"Do you really want to know? Are you really sure?" At tinitigan nya ako sa mata.
Napalunok ako sa sinabi nya at bahagyang napatango.
"Nah! I can't even dare to think about it" uminom nalang sya ng tubig at umiwas na sya ng tingin.
Napa irap nalang ako at nagpatuloy na sa pagkain ko.
"By the way, we have a convention at cebu this coming weekend, it is somehow a vacation for my employees para malibang naman sila"
Napa-angat ako ng tingin sa kanya at hinintay ang susunod nyang sasabihin.
"G-gusto mong sumama?"
"Eh alangan namang iwan mo ako rito, ano namang gagawin ko? Ikaw lang naman ang kakilala ko" sabi ko at tinaasan ko sya ng kilay.
"Sabi ko nga" at nagkibit balikat lang sya.
"Sasama ba si Cindy?"
"Nope, next month pa ang uwi nya" napatango nalang ako at nagpatuloy na kami sa pagkain namin.
~•~
"Yieee excited na akooo" sabi ko sa kanya.
Nandito na kami sa airport habang hinihintay ang ibang kasamahan nila na dumating.
Maaga kaming bumyahe para maaga rin kaming makarating sa cebu.
Simpleng shorts at T-shirt lang sinuot ko na pinaresan ng rubber shoes, nag glasses din ako dahil mainit. Backpack lang rin ang dala ko dahil wala naman akong maraming gamit dito.
"Kompleto naba ang lahat?" rinig kong tanong ni dawin.
"Oo sir, kompleto na"
Napatingin ako kay dawin na naka black T-shirt at pants habang nakasuot ng black eyeglasses.
Sobrang simple lang ng suot nya pero napa ka hot nya tingnan.
"Tara na alexa" di ko namalayan na nakatingin na pala ako sa kanya.
Umihip ang hangin at bahagyang gumalaw ang buhok nya na ngayon ay tumatakip na sa noo nya.
Bahagya ring sumayaw sa hangin ang buhok ko habang papalapit sya sakin.
Hinawakan nya ang hibla ng buhok ko na linilipad ng hangin at inipit iyon sa tenga ko.
BINABASA MO ANG
Behind every Page
FantasyWhat If one day, you'll find out that you are already one of the character of the story you've been writing, what will you do?