After mag coffee ay nagsimula ng mamasyal ang dalawa. Una ang nag boat ride muna sila. Ni – rent ni Ge ang isang boat para daw mas maenjoy nila. After nila dun ay nag fish feeding naman sila. Tapos ay naglakad lakad sila. Nakakita sila ng nagtitinda ng dirty ice cream kaya bumili din sila. Habang nakaupo sa isang bench dun sa park ay nagpaalam si Gerald na aalis sandal pero babalik din daw siya agad. Pumayag naman si Sarah pero sinabi niya na siguraduhin daw ni Gerald na babalikan siya nito. Sinabi naman ni Gerald na oo naman, hindi pwedeng hindi niya babalikan ang babaeng dahilan kung bakit siya patuloy na nagmamahal, nag blush lang si Sarah at hindi na nagsalita. Matapos ang ilang minuto ay bumalik na si Gerald na may dalang tatlong pulang lobo. Na may nakasulat na I LOVE YOU!
Hindi agad kinuha ni Sarah ang lobo, nakatingin lang siya sa mga mata ni Gerald. Ilang sigundo pa ay nagsalita na si Gerald..
Gerald: hindi mo kailangan sumagot, but please accept it.
Pagkakuha ni Sarah ng balloons ay naupo si Gerald sa tabi nito.
Sarah: salamat ha.
Gerald: you’re always welcome.
*silence*
Gerald: alam mo, habang nasa ibang bansa ako iniisip ko pano kung pag balik ko iba na nagmamay ari ng puso mo, kayanin ko kaya. Kayanin ko kayang tanggapin nay un babaeng pinapangarap ko na makasama habang buhay ay mananatili na lang na pangarap. Takot na takot ako. Pero nun nakita ulit kita kanina nawala lahat ng takot ko, wala akong ibang naramdaman kung hindi saya, saya na kaharap na ulit kita. Nag aalala din ako kasi antagal ko nawalan ng balita sayo, baka hindi lang ako binabalitaan nina Nikki kasi baka naiisip nila nab aka makasakit saken ang balita, ang daming tumatakbo sa isip ko..
Sarah: di ba aalis ka din agad.
Gerald: oo, as long as gusto ko na lang mag stay ditto for good, hind pa pwede, nangako ako kay tito at kina mommy at daddy na hindi ko basta pababayaan ang business.
Sarah: nagka girlfriend ka sguro dun kaya hind ka na masyado nagpaparamdam noh?
Gerald: pano naman ako magmamahal ng iba dun e iniwan ko nga ang puso ko dito
Sarah: pano yan, pag bigla ka na naman umalis, mahihirapan na naman ako. Akala mo ba, ang hirap hirap kaya ng malayo sayo. (teary eye)
Gerald: napapagod ka nab a maghintay saken?
Sarah: kahit naman ilang beses mapagod at masaktan itong puso ko, sayo at sayo pa din bumabalik. Akala mo ba ikaw lang ang may takot. Gabi gabi bago ako matulog iniisip ko siguro Masaya ka na dun, siguro may iba ng nagpapasaya sayo. Baka ako na lang yun nagiisip na hawak ko pa din ang puso mo, na hindi ko namamalayan na iba nap ala nagmamay ari nun.
Gerald: (nangingiti ngiti lang)
Sarah: anong nginingiti ngiti mo diyan?
Gerald: wala lang..
Sarah: anong wala? Iiwan kita ditto..
Gerald: ang sungit mo pa din. Walang pagbabago..
Sarah: ano nga?
Gerald: ……. (nakangiti)
Sarah: isa….
Gerald: oo na, nakakatuwa lang kasi isipin na kahit parang ang dami dami na naten pinag daanan, eto tayo mahal na mahal pa dn ang isa’t isa.
Sarah: oo naman..
Gerald: pero mas grabe pagmamahal mo saken. Haha
Sarah: ewan ko sayo.
Gerald: pero seryoso, Masaya ako, at hindi ako magsasawang mahalin ka. Alam ko madami pa pwede mangyari, especially na aalis pa ulit ako. Pero alam ko kakayanin naten to. Walang susuko ha.