Dear you,
Uhm... paano ko ba 'to dapat simulan? Sa pagsasabi ba ng salitang 'hi'? Kung ganoong nga, e di Hi. Kung nagtataka ka kung bakit ako sumulat ng liham para sa'yo, hayaan mo akong isa-isahin ang mga dahilan.
Hayaan mo, sa susunod na mga liham, iisa-isahin ko ang mga mensaheng gusto kong iparating sa'yo. Ngayon ko lang nakita ang labing-apat na liham mo. Magkakaibang petsa, pero iisa lang ang lugar. Marahil ay doon ka pa rin nakatira hanggang ngayon.
Tumigil ka na sa pagbibigay ng liham kaya naman nagtabi muna ako ng isang liham para may babasahin ako pagkatapos kong reply-an ang mga liham mo sa akin noon.
Dalawang beses ka pala kada taon sumusulat? Pasensiya na at ngayon ko lang nalaman. Ngayon lang kasi ulit ako naglinis ng hardin at hindi sinasadyang naihulog ko yung mailbox na kinakalawang na sa sobrang kalumaan.
Sige na, eto muna yung sasabihin ko ngayon. Hintayin mo muna yung sunod kong sulat. Babasahin ko lang yung dalawang liham na ibinigay mo sa akin 10 taon na ang nakalilipas.
Nagmamahal,
Ako***
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopy, recording, or any information storage and retrieval system without express written permission from the author. Plagiarism is a crime.
Salamat kay @sophiaa_keii kasi siya yung gumawa ng book cover na 'to.❤️
BINABASA MO ANG
Dear You ✓
Short StoryCollection of letters written by a woman for her husband that she wasn't able to see for years.