>>eto na po, as requested mas magaan na. ((:
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Huling dumating sina Sarah at Gerald sa KTV bar. Pilit na pinagaan ng tatlo ang sitwasyon. Kanta lang ng kanta ng masasaya ang tatlo. Kahit paano naman ay nagsasaya din sina Gerald at Sarah. Order din ng order ng pagkain si Karylle dahil matagal na daw ulit bago sila mai libre ni Ge. Pinilit nilang kumanta si Sarah. Pumayag naman si Sarah. Kinanta nya ang “Time after time by Cyndi Lauper”. Habang kumakanta si Sarah ay nakatingin lang sa kanya si Gerald, tingin na parang nagsasabing “mahal na mahal kita Sarah”. Pagkatapos ni Sarah ay si Gerald naman ang pinakanta nila, ayaw pa ni Gerald nun una dahil nahihiya daw siya, pero nun si Sarah na ang nagrequest ay pumayag na siya. Habang namimili ng kanta si Gerald ay nagpaalam muna si Sarah na magpupunta sa restroom, pagdating sa restroom ay agad na nagpunta si Sarah sa sang cubicle at umiyak, inilabas niya ang luha na pinipigil niyang pumatak habang kumakanta siya. Matapos ang ilang minuto ay bumalik na siya sa room nila. Pagdating niya ayh kakanta na si Gerald, pero nag request si Gerald na kung pwede ay samahan siya ni Sarah sa pagkanta. Pumyag din naman si Sarah, paglapit ni Sarah ay agad na hinawakan ng kanang kamay ni Gerald ang kaliwang kamay ni Sarah at nag simulang kumanta..
I remember so well
The day that you came into my life
You asked for my name
You had the most beautiful smile
(ng magsimulang kumanta si Gerald ay agad na napahigpit ng hawak sa kanya si Sarah at tumingin sa mga mata ni Gerald, ngumiti lang sa kanya si Gerald at patuloy na kumanta)
My life started to change
I'd wake up each day feeling alright
With you right by my side
Makes me feel things will work out just fine
(humarap na sa kanya si Gerald at hinila siya papalapit sa kanya)
CHORUS
How did you know
I needed someone like you in my life
That there was an empty space in my heart
You came at the right time in my life
(nanginginig na ang kamay ni Gerald at may mga luha ng gustong pumatak sa mga mata niya, agad naman siyang hinawakan ni Sarah sa pisngi na nakapag bigay ng ngiti sa mukha niya)
I'll never forget
How you brought the sun to shine in my life
And took all the worries and fears that I had
I guess what I'm really trying to say
It's not everyday that someone like you comes my way
No words can express how much I love you
Pagkatapos kumanta ay humarap si Gerald sa mga kaibigan at nagsalita..
Gerald: bukas aalis na ako, bukas malalayo na ako sa inyo, malalayo na ako kay Sarah. Pero sa pag alis ko, iiwan ko ang puso ko kay Sarah, alam ko hindi pa ulit kami, pero tulad ni Sarah umaasa din ako na pagdating ng panahon, pagmamahalan pa din naming ang mangingibabaw. Umaasa ako na bilang mga kaibigan naming hindi din kayo susuko para samin. Sabay naming ni haharapin ni Sarah lahat ng pagsubok na pwedeng dumating kahit magkalayo kami, mahirap pero pipilitin naming kayanin, sana hindi kayo magsawang alalayan kami. Nasasaktan kami ngayon, pero alam naming pareho na dadating ang panahon na maghihilom lahat ng sugat, mawawala na lahat ng sakit. At pag dumating yun araw na yun, mas kaya na namin mahalin ang isa’t isa ng buo at walang takot. Mas kaya na naming ipag laban ang pagmamahalan naming. At mas buo nay un mga sarili namin. I’m saying this to you guys kasi alam ko as a friend na nasasaktan din kayo para samin, alam ko yun kasi pag nasasaktan mga kaibigan ko nasasaktan din ako. Pero kaya nati to. Kapit lang tayong lahat.