Canna's POV
Humahangos akong napabangon sa aking kama. Muli ko nanaman napanaginipan ang aking tiyahin. Labing dalawang taon na ang nakalipas mula ng trahedyang iyon. Mabuti na lamang at may magasawang nakakita sa akin at kinupkop ako.
Nung ikasampung taon na kasama ko sila ay may nangyaring trahedya. Nahulog ang sinasakyan nilang sasakyan sa bangin kaya muli akong naiwan magisa. Naiwan nila sa akin ang bahay na tinitirhan ko at mula sa kanilang ipon meron akong sapat na pangtustos sa aking pagaaral at ang mga pangangailangan ko.
Ako nga pala si Canna Lei Trousé, nagayos na ako para pumasok sa Ellora University isa akong chemical engineer student doon. Sinipat ko pa uli ang aking sarili sa salamin bago ako tuluyang lumabas.
Namataan ko pa lang ang gate ng EU. May pinagkakaguluhan nanaman ang mga babae at ilang binabae sa quadrangle. Napailing na lamang ako at nagtuloy tuloy na sa aking klase.
Lumipas na ang ilang oras at bumaba na ako sa canteen. Hawak ang orange juice na binili ko ay agad kong hinanap si Martina ang kaibigan kong madaldal.
"Canna!!"
Kaway pa nito sa akin. Palapit na ako sa kanya ng may bumangga sa akin."Sorry."
Sabi nito sa akin habang pinapagpagan ang polo niya na natapunan ko ng orange juice.Kumunot lang aking noo sa kanya at sinipat siya. Magsasalita pa sana ako ng may malakas na hiyaw.
"May patay! May patay sa rest room!" Histerikal na sabi ng isang babae. Agad naman nagkagulo ang mga estudyante para makumpirma ang nangyayari.
"Aray, aray!"
Hindi ko napigilang daing dahil na rin sa pagbangga bangga sa akin. Hindi ko na tuloy makita ang kaibigan kong si Martina sigurado akong nauna na yon sa banyo upang umisyoso."Tsk."
Sabi nung lalaki at hinawakan ako sa kamay iginiya niya ako para makaalis sa madaming tao."Ano ba?"
Sabi ko at binawi ang kamay ko."Ikaw na nga yung tinulungan ikaw pa ang galit."
Sabi nito at nginisihan ako. Tinaasan ko naman siya agad ng kilay."Xavier"
Sabi nito sabay ngiti niya. Hindi ko iyon pinansin at ibinaling ko uli ang tingin ko sa mga nagkukumpulan na tao."Nakakatakot na pang tatlo na yan na nakita na patay dito sa school."
Narinig kong usapan ng mga kaeskwela ko."Oo nga eh, suspended nanaman ang klase niyan."
Lumingon ako para tingnan yung lalaking tumulong sa akin kanina pero wala na siya siguro pumunta na din siya sa scene of the crime para umisyoso.
Hindi nagtagal ay may dumating ng pulis upang imbestigahan nanaman ang pangyayari. Pangatlong beses na ang insidenteng ito pero wala pa din silang matukoy na suspect.
--------------------------------------------------------
A/N: Enjoy! I hope you have a good day 😊