Chapter 2

199 3 0
                                    

Xav's POV

"Tsk."
Tinalikuran ako ng babaeng nakatapon sa akin ng orange juice. Hindi lamang iyon at napakasungit pa nito.

Naglakad ako papalayo para bumalik sa locker ko at kumuha ng panibagong damit.

"Xav!"
Tawag sakin ni Zim.

"O?"

"Nabalitaan mo na yung nangyari sa cr sa west wing?."
Sabi niya habang hinihingal.

"Oo nasa canteen ako kanina nung may sumigaw eh."
Sagot ko.

"Nagpakamatay kaya yon? Grabe napakadaming suicidal ngayon, dapat talaga pinapakinggan sila at tinutulungan."
Sabi nito habang umiiling iling pa.

"Suspended na ang klase. Saan tayo?."
Sabi ni Nux na kakapasok lang.

"Mall?"
Sagot ni Zim.

"Bar na lang!"
Hiyaw naman ni OJ.

"Pass ako mga dude, may lakad ako."
Sabi ko at sinukbit na ang bag ko. Hindi ko na inantay pa ang sagot nila at lumabas na ako.

Wala naman talaga akong pupuntahan. Gusto ko lang manahimik sa bahay dahil inaantok na ako. Dumaan ako sa likuran bahagi. Walang dumadaan dito dahil madilim at nakakatakot pero malapit sa parking area at para makaiwas sa mga babae na wala ng ibang ginawa kung hindi ang tumili. Pakaliwa na ako ng may mabangga ako.

"Aray."
Sabi nito habang hinihimas ang kanyang noo.

"Tsk."
Nagangat ito ng tingin, yung babae kanina na nakatapon sa akin ng juice. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ikaw nanaman."
Sabi nito.

"Yeah, at ikaw nanaman."
Sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mukha niya.

Inirapan lang ako nito at nagumpisa na siyang lumakad papalayo. Pero sinundan ko siya at pinatigil.

"Ano?"
Sabi nito sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sa kanya.

"Ano naman sayo?"
Sabi nito at umirap pa.

"Hindi ka ba natatakot dito? Madilim at walang tao na dumadaan dito oh."
Sabi ko.

"Kaya nga nagmamadali na ko diba? Kaya pwede bitawan mo na ko at ng makaalis na ko."
Pagsusungit nito.

"Nope. Ihahatid na kita."
Sabi ko.

Hindi pa man siya nakakasagot eh, may narinig akong ungol.

"Narinig mo yon?"
Tanong ko sa kanya. Mula sa masungit niyang mukha, napalitan iyon ng pangamba.

"W..wa..wala"
Sabi nito at iniwas pa ang tingin.

Hinawakan ako ang kamay niya at dahan dahan ko siyang hinila patungo sa pinagmumulan ng ingay.

---------------------------------------------------------
A/N: Enjoy 😊

Blood LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon