Received: January & July 2006
Sent: April 2013
Dear you,
Nagkasakit ka pala? Sorry hindi ko naipaabot ang concern ko sa'yo. Sa katunayan, pinalayas ako sa bahay natin tatlong buwan matapos kang umalis. Wala kasi akong maipambayad ng renta. Kaya naman, lumipat ako sa mas maliit na bahay malapit sa dati nating tirahan. Pero ngayon, nandito na ulit ako bilang katulong. Habang naglilinis ako ng hardin, nakita ko ang mailbox. Noong lumipat kasi ako, hindi na ako nag-abalang tingnan kung may laman ba yung mailbox ko. Akala ko kasi kinalimutan mo na ako o masyado kang abala dyan. Pasensiya na ah? Dahil akala ko talaga tuluyan nang nawala ang komunikasyon natin sa isa't isa. Hindi rin kasi alam ng may-ari ng bahay kung kanino niya ibibigay ang mga ito kaya hindi niya ito pinakialaman. Buti nalang at nakaabot pa ito sa akin. Ay, nalihis pala ang usapan.
Okay lang naman ako, pasensiya na kung hindi ko sinagot agad yung mga naunang mga liham. Akala mo tuloy hindi ipinapadala sa akin ng mensahero yung liham. Gumaganda pala si Gail habang lumalaki. Manang-mana yung ilong, kulay at buhok niya sa foreigner niyang ama. Tapos yung mata at labi naman, nagmana sa mama niyang Pinay.Naisip ko lang, kung nandito ka kaya, magiging masaya kaya tayo tulad nila? Kuntento na sana akong maging isang mahirap basta kasama kita, pero wala eh, hindi pa rin pala tayo nakuntento. Kasi hindi naman tayo mabubuhay sa pag-ibig. Pero sigurado akong pag-ibig ang dahilan natin para mabuhay.
Mahal na mahal pa rin kita. Nasasabik na akong makita kang muli. Mabuti naman at masaya ka d'yan. Mag-iingat ka palagi!! Huwag kang mag-alala, hihintayin pa rin kita.
Nagmamahal,
Ako
BINABASA MO ANG
Dear You ✓
Short StoryCollection of letters written by a woman for her husband that she wasn't able to see for years.