Canna's POV
Nagising ako na sobrang sakit ng buong katawan ko. Naalala ko ang nangyari, tumingin agad ako sa tabi ko, walang tao. Walang tao ang buong kwarto kung hindi ako lamang. Pinilit kong tumayo at pinulot ang damit ko isa isa, naluluha ako sa sakit ng katawan ko hindi lamang iyon. Sumasakit ang dibdib ko sa ginawang panghahalay ni Xav sa akin.
Pumasok ako sa banyo at pinilit kong maligo. Dali dali akong nagbihis, punit ang damit ko? Fuck. Naghalungkat ako sa cabinet ni Xav at nakakita ako ng itim na t shirt agad ko iyong sinuot at umalis na sa lugar na iyon. Nakita ako ni Shei pero hinayaan lang ako nito umalis at hindi na pinigilan pa. Hayop na Xav yan gagawin pa kong kabet!
Lumipas ang isang linggo. Pinipilit kong iwasan si Xav. Kapag nakikita ko ito sa hallway liliko ako agad o di kaya ay magtatago kung saan. Nakalimutan ko na nga ang ginawa sakin ni Martina sa sobrang focus kong umiwas kay Xav at maging sa mga kaibigan nito.
"Hayyyy."
Bugtong hininga ko. Hindi ko maipaliwanag pero nasaktan ako sa ginawa ni Xav dapat magalit ako sa kanya pero hayyy.. ewan ko ba."BLAAAAAAAG!"
May kung anong bumagsak sa bubungan namin."Shit!"
Napatayo kong mura agad. Ano yon? Ang laking pusa naman non!Pinakiramdaman ko iyon parang wala na kaya lumapit ako sa bintana para silipin iyon. Nagulat ako ng mabasag, tumalsik sa akin ang mga basag noon.
"Finally!"
Sabi ng lalaki.Napaangat ako ng tingin at nagulat ako, yung lalaki na humabol samin dati ni Xav! Pulang pula ang mata noon at nakalabas ang kanyang matutulis na pangil. Tumayo ako agad at tumakbo palabas ng kwarto. Nasa hagdan pa lang ako ng dinamba ako nito.
"Aghhhhhh!"
Hiyaw ko sa sobrang sakit ng pagkakalaglag namin sa hagdan.Nakapaibabaw ito sa akin ngayon at tumatawang parang demonyo. Itinutulak ko siya pero halatang wala itong pakialam sa mga panlalaban ko sa kanya dahil kayang kaya niya akong patayin ano mang oras. Hinawi nito ang buhok ko at inilantad ang leeg ko. Napatigil ito kaya nakahanap ako ng pagkakataon para itulak ito ng buong lakas.
Tumayo ako agad at tinungo ang pinto palabas. Nakalabas naman ako at nagtatakbo. Narinig ko ang mga halakhak niya na nakasunod sa akin.
"Pinababayaan ka ni Xav?!"
Sabi pa nito at humalakhak pa ng mas malakas."Sabagay, ilang babae na ba ang nabigyan niya ng ganyan?"
Tawa pa nito.Ang haba haba na ng tinatakbo ko pero hindi ko pa din natatanaw ang guardhouse. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako ngayong gabi. Jusko lord kung kukunin niyo naman po ako gawin niyo akong anghel.
Humangin ng napakalamig at biglang tumahimik ang paligid. Ang mga halakhak ay biglang nawala. Napapikit ako ng mariin na may mga kamay na pumulupot sa bewang ko galing sa likod.
"You're safe now."
Bulong nito sakin. Agad akong napalingon dahil boses iyon ni Xav! Andito si Xav! Nakita ko ang isang kamay niya na puno ng dugo at ang kanyang matang walang kasing pula at ang mga pangil niyang kumikislap sa ilalim ng liwanag ng buwan."Xav.."
Bulong ko. Tatanggalin ko sana ang kamay niya pero mas lalo lang pumulupot sakin yon."You're not going anywhere."
Sabi nito. Sinilip pa nito ang leeg ko. Ano bang problema ng mga to sa leeg?! Bakit laging leeg ang kinakagatan?! Di pwede kamay? O kaya sa paa?Hinila ako nito at pinasakay sa sasakyan niya. Tahimik ang naging biyahe dahil hindi siya nagsasalita at wala din akong lakas na magsalita dahil nanginginig pa din ang mga tuhod ko. Ibang klase ang pagmomood swings ng lalaki na ito, from mapang asar to masungit real quick!! Na-uh! Nawiwindang pa din ako para akong nasa pelikula totoo ba to? Gusto ko marinig ang kwento niya. Arghh. Punyeta! Canna, ngayon ka pa nagtaka nakasex mo na nga eh, kinagat pa!
Hindi ko namalayan na huminto na ito at inalalayan akong bumaba. Pumasok kami sa bahay niya at sinalubong uli kami ng lalaking nagbobow pa sa kanya. Nagbow at ito at nakaready na ang batya niyang may tubig. Naghugas si Xav ng kamay niya doon agad naman itong inabutan ng bimpo. Ako wala? Madumi din ako? Hindi ako pinansin!
"Ulysses, prepare her food."
Utos ni Xav. At hinila na ako papunta sa kwarto niya."Xav, ayoko!"
Sigaw ko at kumapit sa may railings ng hagdanan."Canna."
May pagbabanta sa tinig nito."Ayoko nga kasi! Dadalhin mo lang ako sa kwarto mo! Tapos ano?! Chuchukchakin mo ko don? Pasawsaw ganon? Ulol mo hayop ka!"
Sigaw ko sa kanya."Chuchuchu. Pasewsew? What? What the hell are you talking about?"
Nakasimangot nitong sabi at hinila ako mas lalo ko lang higpitan ang pagkapit ko."No way Xav! No!"
Pagmamatigas ko sa kanya."Canna. I don't wanna be mad. Please. You'll just take a bath."
Sabi nito at umupo sa hagdanan para pantayan ang mukha ko. Blue na uli ang mata ng lalaking ito."Ayoko! Paliliguan mo ako? Tapos ano?"
Sabi ko sa kanya.Umiling ito at binuhat ako na parang sako sa sobrang gulat ko ay napabitaw ako sa railings kaya naiakyat niya ko.
"Xav!!!"
Hiyaw ko."Psh."
Ibinagsak ako nito sa kama at may kinuha sa cabinet niya. Ibinato nito sa akin ang isang pares ng pajama."Go"
Sabi nito at isinalampak ang sarili sa kama niya. Naestatwa lang ako doon dahil nagbalik sa akin ang gabi na may ginawa siya sakin. Dumilat ito at tiningnan ako."Canna,---------"
May sasabihin pa sana ito pero nagdire diretso na ko sa banyo at nilock iyon mabuti!Naligo ako at nagbihis na. Sinipat ko ang sarili ko sa salamin at naalala ang sinabi nung lalaki tungkol sa leeg ko. Sinilip ko iyon at nagulat ako. Kailan pa ako nagpatatoo. Kiniskis ko iyon ng ilang beses pero namula lang iyon.
"Canna, you done?"
Katok sakin ni Xav."Che!"
Sabi ko sa kanya. Lumabas ako at nakakunot na noo ang isinalubong sa akin nito."What took you so long?"
Iritang tanong sakin nito."Ito! Ito! Tanggalin mo to! Bakit mo ko nilagyan ng tattoo!"
Sabi ko sa kanya na hinahampas hampas pa siya.
Hinuli lang nito ang kamay ko at ipinakita nanaman niya ang ngiti niyang ughhh. Jusko summer talaga!"No way."
Sabi nito at ginaya pa ang tono ko kanina."Ano ba to?!"
Tanong ko sa kanya."Eat first."
Sagot nito sakin at hinatak na ako pababa. Ano ba to talaga?---------------------------------------------------------
A/N: Thank you. 😊 Have a nice day.