Received: February and September 2007
Sent: May 2013
Dear you
Ilang taon na ang nakalipas magbuhat nang sulatan mo ako ng liham. Halatang luma na yung papel na pinagsulatan mo. Pero buti nalang ay nabababasa ko pa. Huwag ka munang sumuko, please. Alam kong mahirap maniwala na mahal pa rin kita gayong hindi naman ako nagpaparamdam sa'yo. Sana nga hindi pa huli ang lahat para sa atin. Sana may pagkakataon pa akong itama ang mali ko. Sana, malaman mong mahal pa rin kita at naghihintay pa rin ako sa'yo.
Mabuti naman at maayos ang lagay mo d'yan. Kitang-kita ko sa mata mo ang saya habang kasama mo yung amo at mga ka-trabaho mo. Pero lagi akong napapaisip, magiging ganiyan ka kaya kasaya kapag nandito ka sa tabi ko? Hayy, huwag mo na lamang intindihin yung sinabi ko.
Gusto kong malaman mo na ayos pa rin ako hanggang ngayon. Nakakaraos pa rin. Naitabi ko pala yung ibang pera na ipinadala mo kasama yung sobre. Pati yung mga litrato mo ay iningatan ko. Huwag kang mag-alala, hindi ko kalilimutan ang itsura mo hanggang sa umuwi ka rito. Mahal na mahal pa rin kita.
Patuloy na naghihintay,
Ako
BINABASA MO ANG
Dear You ✓
Short StoryCollection of letters written by a woman for her husband that she wasn't able to see for years.