Exactly 11:48 na nang makarating kami sa hotel.
Hindi ko naman sya magawang dali-daliin dahil baka maghinala sya.
"Alexa, I have something to tell you" sabi nya nang makarating na kami sa elevator.
Hindi na ako makapag-isip nang matino dahil nagpa-panic na ako.
"Mamaya nalang sir" sabi ko sa kanya.
11:55
Bumukas na ang elevator at di naman nya namalayan na sa ibang room kami papunta dahil nakayuko lang sya at sumusunod lang sakin.
Pumasok na kami sa room at sinarado ito.
"Ba't ang dilim" palusot ko nang sinarado ang pinto.
Wala na akong ibang nakita dahil napakadilim talaga sa loob.
Naramdaman ko naman na may humawak sa kamay ko kaya nagsitayuan ang balahibo ko.
"Alexa" mahinang sabi nya at naramdaman kong pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko
Natigilan naman ako sa ginawa nya. Asan na ba sila?
"Kulang pa ba ang ginagawa ko? I know I'm a busy man, kaya nga I always text you para kahit wala ako sa tabi mo ay maramdaman mo that I care for you" napatakip ako nang bibig sa sinabi nya.
Hindi ako makagalaw at hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Aren't you happy with me? Kase ako? Ang saya-saya ko when I'm with you" sabi nya at humiwalay na sya sakin pero hinahawakan parin nya ang kamay ko.
Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya dahil nakilala kita. Kung alam mo lang kung gaano na kita ka mahal.
Pero I can't give you an assurance yet, I'm so sorry.
"Pero parang wala lang sayo ang lahat. Hindi ko alam kung manhid ka lang o sadyang wala ka lang talagang nararamdaman para sakin" at dahan-dahan nyang binitawan ang kamay ko.
Hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon.
Those words. And sakit pakinggan na sa kanya pa talaga ito nanggaling.
Pumunta sya sa switch at ini-on ito.
Nakita kong nanlaki naman ang mata nya nang makitang hindi lang kami ang nandito sa loob.
"S-SURP-PRISE! Aha-haha-haha" hilaw na bati nila at pumutok ang party pooper.
Nakita kong hindi sila nag-expect na ganun ang mangyayari at kitang-kita ang pagka gulat sa kanilang mata.
BINABASA MO ANG
Behind every Page
FantasyWhat If one day, you'll find out that you are already one of the character of the story you've been writing, what will you do?