16

276 2 0
                                    

Nandito kami sa bench nakaupo completo na kami kasama na namin si shine

"Ang saya nung aquitance" nakangiting sabi ni jane.

"Kaya nga" pag sangayon ni Thea

"Aud. Bat umuwi ka kaagad?" Tanong ni Abi

"Ahh inaantok na kasi ako atsaka wala namang sasayaw sakin e" ani ko at nagpatuloy nalang sa pagbabasa ng wattpad book dala dala ko kasi to sa school para pag walang ginagawa may binabasa ako

"Si Leyden at Abegail kaya ang King and Queen kagabi" parang kinikilig na ani Thea. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako

Pinag walang bahala ko nalang yon atsaka pinagpatuloy ang magbasa

"Girls, Cr muna ako ah" si jane at tumayo. Tumayo din si abegail and althea

"Same sama ako" sabi nila

"Ikaw?" Yaya nila humindi nalang ako kaming dalawa lang yung naiwan ni shine

"Oy bae, Anong book yan?" Tanong nya.

"He's into Her bae, kita mo naman ung harap" natatawa kong sabi

"Ay naku bae tapos kona yan" nagyayabang na sabi

"Shhh manahimik ka nalang" pagtatahimik ko sakanya

"Alam mo bang maghihiwalay jan si Deib and Max dahil sa malanding Kim na yan" binaba ko ang binabasa ko at tiningnan sya ng masama. Wala pako don

"Manahimik ka nga huwag kang spoiler" naiinis na sabi ko tumawa nalang sya maya maya pa ay may tumawag sakanya

"Oy Alexander tawag ka ni miss. Principal" ani nung tumawag sakanya

"Hoy! Shine sabi e" naiinis na sabi ni shine napangiti nalang ako

"Una na ko bae" paalam nya tumango lang ako habang mag-isa akong nagbabasa may umupo

"Hi" bati nya binaba ko ang libro at tiningnan nagulat ako kasi si dave yon

"A-ah hello" nahihiya kong sabi naka taas masi ung paa ko sa isang upuan tapos busy akong nag babasa. Umupo nalang ako ng mabuti

"Anong binabasa mo" tanong nya umiling lang ako atsaka tinabi ang libro

"Ah wala to" sabi ko atsaka pilit na ngumiti

"Bakit mag-isa ka lang dito. Where's your friends?" Tanong nya

"Nag cr sila e tinawag naman ni miss. Principal si Shine" sagot ko

"Ah ganon ba?" Ani nya sakto namang dumating sila althea

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni thea kay dave

"Ah wala napadaan lang ako" sagot nya

"Ahhhh" parang nanghihinala pa tumayo naman na sya

"Sige una na ako" nakangiting paalam nya. Tumango nalang kami

Umupo naman na sila sa upuan nila kanina at tiningnan akong nangangasar

"Woi anog meron sainyo" hinalang tanog ni jane

"Luh wala uy" sagot ko

"Weeee?" Nakangiting asar nilaa

"Oo nga wala promise" nakangiti naring sabi ko.

"Sure ka ah" sila. Nagkwentohan pa kami hanggang sa mapagpasyahan na naming umuwi dahil hapon na at kanina pa oras ng uwian tumambay lang kami

"Sige, ingat kayo" sabi ko. Umalis naman na sila dala ang sasakyan nila

Nilabas ko ang phone ko atsaka dinial ang number ni ate nakatatlong ring palang ay agad na nag end ilang beses ko pang tinawagan pero wala

To: Ate

Hoy! Sunduin moko dito

Text ko sakanya. Pabalik balik ang tingin ko sa cellphone ko pero walang paring reply tiningnan ko ang wrist watch ko at 5:45 na malapit ng mag 6

Nagtaka naman ako ng may humintong sasakyan sa harap ko at binaba nya ang bintana ng kotse at nakita ko si Dave

"Hey wala kapang sundo?" Tanong nya umiling nalang ako at tinignan ulit ang phone ko

"Susunduin narin siguro ako ni ate mamaya" sabi ko

"Ha? Si ate mo kanina pa sya umalis" nagtatakang ani nya. Hayss no choice mag tataxi nalang ako

"Ganun ba. Magtataxi nalang ako" sabi ko at tumayo na pero nagsalita sya

"Ihahatid na kita?" Yaya nya. Napailing nalang ako

"Hindi na salamat nalang" nakangiti kong sabi

"No. Sa ayaw mo at gusto mo sasakay ka" pangungulit nya

No choice ako kaya umikot nako at sumakay sa tabi ng driver sit

"Saan ba banda ang bahay nyo?" Tanong nya sinabi ko naman ang lugar at agad nyang pinaandar ilang minuto pa ay nakarating na kami. Agad akong bumaba

"Pasok ka muna" yaya ko. "Atsaka kunin mo na rin ung tshirt na pinaheram mo saakin" tumango nalang sya atsaka lumabas ng kotse. Sabay kaming pumasok sa bahay

"Umupo ka muna hintayin moko jan pupunta lang ako sa kwarto ko" sabi ko at pumunta na agad sa taas. Agad akong nagbihis pambahay atsaka kinuha ang tshirt na pinaheram nya at nilagay sa paper bag at bumaba

Dave povs

Nakaupo ako dito ngayon sa sofa nila. Malaki ang bahay nila at ang ganda inikot ko pa ang mata ko at pinagmasdan. May malaki din silang tv dito sa sofa nila ganon ba sila kayaman? Ang ganda rin ng kusina sobrang ayos

"Ahh may bisita pala si maam aud" bulong ng kasambahay nila lumapit agad ito "ah sir may gusto po ba kayo?" Tanong nya

"Juice nalang salamat" ngumiti naman sya atsaka dumiretso sa kusina. Nakita ko rin sa gilid ang family picture nila simula pag kabata hanggang sa ngayon

Sa isang picture apat sila bata pa lamang sila ng ate nya dito sa next picture naman ay Apat ulit sila na kinasal ang mga magulang nya. Siguro nasa 5 yrs old dito si audrey tapos Nung baby sya ang cute ang tabang sobrang puti

Ung next frame is Nung dalawa sila ng ate nya. Siguro Last year ago pa ito bagong bago kasi Payat pa dito si aud ang ganda pala nya tapos ung pinakalast family picture ulit nila at i think Bago pa ito kasi Mataba na dito si aud

Maya maya pa ay may mga narinig na akong payak mula sa hagdan kaya bumalik na ako sa sofa at nandon narin ung juice kaya ininom kona iyon

"Sorry natagalan" nahihiyang sabi nya.

"It's okay" nakangiti kong sabi. Inabit na nya saakin ang paperbag

"Malinis na yan atsaka mabago" sabi pa nya natawa nalang ako ang cute nya

"Ahh Thanks, mauuna na ako" paalam ko hinatid naman na nya ako sa gate nila

"Salamat din. Ingat sa biyahe" nakangiti nyang sabi sumakay naman na ako sa kotse ko atsaka pinaandar nakita ko pa sa side mirror na kumaway sya





The Fat become A Hot Sexy Girl 💛Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon