Chapter 3 (SPG)

251 3 0
                                    

Canna's POV

Hinatak niya ako papunta sa pinanggagalingan ng tunog. Pinipilit kong agawin ang kamay ko sa kanya pero imbes na bitawan niya ako, mas lalo pa niya iyon hinigpitan.

"Wag na kasi."
Bulong ko sa kanya. Alam niyo na kasi privacy nila yon!!

"Sisilipin lang naman natin eh."
Sagot nito.

Hindi ko na talaga siya napigilan and let him do what he wants. Nalagpasan na namin ang exit at habang papalapit kami sa dulo mas lalong lumalakas ang ungol.

"Oooohhhhhhhhh.."
Napangiwi pa ako ng marinig iyon. Mas lalo pa ata siyang naexcite dahil medyo nahahatak na niya ko. Jusko, lalaki nga naman.

Mas lalong lumakas yon ng mapatapat kami sa nakauwang na pinto. Una siyang sumilip at nakita kong ngumisi siya.

"Shit."
Bulong pa nito.

"Bakit?"
Tanong ko sa kanya.

"Wala naman."
Sagot nito at ngumiti uli. Kaya nacurious naman ako at itinulak siya para silipin iyon.

"Hey."
Bulong nito habang pinipigilan ang tumawa.

"Wag ka maingay."
Sita ko sa kanya. At sumilip na, napakadilim naman, iginala ko ang paningin ko at sinundan ang mga ungol na naririnig namin.

WTF! Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Paano ba naman kasi! Aish! May babaeng nakahiga sa lamesa at nakabukaka habang may lalaki sa pagitan ng hita nito.

"Naestatwa ka na diyan."
Bulong nito sa tenga ko. Tinayuan ako ng balahibo sa ginawa niya. Kaya agad ko siyang naitulak, nasanggi ko din ng konti ang pinto kaya gumawa iyon ng ingay.

"Damn."
Sabi nito at hinila ako dun sa may imbakan ng mga upuan at nagtago kami. Kasi naman eh! Sinabi ng wag pupuntahan yang mga umuungol na yan eh. Nadamay pa ko sa kalokohan niya eh.

Nakita kong may lumabas na lalaki na walang saplot. Kaya napatakip agad ako ng aking mata.

"Wala naman tao! Sheena."
Hiyaw nito.

"Sigurado ka? Eh gumalaw yung pinto!"
Sabi naman ng babae.

"Wala, ituloy na natin ang ginagawa natin. It's just a cat or a rat."
Sabi ng lalaki.

Lumipas ang ilang sandali at narinig kong isinara na nila ang pinto.

"Hahaha. Wala na."
He said while grinning.

"Chismoso mo kasi eh."
Sagot ko at lumabas na mula sa maalikabok na mga upuan. Pinagpag ko muna ang uniform ko.

Muli nanaman silang umungol kaya napairap na lang ako. Nagulat na lang ako ng hinila nanaman niya ako at naglalakad na paalis doon. Nakarating kami sa exit.

"May sasakyan ka ba?"
Tanong nito sa akin.

"Mukha ba kong may sasakyan?"
Sabi ko.

"Ha? Edi ba galing ka dito so I guess galing ka ng parking lot."
Sagot nito na nakakunot ang noo at biglang ngumiti.

"Or baka naman sinisilip mo talaga sila!"
Sabi nito at tawa ng tawa.

"Ulol. Hinatid ko lang yung kaibigan ko sa parking lot dahil ayaw niya dumadaan dito kasi madilim."
Sabi ko sa kanya. Tiningnan pa ako nito na hindi naniniwala at pinipigilan tumawa. Sabi ko naman kasi kay Martina sa bagong building na siya magpapark at hindi dito eh.

"Fine. Sabi mo eh."
Sagot nito. Pulang pula na ito sa pagpipigil niyang tumawa. Nakakainis na lalaki to kundi lang.. wala! Canna wala! Ano ba?!

"Atakihin ka sana."
Bulong ko.

"So, wala kang sasabayan, madilim na. Sumabay ka na sakin."
Sabi nito.

"No way."
Sagot ko naman sa kanya.

"Ikaw din. Baka may marinig ka nanamang ungol diyan."
Sabi nito sa akin at ngumisi.

Maglalakad na sana ako ng makita ko ang dadaanan ko, napakadilim na. Wtf! Sabi ko naman kasi kay Martina wag na kami dumaan dito eh! Bwiset din tong lalaki na to inabutan ako ng dilim dahil sa kalokohan niya eh! Kaya naman! Errrr.. tama! Dapat pagbayaran niya to!

Tumalikod ako para tingnan siya at ang magaling na lalaki wala na doon. Lumabas ako at lumapit ako doon bago pa siya makasakay sa kotse niya.

"Ito ba kotse mo?"
Tanong ko. Mukha pa siyang nagulat pero agad naman iyon napalitan ng ngisi niya.

"Yeah, wanna ride me?"
Sabi nito sakin. Agad ko naman siyang sinapok sa tiyan ang tigas. Err hindi pala!

"Fuck you."
Sabi ko sa kanya at binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan pero pinigilan niya iyon.

"Kala ko ba ihahatid mo ko?"
Reklamo ko sa kanya.

"Oo nga pero doon ka sa harap. Ano ako driver mo? Ang gwapo ko naman para maging driver mo?"
Sabi nito.

"Psh. Yabang"
Sumakay na ako sa sasakyan niya. Ang bango naman. Errr. Mabaho pala. Hmp.

Nagayos muna siya ng gamit niya bago inistart ang sasakyan ng may napansin ako sa side mirror! Yung lalaking nakahubad! Tumatakbo papalapit sa sasakyan.

"Diba yung lalaki yon!"
Turo ko sa kanya. Tiningnan naman niya iyon.

"Oo nga no? Wild sex."
Comment pa nito.

Pero ng mas nakalapit ito samin ay sumisigaw at nagwawala na ito, pinipilit buksan ang pintuan sa side ko kaya lang nakalock na iyon kaya inumpisahan na niyang kalampagin ang salamin. Napaatras naman ako dahil may dugo! May bakas ng dugo ang bintana.

"Shit."
Sabi nito at nagumpisa ng magmaneho ng mabilis. Pigil ang mga hininga namin ng makalabas kami sa Gate 1 ng paaralan.

Bumagal ang takbo niya kaya napalingon ako sa likod. Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung lalaki na nasa likuran ngumiti ito ng napakalapad at muling kinakalampag ang salamin. Napakapit ako sa braso niya sa takot at pumikit.

"Just hold on tight."
Sabi nito sakin at naramdaman kong parang umikot yung sasakyan at mas bumilis ang takbo. Ilang minuto din akong hindi pa din dumidilat at nakakapit lang sa kanya.

"Wala na."
Sabi nito sakin. Napamulat na ako at nakitang nasa highway na kami. Bumitaw na din ako sa kanya. Nakahinga ako ng maayos pero may bakas pa din yung mga bintana ng kamay. Mabuti na lang at madilim na hindi na masyadong kita ang mga yon.

"Ano yon?"
Tanong ko sa kanya.

"I don't know"
Sagot nito sa akin at nagpatuloy sa pag mamaneho.

Shit! Just shit! Paano ako makakatulog sa bahay?! Magisa lang ako!!!

---------------------------------------------------------
A/N: Enjoy and please support my story 😊 Thank you.

Blood LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon