Canna's POV
Patuloy lang ang pagmamaneho niya at bigla itong pumasok sa isang subdivision. Huminto iyon sa isang malaking bahay at kusang bumukas ang gate non. Nang maipasok niya ang sasakyan ay binalingan ako nito ng tingin.
"Let's go?"
Sabi nito at bumaba na.Akala ko ay pagbubuksan ako nito ng pintuan pero nagdirediretso lang ito. Bumaba na ako at muling sinipat ang sasakyan may bakas nga iyon ng dugo.
"Hey."
Tawag nito sakin. Kaya sumunod na ako. Hindi ko maiwasan ang mamangha sa bahay nila. Sobrang laki noon at engrande talaga!"Lord."
Bati sa kanya ng isang lalaking medyo may edad na siguro mga nasa 30's at yumukod pa ito sa kanya. Pormal na pormal ito kung tumindig. Tumango lamang ito at hinila na ako."Uy iuwi mo na ko."
Sabi ko sa kanya. Habang umaakyat kami sa hagdan.Hindi ako sinagot nito at pumasok kami sa kwarto doon. Oh shit! Napakalaki nito at napakaganda ng loob non nababasa ko lang ang mga ganon sa wattpad at pocket books o di kaya ay napapanood sa movies.
"Maupo ka muna."
Sabi nito sa akin."Teka! Iuwi mo ako!"
Sabi ko sa kanya ng maisip ko na nasa kwarto na niya ako?. Wtf!"Oo nga. Inuwi na kita, nasa kwarto pa nga kita eh."
Sabi nito sakin at ngumisi ng pagkalaki laki.Sandali ah! Sandali lang!! Hindi ko maprocess yung sinasabi niya eh! WTF! Inuwi na niya ko? Eh hindi ko naman bahay to! Inuwi niya ko sa bahay niya! Walangjo, nabudol ata ako ng gwapong to!
"Teka! Teka! Sabi mo ihahatid mo ko? Hindi mo naman tinanong kung saan ako nakatira ah? Dire diretso ka dito?"
Sabi ko. Diba ganon yon?! Ano ba naman to!"Ah! Akala ko ihahatid na kita sa bahay ko at nagpapauwi ka na sakin. Inuwi na kita."
Sabi nito na pinipigilan ang tumawa."Aish ka! Iuwi mo na ako."
Sabi ko sa kanya.Sasagot na sana ito ng may tumunog. Agad niyang kinapa ang cellphone niya sa bulsa niya at sinagot iyon.
"O?"
Sabi niya."What?"
Kumunot na ang kanyang noo."Sige, ngayon na. Baka umabot pa yan kay Luci."
Sabi nito. At ibinaba na ang cellphone. Binalingan niya ko ng tingin at bumuntong hininga."Iniimbitahan tayo sa presinto."
Sabi nito."Ha?"
"Nakita tayo sa CCTV na huling lumabas ng main gate. At yung babaeng nakita natin natagpuang patay sa imbakan ng upuan. Chinop chop pa."
Sagot nito sakin. Nanlaki naman agad ang mata ko sa narinig ko."And natagpuan lang naman sa crime scene ang cellphone mo."
Sabi nito."Ha?!"
Bulyaw ko sa kanya. Agad ko naman kinapa ang bulsa ko at wala na nga ang cellphone ko doon. Nalaglag ko ata nung nagtago kami sa imbakan ng upuan."Tss. Halika na."
Tingnan mo tong lalaki na to! Akala ata eh laruan lang ako kung makahatak hatak lang sa akin.Bumaba kami at dumiretso sa garahe nila. Nilapitan niya ang pulang sasakyan, yaman! Kanina puti yung gamit ngayon pula naman.
"Sakay."
Sabi nito sakin. Kaya sumakay na ako agad.Tahimik lang siyang nagmamaneho. Maya maya pa ay huminto na kami sa isang presinto. Bumaba siya at pababa na din ako ng pinagbuksan ako nito.
"Sasang ayon ka lang sa lahat ng sasabihin ko okay?"
Sabi nito sakin at hinawakan ang kamay ko.Pagpasok namin sa presinto ay may sumalubong sa amin na lalaki. Namumukhaan ko ito! Isa to sa mga dahilan kung bakit hindi nadadaanan ang quadrangle sa umaga!
"Dude, woah! Sino yan?"
Sabi nito at sinipat ako mula ulo hanggang paa."Saan na?"
Sabi naman nito sa kasama niya."Ehem. Nasa opisina niya inaantay na ang statement niyo."
Sabi nito habang sinisipat pa din ako. Naglakad kami at pumasok na sa isang maliit na kwarto."Sir, Someraux? I'm Tiffany Allison. Ang may hawak sa kaso na ito."
Pagpapakilala nung babae na ubod ng ganda."Maupo na kayo ni Ms?"
Sabi nito at bumaling sa akin."Trousé, Canna Lei Trousé"
Sabi ko."Ipapanood ko sa inyo ang CCTV"
Iniayos niya iyon at plinay iyon.Nakita sa CCTV yung paguusap namin ni Xav sa parking lot at ang pagsakay ko sa sasakyan niya at ang mabilis nitong pagpapatakbo pero yung lalaki na humabol samin kanina ay wala at ang bakas ng dugo. Imposible!
"Okay, Mr. Someraux and Ms. Trousé magkaano ano kayo?"
Tanong nito."Girlfriend ko."
Sagot nito."Schoolmate ko."
Sagot ko naman na nagpakunot sa noo niya."Pfffttt."
Narinig kong pagpipigil ng tawa nung lalaking kausap niya kanina."Ano ba talaga?"
Muling tanong ni Ms. Tiffany."Ms., May hindi lang kami pagkakaintindihan ng girlfriend ko."
Sagot naman ni Xav."Totoo ba yon?"
Baling sa akin nito. Tumango na lamang ako bilang sagot. Iniisip ko talaga kung bakit wala yung lalaki don."Okay, then anong ginagawa niyo sa abandoned building ng alas singko y medya ng hapon?"
Muling tanong nito. Hinayaan ko ng siyang sumagot. Tiningnan lang ako nito."Lagi naman kami dumadaan don ng girlfriend ko dahil mas malapit sa parking area. Then suddenly kanina may pumasok samin na idea you know boyfriend and girlfriend thing."
Sabi nito."And then?"
Tanong uli ni Ms. Tiffany."We started kissing and hanggang sa napunta kami sa imbakan ng upuan then we did it. Kaya siguro nahulog niya ang phone niya."
Wait! Teka ano daw?! Kunot na kunot ang noo ko sa kanya."Is that true, Ms. Trousé?"
Baling nito sa akin. Errrr sinungaling! Susko ginawan pa ko ng kwento! Pero pinanlakihan ako nito ng mata."Opo."
Pikit matang sagot ko. Walanjo Canna! Nagkascandal ka pa!"Wala kayong nakita na babae? Or other suspicious things?"
Tanong samin nito."Wala."
Sagot ni Xav. May dinukot ito at ipinakita samin picture ng isang babae. Yung babae na nakita namin!"Kilala niyo ba siya?"
Tanong samin nito."No."
Sagot ni Xav."Ikaw? Ms. Trousé?"
Baling niya sa akin."No."
Sinabayan ko pa iyon ng iling."Okay then pwede na kayo umalis, kapag may further questions pa kami sa inyo. Ipapatawag na lang namin kayo. Salamat sa cooperasyon niyo Ms. Trousé and Mr. Someraux. Thanks to you too Mr. Alejandre."
Sabi nito at kinamayan kami. Lumabas kaming tatlo sa kwarto."Umupo ka muna. Ako na ang pipirma satin."
Sabi nito sakin. Tumango lang ako sa kanya.Iniisip ko pa din bakit hindi nakunan sa CCTV yung lalaki. Eh hindi ako namamalikmata non. May bakas pa nga ng dugo yung sasakyan ni Xav kanina eh, kaya imposible yon.
"Coffee, Ms."
Sabi ng isang lalaki, kaya napaangat ako ng tingin at nasanggi ko ang kape tumapon iyon sa tuhod ko. Sobrang init, fuck!Nginisihan lang ako nito at naglakad na papalabas ng presinto! Wtf! Wtf! Yun yung lalaki na nakita namin sa abandoned building at yung humabol sa sasakyan ni Xav!
---------------------------------------------------------
A/N: Enjoy! Have a nice day everyone 😊❤️ Godbless!