Received: March 2009
Sent: June 2013
Dear you,
Nakapitong taon ka na pala d'yan? Hindi ko namalayan. Ha-ha. Pero dahil late ko itong nabasa, nakasampung taon ka na pala. May sakit pala yung amo mo, at si Gail? Sabi na nga ba, tama akong magiging maganda siya paglaki niya. Pareho tayo, naisip ko rin kung ano kayang pakiramdam magkaroon ng sariling anak? Masaya siguro. Napakasaya. Kitang-kita ko sa ipinadala mong litrato na close na close kayo sa isa't isa. Hindi ko mapigilang mainggit. Hayy...
Buti naman at nagkaroon ka ng mga tunay na kaibigan d'yan. Sina Pia, John at Diana. Para may mapapagsabihan ka ng mga bagay na hindi mo nasasabi sa akin. Para may makakapag-pasaya sa'yo ng higit sa sayang idinudulot ko 'pag magkasama sa'yo. Para may kakuwentuhan ka, para magkaroon ka ng pag-asa sa kabila ng mga problemang pinagdaraanan mo.
Kumusta na pala yung amo mo? Sana sa susunod mong liham ay i-update mo naman ako. Ayy... eto na pala yung ikalawa sa huling liham na ipinadala mo. Yung huling liham na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binabasa dahil iyon ang latest. Ang update sa pangyayari sa buhay mo d'yan. Pero napansin ko lang, bakit lumipas ang tatlong taon na hindi mo ako sinulatan? Pero 'di bale, ayos lang sa akin, dahil sa ating dalawa, ako ang may higit na pagkukulang.
Maintindihan ko naman kung sasabihin mong sumusuko ka na. Kasi hindi naman ako nagparamdam sa'yo. Pero salamat dahil hindi ka pa rin bumibitiw sa kabila ng lahat. Salamat dahil patuloy ka pa ring naghihintay sa sagot ko. Sana, hanggang ngayong araw na ito, ako pa rin ang hinihintay ko. Na ako pa rin ang mahal mo.
Sa araw-araw ng buhay ko, hindi ko pa rin mapigilang magsisi sa mga bagay na hindi ko nagawa, katulad na lamang ng pagre-reply sa bawat mensahe mo. Pero salamat dahil hindi ka pa rin tumitigil sa pagtatanong kung ayos lang ako. Kung masaya pa ba ako. Ang sagot ko sa mga tanong mo? Ayos pa rin naman. Patuloy pa rin akong nabubuhay at lumalaban sa hamon ng buhay habang naghihintay ng magandang kinabukasan na sana ay mangyari. Sana.
O siya, hanggang dito nalang. Mahal na mahal pa rin kita. Ikaw lang ang nag-iisang lalaking minahal at patuloy kong minamahal. (Sana ganoon ka rin.) Pero 'wag kang mag-alala, hindi ako umaasa... well, slight lang.
P.S. Lumipas man ang maraming taon, hindi pa rin magbabago ang nararamdaman ko para sa'yo.
Ang taong umaasang mahal mo pa rin,
Ako <3
BINABASA MO ANG
Dear You ✓
Short StoryCollection of letters written by a woman for her husband that she wasn't able to see for years.