Chapter 18

984 21 10
                                    

>>sorry for this chapter, medyo magulo ata. bawi ako next chapter. but still i'm hoping na magustuhan niyo. thanks!

Mabilis na lumipas ang araw para kina Sarah at Gerald. Naging busy si Gerald sa trabaho niya kaya madalas ay nagpapalitan na lang sila ng  messages. Naging pasensyosa si Sarah sa sitwasyon. Ramdam pa din ni Sarah ang tila mabigat na dinadala ni Gerald pero hindi niya na ito tinatanong dahil laging sinasabi nito na wala naman problema. Madalas din na magkasama sina Maja at Gerald dahil sa isang project na ginagawa nila. Kahit nagseselos wala naman siyang magawa dahil trabaho lang naman daw yun sabi ni Gerald. May tiwala naman siya sa kasintahan pero hindi pa din mawala ang takot niya na dumating ang panahon na mahulog ang loob ni Gerald kay Maja. May mga nagsasabi din na officemate nila na kung hindi lang nila alam na girlfriend siya ni Gerald ay iisipin na nila na may relasyon sina Gerald at Maja. Kahit nasasaktan wala siya ibang magawa kundi umintindi dahil yun ang pinangako niya sa sarili at kay Gerald at kahit sabihin niya ito kay Gerald ay palagi naman sinasabi nito na magkaibigan lang talaga sila at hanggang dun lang talaga yun.

Si Mr. Go naman ay patuloy pa din sa pagkumbinsi kay Gerald. Kahit ang parents ni Gerald ay pinipilit din siya sa gusto ni Mr. Go. Pero ayaw talaga ni Gerald. Kaya niya din pinipili ang mga trabaho sa labas ng office nila para hindi na sila masyado magkita ni Mr. Go. Isang umaga, nagkasabay sina Mr Go at Sarah sa elevator.

Sarah: goodmorning Sir,

Mr. Go: goodmorning din Ms. Sarah. Ahmm, by the way Ms. Sarah nasabi nab a sayo ni Gerald about sa pag alis niya?

Sarah: ahmm, yun po ba pagbalik niya sa Davao? Opo, nasabi niya na saken.

Mr Go: hindi yun Ms Sarah.

Sarah: Sir??

Mr Go: oh, I guess wala pa siya sinasabi sayo. (sabay smile)

Naguguluhan si Sarah sa sinabi ni Mr Go. Naisip niya na may hindi sinasabi sa kanya si Gerald. Gusto niya ito makausap para malaman niya kung ano ang sinasabi ni Mr. Go. Pagbukas ng elevator ay agad na lumabas si Mr Go pero si Sarah ay nakatayo pa at natigilan. Nun pasara na ang pinto ng elevator ay saka lang siya lumabas. Agad niyang sinubukan na tawagan pero bigo siya. Kasalukuyan kasi na nasa meeting si Ge sa isang client nila na sa labas ng office. Nag iwan na lang siya ng message ditto na kailangan nila mag usap oncena din a busy si Gerald.

Nasa pantry si Sarah ng dumating ang dalawa niya na officemate na babae.

Girl 1: oh Sarah, bakit tulaley ka diya?

Sarah: ah wala naman.

Girl2: hay naku baka iniisip ang nalalapit na pag alis ni Ge. Yun nga nag Davao si Ge grabe na kalunkot yan, naun pa kaya na sa ibang kontinente ang punta nun.

Sarah: what?

Girl1: hindi mo pa alam Sa?

Sarah: what do you mean na sa ibang kontinente pupunta si Gerald?

Girl1: dib a si Ge ang gusto ni Mr go na mg manage ng branch sa San Francisco. At two weeks from now opening na nun. Hindi niya sinasabi sayo?

Hindi na nagsalita si Sarah, agad niyang kinuha ang cellphone at sinubukan ulit tawagan si Gerald pero hindi pa din ito sumasagot. Nag message siya ulit ditto.

From Sarah:

We need to talk. ASAP!

Lunch time nun bumalik si Gerald sa office. Hindi pa siya nagchecheck ng phone kaya di niya alam na madami ng missed calls si Sarah at may message ito sa kanya. Dumeretso na lang muna siya sa area niya para ibaba ang gamit niya at para magpahinga ng konti. Naisip na naman niya ang gusting mangyari ng tito at parents niya. Malalim ang iniisip niya kaya di niya napansin na nakatayo na si Sarah sa may tabi niya.nagulat na lang siya ng biglang magsalita si Sarah.

how did you know <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon