It's been a month simula nung napunta ako rito. Parang kahapon lang ako napunta rito pero pag labas ko biglang bumilis ang pag ikot ng mundo.
Tas bigla nalang dumaan ang isang buwan. Ito ba yung sinusulat dati sa ibang story na fast forward?
Yung kapag wala nang importante o mahalagang nagaganap sa part na yun ay nagfa-fast forward na ito sa ibang chapter.
"It's been a month, di kaba nag-aalala na baka nababaliw na yung mga taong nandun sa mundo nyo kakahanap sayo?"
"Nope" nalilito syang tumingin sakin.
"Ganito kase yun, kahit ilang buwan o taon pa ang lumipas dito, pagbalik ko dun ganon parin"
"You mean titigil ang oras dun kapag nandito ka?"
At napa-tango tango nalang sya.
"Yup"
Parang nasanay na rin ako na ganito ang set up ko. Na kapag may mali akong magawa o maalala ay kusa akong napupunta dito.
But I still haven't figured out kung paano ako nakakarating dito, o kung ano ang dapat kung gawin para ma kontrol ko ang pag alis at pagpunta dito.
"You know what, since you're here. Ano kaya kung sulitin mo muna ang time na nandito ka kaysa nag mumukmok ka dito, tsaka yung damit mo, isang buwan mo narin yang suot" bigla nyang sabi sakin.
Biglang uminit ang pisnge ko sa sinabi nya, kung tutuusin isang araw palang naman to. Atsaka di naman siguro ako ganun ka baho no.
"H-hoy! Hindi ah grabe to"
"Ah basta halika na" at saka tinulak na nya ako papasok sa kotse nya.
"Where are we going?"
"Basta, daming sadsad eh"
~•~
"Choose everything you want, clothes jewelries, shoes everything" sabi nya habang umuupo sya dun sa isang couch.
Nandito kami ngayon sa isang mall, at nasa loob kami ng isang boutique kung saan paniguradong mamahalin lahat ng nandon.
Napatitig nalang ako at di ako maka galaw. Hindi ko alam na may natitira pa palang hiya sa katawan ko.
"Wag ka nang mahiya sus para namang di mo alam na mayaman ako" pagmamayabang na sabi nya sakin.
BINABASA MO ANG
Behind every Page
FantasyWhat If one day, you'll find out that you are already one of the character of the story you've been writing, what will you do?