"hoy, zhangjing, chengcheng, justin at ling chao, mahiya nga kayo. kayo lang halos ang kumain ng balat nung letchon. tapos iinom kayo ng malamig? are you kidding me?" mabilis na pagsasalita ni zhengting.
kumakain na sila tapos boodle fight style yung ayos ng pagkain.
"bawal kayo ng malamig. baka mamaya mahigh blood kayo. ay nako! malayo ang ospital dito sa bukid," dagdag ni zhengting.
tumango lang yung nga sinabihan nya pero tuloy pa rin ang pagkain ng balat.
"kain ka pa xukun. eto oh, itlog na maalat," sabi ni ziyi kay xukun.
"eto din oh, xukun. chicharon," sabi ni zhengting. nagkatinginan pa sila ni ziyi.
"zuo ye oh, itlog na maalat tsaka chicharon," sabi ni xukun sabay bigay nung inabot sa kaniya ni zhengting at ziyi. syempre, tinanggap naman ni zuo ye. aba't galing kay xukun eh. kahit ako, pag binigyan ng itlog na maalat tsaka chicharon ni xukun, tatanggapin ko HAHAHAHHAHAHA.
okay balik na ulit. sa mga exchange students naman tayo.
"mamaya daw may laro pa eh. magpakilala na kaya tayo gamit yung intro natin?" tanong ni hoshi kay seokmin. tumango-tango naman ito.
"pwede, pwede. okay lang kay seungkwan yon," sagot ni seokmin.
"wonwoo, anong gusto mo? menudo o, anong tawag dito vernon?" tanong ni mingyu. tinuro nya yung adobo.
"hyung, adobo yan. matoyo parang si wonwoo-hyung," sabi ni vernon.
"sa tingin mo makikita natin si mingming bukas sa school?" tanong ni junhui kay minghao.
"baka. ka-chat ko nung isang araw eh. baka daw pumunta sya dun sa bahay ng host student natin. malapit lang naman daw sya."
nag-abot si seungkwan kay chan ng kamatis. "kain ka pa. para tumangkad ka," sabi ni seungkwan.
"wag mo akong asarin hyung. baka nagkakalimutan tayo, ako nagturo sayo ng sayaw nung first grading."
nag-cringe naman si jihoon nung sinabi yon ni chan.
meron ding love triangle na nagaganap, parang sina xukun, ziyi at zhengting.
"oh, jeonghan, kanin ka pa?" tanong ni jisoo.
"ah di na, paabot naman nung sawsawan ng shanghai," sabi ni jeonghan. inabot naman ito nina jisoo at seungcheol.
cue awkward silence. natahimik yung table ng mga exchange students. ultimo pati yung table ng mga taga-ipd school, natahimik din.
"anyare ge?" bulong ni ling chao kay zhangjing.
"mas intense pa 'to kesa kina xukun, zhengting at ziyi," bulong din ni dinghao.
"bakit ba tayo nagbubulungan?" pabulong na tanong ni jeffrey. siniko sya ni zhixie.
"hush, manahimik. inaabangan ko yung mangyayari," pabulong na sagot ni zhixie.
pinahinto din ni xukun si zuo ye sa pagkukwento.
taena, ang intense ng katahimikan.
pero nabasag ang katahimikan.
"HOY JUSTIN. IBALIK MO YUNG LUMPIANG SHANGHAI KO, NAKITA KO NA KINUHA MO NUNG LUMINGON AKO SA MGA EXCHANGE STUDENTS!"
"DI KO KINUHA! SI ZHENGTING-GE YUN!"
"KAPAL MO JUSTIN! IKAW YUNG KUMUHA! ISA NA LANG YUNG LUMPIA MO KANINA TAPOS NGAYON NAGING TATLO KAHIT YUNG PLATO NG SHANGHAI EH NASA MGA EXCHANGE STUDENTS? UMAMIN NA KASI!"
"WOW MAGIC HA! YUNG LUMPIA NGA NAGING TATLO! JUSTIN!"
YOU ARE READING
estudyante problems // idol producer
Random" mga simpleng estudyante lang kami, pwera si chengcheng at justin. mga abno yun. " +this book contains grammatical errors, swearing and such +taglish +unedited +lowercase intended 『estudyante problems // idol producer』 〖highest ranking:#15 (random)...