Unang Liham

65 28 11
                                    

Received: February and August 2003

Sent: January 2013

Dear you,

Nandito pa rin ako sa lumang bahay kung saan mo ako huling nakita. Buti naman at masaya ka dyan sa lugar na tinitirhan mo ngayon. Salamat sa pangungumusta sa akin. At pasensiya na kung ngayon ko lang nabasa yung liham mo. Hindi naman sa nakalimutan ko na susulat ka taun-taon, batid ko lang na mahihirapan kang iparating sa akin ang mga gusto mong sabihin. Naiintindihan ko naman na kaya ka pumunta dyan ay para kumita ng pera at kapag naka-ipon ka, uuwi ka ulit dito sa Pinas para balikan ako. Okay lang ako, kaya kong maghintay sa iyo. Naiintindihan ko na isa hanggang dalawang beses ka lang sumusulat dahil mahal ang pagpapadala.

Nakita ko yung pinadala mong litrato at pera. Pasensiya na kung naabala pa kita. Huwag kang mag-alala, gagamitin ko ang perang binigay mo para maipadala ko itong liham sa iyo.

Ikaw? Kumusta ka na? Ingatan mo ang sarili mo, ah! 'Wag kang magpapagutom dahil mahirap na ang magkasakit. Sorry talaga dahil ngayon lang ako nagpadala. 'Wag kang mag-alala, ipapadala ko ang lahat ng reply ko sa'yo kada buwan. Huwag mo akong kalilimutan ah! Hanggang dito nalang...

P.S. Mahal kita!!

Nagmamahal,
Ako

Dear You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon