sadyang wala lang talaga yung number ko sa contacts nila at panay mga kasyosyo nalang nila ang nakalagay doon








Hayaan mo nalang siguro talagang busy talaga sila” napabuntong hininga nalang ako tsaka uminom ng juice








Nagpaalam muna sya saakin saglit kaya tumango nalang ako.Nagsisidatingan na kase ang mga tao ngayon dito kaya malamang magiging busy sya eto kasi yung  business nila hindi naman ito yung bar na maraming mga pokpok yung bar lang na simple may pumupunta rin ditong mga artista itong bar ay ipinangalan sa namayapang bunsong kapatid ni kate si Cat kaya ang pangalan neto ay Cat's Bar nung una ngang punta ko dito akala ko bar to ng mga pusa yun pala pangalan naman pala ng kanyang kapatid









"Ah ma'am pwede mong itry tong best seller namin ngayon sikat ngayon to dito sa bansan natin for sure magugustuhan mo ito try mo na ma'am" pag aalok naman sakin ni kuyang bartender sa best seller daw nila nung una ayaw ko talaga at dahil nga sa mapilit si kuya bartender ay tinry ko na sa unang tikim ko palang matamis sya para lang syang Ice tea.Pero sa dulo parang matapang na pero masarap kaya humingi pa ako ng isa pa kaya binigyan ulet ako ni kuya  bartender








Bff...bff?hoy gising halla kuya anong ginawa mo sa kanya?” Kahit na inaantok ako pinilit ko paring gumising dahil nga sa ginigising ako netong sino tong tao na ito ba bakit nya ako tinatawag na bff








Ah eh ma'am inalok ko sya ng best sell---”







What!!” ang ingay naman netong tao nato sino ba kasi to







“Hoy miss ang ingay mo natutulog yung tao eh”








“Ano?!hoy Vienne ah baka nakakalimutan mo ako ang bff mo halikana iuuwi na kita lasing kana eh” ano?ako lasing hindi ah








“Hindi ako lashing”





“Anong hindi o ilan to ilan pag to nahulaan mo kung ilan hindi ka lasing sige hulaan mo”tiningnan ko naman kung nasaan ang sinasabi nya at nakita kong tinuturo nya yung daliri nya so gusto nyang hulaan ko yun tss napakadali naman








Tiningnan ko naman ng maigi para masiguradong tama ang sasabihin ko








tatlo!”I'm sure tama ang sagot ko







Tsk lasing kananga talaga halikana dadalawa lang naman yung pinapakita ko pero tatlo ang sinabi mo”bakit mali lintik naman oh pero tatlo yung nakita ko kanina sya nga nakikita ko dalawa silang humahawak saakin eh kamuka nya pa yung isa








Gusto ko pang uminom eh..p-para naman ma-mabawasan yung di-dinaramd-dam ko ngayon”hindi ko alam pero biglang umagos ang mga luha ko na kanina kopa pinipigilan










Alam mo miss nakakainis sila Mr and Mrs Rodriguez kase pinapabayaan nila yung anak nilang si Vhivienne hindi manlang nila magawang kumustahin sya ni text at tawag manlang..w-wala silang pakialam sa nararamdaman KO!!!” patuloy paring umaagos ang mga luha ko habang sinasabi ang mga hinanakit ko ngayon hindi kona kase mapigilan









Sshhh tahan na darating din ang araw na marerealize nila lahat ng pagkukulang nila sayo trust me” niyakap ko naman tong kausap ko ngayon dahil alam kong gagaan ang pakiramdam ko kapag may nagcocomfort at yumayakap saakin





Kate's P.O.V






Pasok kana ihahatid na kita yung kotse mo ipapahatid ko nalang sa bouncer namin papunta sa bahay nyo okay”napatango naman sya sa sinabi ko at pumasok na sa kotse ko ako nalang ang nagkabit ng seatbelt nya pagkatapos kong ilagay ay nagsimula konang pinaandar ang makina at pinaandar na








Habang nagmamaneho ako napapatingin ako sa kanya na sa ngayon ay nakasandal na sya nakatulog na siguro dahil sa kakaiyak










Naaawa na ako talaga sa kanya hindi nya deserve ang mga pinag dadaanan nya ngayon.Alam ko darating ang araw na sasaya karin at malapit na ang araw nayun at gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kita kahit laban pa sa mga magulang mo gagawin ko idamay mo narin si Clown bwisit nayun alam kong mababawi morin ang posisyon na inagaw nya sayo trust me at ang pangako ko sayo ay hindi mapapako kaylanman








Hay ikaw talaga bff napapaiyak na ako dahil sayo ang drama naman kase ng buhay mo nakakainis ah.Kumpleto nga magulang mo wala naman sayo yung atensyon nila.Eh ako mama nalang ang meron ako pero masaya naman ang buhay ko hay naku napakahirap ng buhay mo









Ilang minuto rin ang nakalilipas nung naihatid kona si Vienne sa kanilang bahay lubos naman ang pag aalala ni Aling Dhalia kay vienne natuwa naman ako kahit papaano dahil may nanay na nag aalala at nag aalala parin sakanya hindi tulad sa nagluwal sa kanya.Nagpaalam narin ako kay aling dhalia ng masigurong ayoas na si vienne at umalis narin

Wish Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon