Chapter 8

105 6 2
                                    

Canna's POV

Inaayos ko na ang uniform ko. Inilock kong mabuti ang bahay. Yung bintanang nabasag ay inayos na ni Xav kahapon ng ihatid niya ako dito sa bahay pagkatapos niya akong pakainin ng sandamakmak. Nagpumilit pa itong samahan ako matulog pero hindi na ako pumayag. Napapailing na lang ako sa itsura niyang parang bata.

Nakapasok na ako sa EU at narinig ko na ang mga tilian ng kababaihan at mga kabekihan. Nilagpasan ko iyon at nagpatuloy na sa paglalakad sa building namin.

"Canna!"
Tawag sakin ni Martina. Napangiwi naman ako ng maalala ang pantatraydor nito sa akin.

"Canna! Wait! Ayos ka lang ba? Uy mamaya okay lang ba samahan mo ako sa library?."
Sabi nito na ikinairap ko.

"Are you mad?"
Tanong pa sakin nito.

"Nope. Sige sasamahan kita."
Walang gana kong sagot sa kanya.

"Canna."
Tawag sa akin ni Xav. Humalik pa ito sa noo ko. Napabaling naman ang tingin ko kay Martina at halatang gulat na gulat ito.

"Oh. Xav si Martina, bestfriend ko. Martina si Xav.."
Putol na litanya ko dahil sumingit si Xav.

"Boyfriend niya. Nice meeting you."
Sabi nito at malamig na tiningnan si Martina.

"N..n..nice me..meeting y..you t..too"
Pautal utal na sagot ni Martina at inilahad pa ang kamay. Hindi iyon pinansin ni Xav at hinila na ako nito papalayo. Naiwang tulala si Martina sa hallway.

"Xav, may klase pa ako. Anong ginagawa natin dito sa parking?"
Sabi ko sa kanya. Niyakap ako nito at isinandal sa sasakyan niya.

"I miss you."
Bulong nito.

"Xav, libog lang yan! Ano ka ba? May klase pa ako!"
Sabi ko sa kanya at itinutulak siya.

"Canna, please."
Sabi nito sa mahinang boses. At lalong ibinaon ang mukha sa leeg ko.

"I want you, Canna."
Naramdaman ko naman agad ang init sa pisngi ko. Ano ba naman tong si Xav!

"Xav.. may klase tayo."
Sabi ko sa kanya. Humiwalay ito at tinitigan ako pula ang mga mata nito at pinagpapawisan. Hahawakan ko sana ang pisngi niya ng lumayo ito at naglakad na palayo. Errr dinala ko sa parking tapos iiwanan ako?! Wtf!

Pumasok ako sa klase ko kahit late na ako. Tumabi ako kay Martina ngunit inismiran lang ako nito. Nagpatuloy ang apat na oras na klase bago kami idismissed para kumain.

"Canna! Magcacanteen ka ba?"
Tanong ni Martina.

"Yeah."
Tipid kong sagot. Naglakad na ako papunta sa canteen ng mamataan ko ang grupo nila Xav. Balak kong itake out na lang ang pagkain ko at sa rooftop na lang ako kakain.

"Canna!"
Kumakaway na tawag sakin nung lalaking kasama ni Xav sa presinto. Errr. Nakita na nila ako.

"Canna dito ka na!"
Sabi nito at tinulungan ako sa mga bitbit kong pagkain.

"Errr.. salamat."
Sabi ko. Nakita kong nakayuko lang si Xav at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Kainis to!

"Woah! New girlfriend mo? Zim?"
Tanong ng isang lalaki na gwapo!

"Hehehe. Nope."
Sabi ni Zim.

"Woah, so available ka pa Miss? Uhm... By the way, OJ nga pala.. and you are?.."
Sabi nito na pinapungay pa ang mata niya.

"Canna."
Sagot ko na medyo natatawa. Nagulat naman kaming bigla ng tumayo si Xav at umalis bigla ng canteen.

"Anong problema non?"
Tanong ni OJ.

Tumawa lang si Zim at nakatanghod pa din sa akin. Sinundan ko naman ng tingin ang nilabasan ni Xav. Aish! Bahala na, sinundan ko iyon dinala ako non sa likod na bahagi ng gym. Nakita ko itong nakasandal at tinatakpan ang mga mata niya ng kanang kamay niya.

"Xav."
Mahinang tawag ko sa kanya. Hindi ito lumingon sakin.

"Xav? Ayos ka lang ba?"
Tanong ko sa kanya ng makalapit ako. Tiningnan lang ako nito at nakita kong agad na pumula ang mata niya.

"Iwan mo na ko."
Sabi nito. At muling tinakpan ang mga mata niya.

"Xav.. may problema ka ba?."
Sabi ko sa kanya. At hinawakan ang braso niya. Tiningnan niya ako ng blangko at huminga ng malalim.

"My problem is you okay? So, please Canna."
Sagot nito sakin.

"Ako? Bakit ako? Eh ikaw nga iniwan mo lang ako sa parking eh!"
Sabi ko sa kanya.

"Tss."
Lumapit ito sakin at nanlaki ang mga mata ko dahil muli nanaman niya kong hinalikan. Itinulak ko ito, pero mas lalo lang niyang nilaniman ang mga halik na iginagawad niya sa akin.

"Canna.."
Tawag nito sa pangalan ko ng pagdikitin niya ang mga noo namin.

Narinig namin ang isang malakas na bell kaya agad akong napabitaw kay Xav. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalapit sa quadrangle.

"Shit. Blood."
Narinig kong bulong ni Xavier.

Nang makarating kami sa quadrangle ay may pinagkakaguluhan ang mga studyante. Oh fuck! May patay at nakasabit ito sa flag pole. Mas nagulat ako ng mamukhaan ko kung sino iyon si Zayn! Yung lalaking madalas pasunod sunod kay Martina at narinig kong inutusan niya para gawan ako ng masama.

"Waaaaahhhhhhhhhh!!!"
Sigawan ng mga studyante ng humiwalay ang katawan sa ulo nito. Bumagsak ang katawan sa lupa at nananatiling nakasabit ang ulo sa may flagpole.

Naramdaman kong may yumakap sa bewang ko at marahang tinakpan ang mga mata ko. Narinig ko ang ilang sigawan ng mga guro para paalisin ang mga studyante. Maya maya pa ay dumating na din ang mga pulis para imbestigahan ang mga nangyari.

"Canna, are you okay?"
Sabi nito ng makarating kami sa parking. Tumango lang ako bilang sagot.

"It's okay.. I'm here.. always.."
Sabi ni Xav at binigyan ako ng makalaglag panty na ngiti! Wtf! Wtf! Nagiinit ang mukha ko sa ginagawa niya!

"Che!"
Sabi ko sa kanya at akmang tatalikuran siya pero nahagip niya ako. Niyakap niya lang ako at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

"Canna, I'll stay at your place tonight."
Ano daw?!

"What? At bakit Xav? Teka teka ah! Hindi pwede!"
Sagot ko sa kanya dahil alam ko na to! Alam ko na! May mangyayari nanaman! Hay nako advanced na ko magisip!

Hindi ito sumagot at mas lalo lang niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Jusko! Ano bang ginagawa ng lalaki na to!

----------------------------------------------------------------------------
A/N: ♥️♥️ Enjoy! Have a nice day!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blood LustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon