Page 11

218 16 1
                                    

"Ahem! Aheeeem!"

Natauhan kami ng biglang may dumaan at umubo ng napakalakas na para bang sinasadya.

Nag-iwas kami ng tingin at kinuha na namin ang nga bagahe namin ng hindi nagsasalita.

Tiningnan ko kung sino ang dumaan at nakita ko syang nakatayo sa di kalayuan.

May TB ba sya? Balak pa nya kaming hawaan sa sakit nya -_-

He's smirking. Para syang timang na nakangisi, hindi naman bagay sa kanya.

Kainis. Panira ng momment talaga tong hilter. Sana lang natanggal nalang yung baga nya sa kakaubo nya kanina.

"Ako na" sabi ni dawin at dinala na nya ang bag ko.

Sabay na kaming lumabas at sumakay na kami sa company van nila.

Mga tatlong van din ang naroon na kasya ang 10-12 person upang sumundo samin at ihatid sa isang hotel kung saan doon kami tutuloy for a week.

"After you arrange your things, bumaba kayo para makapag breakfast" sabi ni dawin nang makarating na kami sa hotel.

"Yes sir" at pumunta na kami sa kanya-kanya naming kwarto.

Sabi ni dawin tatlo kaming magka-kasama sa kwarto namin dahil alangan namang lahat kami ay may kanya-kanyang kwarto.

"302, eto na siguro ang room natin" papasok na sana kami ng biglang may sumigaw sa hallway.

"Heey, oh alexa! Tingnan mo nga naman at tayo palang tatlo ang magkasama sa room nato" pagpapanggap nya. Tss if I know plinano nya kaya to.

Pinanliitan ko sya nang mata pero nagpatuloy lang sya sa pagpasok.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.

Napanganga ako ng makita ang loob ng room namin. May tatlo itong room at isang banyo may sala at may dinning room din.

Para narin syang bahay, no wonder ang mahal ng bayad dito.

Pumasok na si dawin sa masters bedroom at pumasok naman ako sa katabi nitong room habang si hilter naman ay nasa katapat na kwarto.

Agad akong humiga at nagpagulong-gulong sa kama. Sa wakas ay hindi ko pa makikita ang mukha ng asungot na hilter na yun -_-

Lumabas ako sa maliit na veranda ng kwarto ko upang magpa hangin.

Napapikit ako nang sumalubong sa mukha ko ang malamig na hangin ng umaga at napatingin sa ibaba kung saan may pool at may masayang naliligo doon.

I remember alice, miss ko na sya. My family, pati yung mga asungot kong friendship.

Wow alexa, ang drama mo na pala ngayon ah.

"Ang ganda" gulat akong napalingon ng may magsalita sa kabila.

Nakita ko si dawin na nakangiting nakatingin sakin.

Ramdam kong uminit ang pisnge ko sa sinabi nya.

Kanina lang ang lamig ng hangin pero ngayon, ang init-init na.

Behind every PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon