Ikaanim na liham

45 23 12
                                    

Received: January & June 2008

Sent: June 2013

Dear you,

Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ako dahil sinabi mong mahal mo pa rin ako at naghihintay ka pa rin sa sagot ko. Salamat dahil kahit ilang taon na ang lumipas magbuhat nang huli tayong nagkita, nagagawa mo pa rin akong mahalin. Hindi ko maiwasang isipin na ang malas mo sa isang kagaya ko. Wala ka bang ibang nagugustuhan d'yan? Maraming tao kang nakakasalamuha. Yung nakikita mo ng malapitan, yung naririnig mo, nakakausap, nakakasama at higit sa lahat, nararamdaman mo yung presensiya. Kailan ba yung huling araw na magkasama tayo? Noong oras na ibinigay mo yung liham, ilang taon pa lang yung nakakalipas buhat ng umalis ka sa piling ko. Pero ngayon? Ilang taon na ang nakalilipas.

Dati, nawe-weirduhan ako sa mga kabataan ngayong nahihirapan at sumusuko sa LDR, o kung tawagin ay Long Distance Relationship. Pero napagtanto ko na mahirap pala talaga. Lalo na kung wala kayong komunikasyon. Parang tayo... pagsusulat na nga lang yung pwede nating tulay para maramdaman ang presensiya ng isa't isa tapos pinutol ko pa. Pasensiya na talaga. Pinanghihinayangan ko yung mga panahong ibinigay mo ang bawat liham mo pero 'di ko nababasa. Pasensiya na, mahal.

Sana hindi pa huli ang lahat para sa atin. Sana hanggang ngayon, ako pa rin ang mahal mo. Patawad sa pagiging makasarili pero hinihiling ko na sa pag-uwi mo, ako pa rin ang pipiliin mo. Mahal na mahal kita, mahal.

Alam kong wala na ako sa lugar para magsabi nito sa'yo pero sana, maging masaya ka d'yan. Hihintayin kita...anumang oras. At sa pagbabalik mo, ipinapangako kong mamahalin pa rin kita.

Nagmamahal,
Ako pa rin... :)

Dear You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon