110 5 13
                                    

"okay guys, group yourselves ha. kahit ilan kayo, wag lang lalampas sa sampu. hoy dyan sa likod! wag kayong maingay. yung mga saging dyan ha, lalo na kayo. iiwan ko na kayo para magbrainstorm ng ideas n'yo," sabi ni teacher jackson.

"mga saging! tara dito sa likod! pag-usapan na natin yung project," sigaw ni zhangjing. pumunta naman sina ruotian, jingzuo, maotong, dinghao at chaoze sa likod. sina zhangjing at yanjun kasi eh sa likod na nakaupo.

pinaghiwalay silang siyam kasi maingay daw sila. pero ayon sa opinyon ni dinghao, mas maingay daw yung mga sprouts sa harap tapos si xinchun lang daw ang tahimik. #xinhao pa rin, mGa HaNgAl.

"ikaw na zhengting-ge ang leader ha. sabihin mo sa gc natin kung ano plano tsaka yung gastos," sabi ni xinchun.

"oo nga ge. pag may bibilin, sama ako," sabi ni quanzhe.

"wag ka nang sumama. bibili ka lang ng shawarma malapit sa pandayan eh," sabat ni wenjun.

"bakit ba si yankai eh nasa kabilang section? sabay-sabay naman tayo nag-enroll?" tanong ni xiao gui kay xingjie.

"ewan ko ba. yung mga advisers yata yung namili ng estudyante eh," sagot ni xingjie. hinampas naman nya si yanchen.

"tangina, tatag ni yanchen, kanina pa tulog."

tumawa si qin fen na nasa malapit. "baka magdamag na nanonood ng po- aray, gago! masakit yon mubo!"

hinampas din kasi sya ni mubo. "may mga bata dito, magdahan-dahan ka sa pananalita mo. pinalampas ko na yung natuto silang magmura pero wag naman pati yon!"

"ano yung pinanood ni yanchen-ge?" tanong ni zuo ye.

"nagsisimula sa 'po' eh, nuh yun?" dagdag ni zimo.

sinamaan ng tingin ni mubo si qin fen, nag-peace sign naman si loko.

"nanood sya ng ano, ng poreber yang, yung sayaw ng blackpink," sagot ni mubo. agad namang nagfanboy si zimo at nagsimulang sumayaw.

geh, tag mo yung kaklase mong bigla-biglang sumayaw sa gitna ng group activity.

"hoy ling chao! bilisan mo yang pagkain mo ng lollipop. no eating inside the classroom na eh. pag dumating si sir jackson, violation card ka na naman!" sabi ni bu fan.

"hayaan mo na ge. ayoko namang maging honor. oki lang yan!" sabi ni ling chao, at putcha, nagwink pa.

"huy kambal! may naisip na ba kayong gagawin?" tanong ni yunyi kay yuntian.

"wala pa nga eh. tara puntahan na natin yung iba, nasa harap yata sila," sabi ni yuntian.

"hoy, mga panget!" sigaw ni zibo.

"gago ka! wag mo kaming dinadamay sa kapangitan mo ha!" sigaw ni li rang.

"huy, huy, huy. tahimik guys! si sir jackson, pabalik na!" sigaw ulit ni ruibin na lumabas galing cr.

agad namang nanahimik ang lahat, pwera sa mga saging na nasa likod.

naglalaro kasi sila nung dala ni dinghao na laruan. bigay daw nung fangirl nya galing sa ibang school.

nasa harap na si jackson nang napansin nung mga saging. paki-imagine yung panic nila para itago yung laruan ni dinghao.

"dyusko, buti na lang malapit yung bag ni yanjun. baka makumpis na naman yung laruan ko," bulong ni dinghao.

"bakit di natin narinig na padating na si sir jackson?" bulong naman ni ruotian.

"maingay kasi kayo," sagot ni zhixie.

"tayo, hangal, tayo," bulong ni honglin at hinampas pa si zhixie.

"quiet, class. may groupings na kayo diba? ang deadline ay next week, okay? class dismissed na," sabi ni jackson at lumabas na ulit sa room.

estudyante problems // idol producerWhere stories live. Discover now