Ikalawang liham

51 26 15
                                    

Received: January & July 2004

Sent: February 2013

Dear you,

Natanggap mo ba yung unang liham na naipadala ko sa'yo? Sagot yun sa una at ikalawang liham na ibinigay mo sa akin. Akalain mo 'yun? Naka isang taon ka na pala d'yan. Mukhang umayos na rin ang buhay mo. 'Wag kang mag-alala, naiintindihan ko kung bakit hindi ka pa makakauwi ngayong taon, hindi ka pa pwedeng umuwi sabi ng boss mo, 'di ba? Atsaka, hindi pa sapat ang perang naipon mo. Ayos lang 'yan. Basta 'wag mong kalilimutang alagaan ang sarili mo. Alam mo namang mahirap magkasakit. Si John? Yung tinutukoy mong kaibigan na kasama mo rin sa litratong ipinadala mo? Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Pahalagahan mo yung pagkakaibigan niyo, ah! Mahirap magkaroon ng kaaway. Buti naman at nakahanap ka na ng matinong trabaho. Mahirap ba maging katulong d'yan? Sayang, dapat pala sumama ako para may karamay ka. Pero pang isang tao lang kasi yung perang inipon natin para maka-puntang abroad at doon humanap ng trabaho.

Okay pa rin naman ako... ikaw? Kumusta ka na? Kaya pa rin naman kitang hintayin. Pasensiya na kung maraming taon na ang lumipas bago kita sulatan ng liham. Pero 'wag kang mag-alala, mahal na mahal na mahal pa rin kita. Muli, gagastusin ko ang pera para maipadala ko ulit ito sa'yo

Mag-iingat ka palagi, mahal ko. Lagi mong tatandaan, patuloy pa rin akong naghihintay sa pagbabalik mo.

Nagmamahal,
Ako

Dear You ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon