Chapter 5

108 3 0
                                    

Canna's POV

Ilang beses na ako bumaling sa kama ko ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung lalaking nakita ko sa presinto.

Nang binalikan ako ni Xav at ng kaibigan niya ay tinitigan lamang ako noon at sinabihan na ihahatid na para makapagpahinga. Hindi ko na din nasabi sa kanya na nakita ko yung lalaking humabol samin dahil hindi ako sigurado? Naaah.. imposible! Sigurado talaga ako eh. Ayoko lang makaistorbo pa. Tahimik lang ang naging biyahe namin ng ihatid niya ako. Mukhang napagod na din siya kaya wala na siyang lakas para mangasar.

Ilang beses pa ako nagpabaling baling bago ako dinalaw ng antok.

Kinabukasan, tanghali na akong nagising kaya napagdesisyunan kong sa second subject na ako papasok. Inayos ko na ang sarili ko at umalis na.

"Canna!"
Tawag sakin ni Martina.

"Tinetext kita pero di ka sumasagot!"
Sabi nito sakin. Oo nga pala hindi ko pa nakukuha ang cellphone ko.

"Nahulog kasi yung phone ko."
Sabi ko sa kanya.

"Ha?! Saan?"
Sabi nito.

"Hindi ko alam."
Pagpapalusot ko na lang.

"Oh well! Halika na sa room!"
Sigaw nito sakin.

Nakarating kami sa room, wala pa ang prof namin sa ikalawang subject. Kaya nagkwento lang ng nagkwento si Martina about sa party ng family niya.

"Canna! Canna!"
Yugyog sakin nito.

"Hindi ka naman nakikinig eh!"
Reklamo sakin nito at ngumuso nguso pa.

"Sorry, Martina puyat kasi ako."
Palusot ko na lang sa kanya. Hindi naman nagtagal ay dumating na din ang prof.

Lumipas ang kalahati ng araw ko na maayos naman pero antok na antok na talaga ako at gutom. Ngayon ko lang naalala na wala pala akong kain kagabi.

"Canna! Halika na."
Hila sa akin ni Martina, nakarating kami sa canteen na wala pa masyadong tao kaya ng makabili ay agad akong nakapili ng pwesto.

"Alam mo ba Canna, kahapon daw may nakitang patay sa abandoned building? Nakakatakot! Mabuti na lang at ligtas ka. Kasi mga ganong oras mo ako inihatid diba? Buti hindi ikaw yung nabiktima."
Sabi nito sakin. Mabuti na lang talaga, sambit ko sarili ko.

"Mamaya ihatid mo ako uli ah!"
Sabi nito. Tumango lang ako bilang sagot at kumain na.

"Canna."
Napaangat ako ng tingin at tumambad sakin ang mukha ni Xav.

"Naiwan mo kagabi."
Sabay abot sakin ng cellphone ko! Mabuti naman!

"Thank you."
Sabi ko sa kanya. Napatingin iyon kay Martina at medyo kumunot ang noo, napaiwas lang ng tingin si Martina.

"I have to go."
Sabi nito samin at umalis na.

"So, kayo ang magkasama kagabi?"
Sabi ni Martina nakangiti ito pero iba ang tono ng pananalita niya.

"Aksidente lang, doon din pala kasi siya dumadaan sa lumang bulding."
Sagot ko sa kanya habang tinitingnan ang cellphone ko.

"Oh."
Sabi ni Martina. At tumahimik na ito. Lumipas ang dismissal wala pa din itong kibo.

"Mart, okay ka lang?"
Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Ay teka, samahan mo muna ako sa lib. Ang dami ko kasing assignment."
Sabi nito.

"Sige, pero sa gate 3 na tayo dumaan papunta sa parking lot."
Sabi ko sa kanya.

"Ha? Ang layo nun Canna! Maaga pa naman at sandali lang ako doon na tayo dumaan sa lumang building."
Sabi nito sakin.

"Okay, okay."
Sabi ko at pumunta na sa library. Nagumpisa na si Martina gawin ang mga assignments niya. Naramdaman ko naman nagvibrate cellphone ko.

"From: Baby Xav,
You goin' home?"
Napakunot naman ang noo ko! Wtf! Kinalikot pa niya ang cellphone ko at isinave ang number niya na may baby! Wow! Agad kong pinalitan iyon. Mabuti na lamang at wala akong kahit ano sa cellphone!

"To: Xav,
Not yet."
Reply ko. Wala pang isang minuto nagreply na agad ito.

"From: Xav,
Why? San ka?"

"To: Xav,
Library."
Hindi na ito sumagot kaya itinago ko na ang cellphone ko at dumukdok na sa lamesa.

"Canna, Canna, Canna!"
Yugyog ni Martina sa akin. Tiningnan ko ang oras 7:30 na. Ginabi na pala kami.

"Ihatid mo na ako."
Sabi nito at nagligpit na.

"Sa gate 3 na tayo dumaan Martina."
Sabi ko naman sa kanya.

"No way! I mean, anlayo kasi non andami ko pang bitbit."
Sabi nito at pinagbibitbit yung mga libro.

"O..kay?"
Sagot ko sa kanya na medyo kinakabahan.

Naglalakad na kami sa madilim na pasilyo na tanging flashlight lang sa cellphone ang bukas.

"Bukas pa ba yon?"
Tanong ko sa kanya.

"Oo naman no!"
Sagot nitong parang naiirita.

"Oh ito na pala Canna, paano mauuna na ako ah! Magingat ka."
Sabi nito sakin. Tiningnan ko lang siya habang papalayo sa akin.

Tumalikod na ako at sinipat ang pasilyo. Wtf Canna! Sana ipinilit mo na lang na sa Gate 3 kayo dumaan eh!

"Pst."
Oh fuck! Nagumpisa na akong maglakad. Lakad na nagiging patakbo na.

"Psst."
Mas lalo iyon lumalakas at lumalapit sa pwesto ko. Malapit na ako sa exit ng may humila sa paa ko. Oh shit! Naramdaman kong humampas ang likod ko sa semento! At nalaglag ko ang cellphone na hawak ko, kaya wala akong makita. Maski ang mukha ng lalaki na ito ay hindi ko maaninag.

"Kala mo makakatakas ka sakin?"
Sabi nito at hinila ako. Pilit akong nanlalaban sa kanya. Naramdaman ko na ang luha ko naguunahan ng pumatak.

Binuhat ako nito papasok sa kwarto kung saan namin nakita yung babae at lalaki na may ginagawang kababalaghan. Ibinalibag ako nito sa lamesa at pinilit na ibuka ang mga hita ko. Buong lakas ko siyang itinulak, napaatras ito pero hindi ito natinag. Lalo lamang ata ito nainis dahil inumpisahan na nitong punitin ang blouse ko. Tanging palahaw ko na lamang ang naririnig.

"CANNA?!"
Sigaw ng isang pamilyar na boses.

"XAV! XAV!"
Nabuhayan ako at buong lakas kong tinawag ang pangalan niya. Narinig ko naman ang lalaking ito na napamura at agad agad akong binitawan.

Agad akong bumangon at patakbong lumabas. Nasilaw pa ako sa flashlight na dala ni Xav ng itutok niya sa akin ito.

"Canna!"
Tawag nito sa akin, at niyakap agad ako. Hindi ko na napigilan at isiniksik ko ang sarili ko sa kanya at umiyak.

"Anong nangyari sayo?! Sinong may gawa sayo nito?"
Tanong nito.

Puro iling at iyak lang ang sagot ko. Hanggang sa nagdilim na ang pahinga ko at hindi ko na alam ang nangyari.

---------------------------------------------------------
A/N: Feel free to comment and let me know your thoughts about my story 😊😊😊 godbless!

Blood LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon