Received: January & July 2005
Sent: March 2013
Dear you,
Mabuti na lang at mabait sa iyo yung amo mo. Masaya ako dahil nakasundo mo rin ang anak niyang si Gail. Ang cute naman niya sa picture, sana makita ko rin siya sa personal. Hulog ng langit ang mga amo mo dahil hindi ka nila minamaltrato. Nadagdagan pala yung kaibigan mo? Sina Pia na isang cook at si Diana na isang yaya? Ang ganda niyong tingnan sa litrato. Pero mas gusto kitang tingnan sa personal! Pilipino rin pala si Diana? Mabuti nalang at may makakausap ka na d'yan na kalahi natin. Pwede ka pang mag-tagalog! Si John, sabi mo ang galing niyang magmaneho. Parang gusto ko tuloy masubukang sumakay sa kotse. Hanggang jeep at tricycle lang kasi ako...tayo. Pero nang pumunta ka d'yan, naka-limang beses ka na palang sumakay. Sana nga pumunta rin ako d'yan para makasubok din ako. Pero 'di bale na, ayos lang sa akin na hindi ako makasubok basta malaman kong ligtas ka.
Pareho tayo ng kahilingan, gusto na rin kitang makasama. Pasensiya na kung late kong nasabi sa'yo dahil nga, late ko nang nabasa yung mga liham mo. Huwag kang mag-alala, mahal na mahal pa rin kita. At hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa'yo.
Hihintayin kita, mahal. Hanggang sa muli! Huwag mong pababayaan ang sarili mo ah!
Nagmamahal,
Ako
BINABASA MO ANG
Dear You ✓
Short StoryCollection of letters written by a woman for her husband that she wasn't able to see for years.