Blood Lust

405 6 1
                                    

Copyrights © 2019, All rights reserved.

Prologue:

Nagkakagulo at marami na ang lumikas para makalayo sa maliit na Barrio Magdalena. May natagpuan nanaman kasi na mga patay at ang nakakagimbal ang mga bangkay nila ay wala ng puso at tuyong tuyo ang kanilang mga katawan.

"Ohh!! Jusko ang anak ko! Junior!" Umiiyak na nilapitan ni Aling Cora ang kanyang anak.

"Si Alice! Sila at ng pamangkin niya ang salot sa Barrio na ito!" Sigaw ng isang matanda.

"Hindi tayo pwede magbintang, wala tayong ebidensya." Sagot naman ng kapitan.

"Kung ayaw niyo maniwala kapitan, kami na ang bahala humatol sa babae na iyan." Sigaw naman ni Aling Cora habang yakap ang bangkay ng kanyang anak.

"Oo nga! Dapat diyan ay sunugin! Isa siyang Demonyo!" Sigaw pa ng isa sa kanila.

Madilim na ang gabi pero sadyang nagliliwanag ang Barrio Magdalena dahil sa mga sulo na hawak ng mga taga Barrio. Tinungo nito ang maliit na daan patungo sa bahay nila Alice.

"Canna! Tumakbo ka na!" Rinig kong sabi ng aking tiyahin. Itinutulak niya pa ako sa maliit na bintana upang makalabas na.

Gulong gulo man ako ay sumunod ako tumakbo ako palabas habang bitbit ang isang kahon na iniabot lang ng aking tiyahin.

"Wag na wag kang magpapahuli sa kanila Canna! At wag na wag mo na akong lilingunin." Sigaw pa ng aking tiyahin.

Tumakbo ako sa bilis na makakaya ko. Narinig ko na ang malalakas na hiyaw ng mga tao at ng aking tiyahin. Hindi ko napigilan ang pagsuway sa tiyahin ko at ako ay lumingon. Nakita ko ang pagkaladkad sa tiyahin ko at itinali pa nila ito sa malaking krus. Sinunog nila ng buhay ang aking tiyahin.

"Asan ang pamangkin niyan?! Kalahi niya iyon siguradong ipaghihiganti niya ang kanyang tiyahin! Kaya wag na wag natin siya hahayaan na makatakas!" Hiyaw ng isang lalaki.

Mabilis akong tumakbo kahit hindi ko alam kung makakalayo ba ako sa lugar na ito dahil sa liit ng mga hakbang ko bilang isang bata.

Blood LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon