After that night ay nagging super okay na ulit ang dalawa. Kahit minsan may tampuhan, pero mas madalas ay lambingan. Sa province ni Sarah sila nagcelebrate ng Christmas, at sa province naman ni Gerald sila nag new year. Kahit sinong makakita sa kanila ay masasabi kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Masaya naman ang pamilya nila dahil kahit minsan ng nasaktan ang dalawa ay heto sila ngayon, muling nagmamahal at muling nakahanap ng kaligayahan.
January 7, 2013, Monday. Maagang pumasok ng office si Gerald dahil may meeting pa siya with the big bosses ng company nila. Hindi na niya nasundo si sarah dahil hindi siya pwede malate sa meeting na yun. Dumating siya ng 15 mins before ng meeting nila. Dumeretso muna siya sa area niya para ibaba ang gamit niya at magbukas ng laptop at magbukas ng email. Maya maya pa ay tinawag na siya ng TL nila na si Ms Nhila para sabihin na magsisimula na ang meeting, habang naglalakad papunta ng conference room ay tinatanong niya si Ms Nhila kung tungkol saan ang meeting at kailangan na ganoon kaaga, sinabi ni Ms Nhila na hindi niya din alam, basta ang sabi lang ay may meeting sila ng 7am. Pagdating nila sa conference room ay nandoon ang president/ceo na si Mr Lopez, ang COO na si Ms Santos, ang head ng finance na si Sir Dyogi at ang manager niya na si Sir Ogie. Agad naman na naupo si Gerald at Ms Nhila.
Gerald: goodmorning po
Mr Go: goodmorning din Gerald.
Ms Santos: do you have any idea kung tungkol saan ang meeting naten ngayon?
Gerald: (tumingin muna sa manager at TL niya) honestly po, wala. Tungkol po ba saan?
Mr Go: your manager will discuss it now, Ogie, do the honor please.
Mr Ogie: okay Ge, if you still remember na nadiscuss na naten before yun about sa page expand ng office. And if you also remember you signed a contract na once na natapos nay un isa sa mga branches ay ikaw ang magiging OIC for one of the branches.
Gerald: opo, what about that now?
Mr Ogie: well, almost done na yun 3 branches naten sa ibang bansa. Sa Singapore, sa Australia at sa San Francisco. At plano ng management na i-open na ito by the middle of March.
Mr Go: at gusto ko ikaw ang mag manage ng branch sa San Francisco. Since it’s the biggest sa lahat ng branch.
Gerald: po? Sa March na po agad?
Mr Dyogi: yes Gerald. Actually dapat ay last month pa ito pero may mga inayos pa kami about sa financial status kaya nagdecide kami na imove ito.
Ms Santos: it’s a great opportunity for you Gerald, and besides we have a contract.
Gerald: I know po, and I really appreciate yun trust niyo saken kahit na more than a year pa lang ako ditto. Pero po kasi.
Mr Go: anong pero Ge? Alam mo naman siguro kung anong pwedeng mangyare pag hindi mo sinunod ang nasa contract.
Ms Nhila: ahmm, Sir, Ma’am, hindi po kaya masyadong malaking responsibilidan yun para kay Gerald. Kulang pa po kasi ang training niya.
Mr Go: no Nhila. He is just perfect for that position. Mas magandang training yun for him. And besides, I trust him.
Ms Santos: Mr Go is right Nhila, mas maganda na itrain na siya habang maaga.
Mr Dyogi: and besides, hindi naman siya mag isa. I’ll accompany him habang pinag aaralan niya ang pagpapatakbo ng branch sa San Francisco.
Wala ng nagawa sina Gerald at Ms Nhila, kahit si Sir Ogie ay tumahimik na lang din. Kung iisipin ay maganda nga na opportunity yun, pero alam niya din na hindi sa ngayon, marami siyang gustong matutunan sa paraan na alam niya at hindi sa sinasabi ng mga boss niya, at ang pinaka matindi na dahilan kung bakit ayaw niya ay si Sarah, ayaw niya na mapapalayo dito. Lumabas na ang mga boss pero naiwan pa sina Gerald, Sir Ogie at Ms Nhila sa conference room.