十二

15 2 3
                                    

"ge, magpadeliver na lang kaya tayo sa jollibee?" sabi ni justin. hapon na at yung mga exchange students + 4 ex-pledis school ay naglalaro pa rin. kasama na rin nila yung ibang hosts.

di naman sumali sina xukun at ziyi. si justin naman eh nagpapahinga dahil kanina pa sayaw nang sayaw.

nagkaroon kasi kanina ng dance show-off at naglaban sila ni minghao. oh, minghao vs. minghao, sino boto nyo?

edi yon. parang di pa yata papaawat yung mga naglalaro. nagchinese garter na sila.

"baka nga magpadeliver na lang tayo. may flyer ka ba ng jollibee?" sabi ni xukun kay justin.

tumayo si justin. "teka ge. kunin ko lang, nasa salamin ko sa taas eh. tatanungin ko na rin sila kung ano gusto nila."

***

"kasya na siguro yung apat na 10pcs. chicken bucket no? o gawin na nating lima?" tanong ni zhixie kay dinghao.

"anim na, para sigurado. eh teka, di ba limang rice lang yung laman nung bucket na yon?" sabi ni dinghao.

nagbuntong-hininga si zhangjing. "dapat di magkulang yung kanin ha," sabi nya.

"eh di kung lima lang yung rice nun, ilan o-order-in? ilan tayo? 13 na exchange students, yung apat nilang kaibigan tapos 11 tayo dito na taga-ipd. so 28 tayo lahat na kakain. sabihin na nating may limang kakain ng extra rice, kasama na si zhangjing-ge doon, edi 33 na. bale pitong bucket," sabi ni justin.

pumalakpak naman ng mabagal sina dinghao. "iba talaga pag matalino ka tsaka treasurer ka ng klase," sabi ni dinghao.

"teka pala. kaninong card ang gagamitin natin? feeling ko din eh dapat may pumunta na lang mismo sa jollibee eh," sabi ni zhangjing. sabay sila nina dinghao na tumingin kay justin.

"oh bakit kayo nakatingin?" tanong ni justin.

"hehe, justin ikaw na magbayad. babayaran na lang namin pag-alis nila," sabi ni dinghao habang nakangiti nang malaki.

"oo nga justin. ikaw na magbayad. samahan ka na lang ng yuehua sprouts sa pagbili," sabi ni zhixie.

"GRABE KAYO! KALA NYO MAYAMAN AKO?"

"OO MAYAMAN KA TSAKA MATALINO! TINGNAN MO NGA, HALOS PARANG HOTEL 'TONG BAHAY MO SA DAMI NG KWARTO EH."

"DALI NA JUSTIN, MAYAMAN KA NAMAN EH."

"OO NA. TAWAGIN NYO NA ZHENGTING-GE AT CHENG-GE. SI ZHANGJING-GE GUSTO KONG MAGDRIVE NUNG SASAKYAN."

a/n: gusto nyo ba na maglagay ako ng serious plot dito or mag-stay na lang 'to na slice of life? nalilito na ako, feeling ko di ko matatapos 'to kung di ako makakapagdecide. ganun ba talaga pag libra, nahihirapan na pumili?

estudyante problems // idol producerWhere stories live. Discover now