CHAPTER 11: SEAN JAYROME RODRIGUEZ

14 2 0
                                    

Sean Jayrome Rodriguez (Seen Jey-rowm Rodriguez)

————

Ilang araw narin ang nakalipas at malapit na malapit na yung ikalabin walong kaarawan ko.Sana dumalo sila mama kahit sa birthday ko lang



“Nak ang pinsan mo darating daw mamaya”masayang sambit naman ni nanay.Natuwa naman ako kase darating si pinsan at masaya rin ako kase bumalik na ulit yung sigla ni nanay



“Anong oras daw po sya darating at nang maipaghanda naman natin ng paborito nyang pagkain?”nakangiti ko namang tanong kay nanay




“Sandali itetext ko lang”sambit naman ni nanay at nagsimula nang itext si pinsan





“Mga tanghali daw sya makakarating dito”sambit ni nanay tiningnan ko naman yung wrist watch ko na nakalapag sa mini table na malapit sa higaan ko




“Alas nwebe na nay malapit na ang pananghalian tara napo ipagluto nanatin sya”saad ko naman inayos ko muna yung higaan ko napansin ko namang nauna na si nanay sa baba kaya pagkatapos kong ayusin yung higaan ko ay bumaba narin ako



Naisipan ko namang tawagan si kate para makilala nya naman si pinsan.Dinial ko naman yung number nya naka dalawang ring na ako bago nya sagutin



“[Oh bff why?..sorry ah hindi ko nasagot yung pang unang tawag mo naliligo kase ako?]”


“Okay lang..Punta ka dito sa bahay mamaya ah may ipapakilala ako sayo bye”



Pagkapatay ko ng tawag ay pumunta na ako kaagad sa kitchen para tumulong ipag bebake ko rin sya ng paborito nyang dark chocolate cake.Kumusta na kaya sya?.Matagal na kasi nung dumalaw sila dito bata palang kami noon



“Nak tapos na naming magluto ng mga pagkaing paborito ng pinsan mo...Baka gusto mo tulungan na kita dyan”sambit naman ni nanay nagpasalamat naman ako sa kanya at sa kanila.





Tumanggi narin ako sa alok ni nanay na tumulong saakin gusto ko kasing ako mismo ang magbebake ng cake





Tumango naman si nanay at nagpaalam saakin dahil maliligo muna daw sya na agad ko namang tinanguan.Isang oras rin ang nakalipas nung natapos kona ang binebake kong bale dalawa ang ginawa ko kaya medyo natagalan.






Niligpit ko narin yung mga ginamit ko sa pag bebake.Naabutan ko namang naglilinis ang ibang kasambahay sa sala.Sinabihan ko naman sila na kapag meron nasi pinsan tatawagin nila ako kilala naman nila sya




Dali dali naman akong umakyat at naligo na.Nag ayos rin ako ng aking sarili baka kase sabihin nyang antanda na ng itsura ko ginamit korin yung concealer na binili ko tatakpan ko kase yung eyebags ko na medyo malaki




“Ma'am Vienne nandyan napo si Sir Sean”tawag naman sakin ng isang kasambahay




Kaya dali dali akong lumabas para salubungin si Sean.Naabutan ko sya sa sala na nakaupo kaya agad agad ko syang tinawag





“Sean!”may galak ko namang tawag sa pinsan ko agad naman nya akong tiningnan at tumayo mula sa kanyang kinauupuan para yakapin ako




“Vein”sambit nya naman




“Pinsan Vienne hindi Vein”pangongorek ko naman sa kanya



“Ah halikana kakain na tayo alam kong gutom kana”pag aaya ko naman sa kanya na agad nyang tinanguan kaya nauna na akong nagtungo sa dining area na kung saan dito nakahanda yung mga niluto nila nanay kanina





Wish Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon