17 2 5
                                    

"minghao-ge, junhui-ge, may tumatawag sa inyo sa labas. papasukin ko ba? si yao mingming, yung grade nine tsaka may kasamang tatlong lalaki," sabi ni justin sa dalawang exchange students na hinost nya.

"oh? okay lang ba kung papapasukin namin sila?" tanong ni junhui kay justin. tumango naman ito.

"okay lang ge. basta wag nyong kalimutan na pupunta tayong jollibee," sabi ni justin na may okay sign pa.

nagpasalamat naman ang dalawa bago umalis si justin para buksan yung pinto.

"oi justin! dito ka pala nakatira? oh my god," rinig nina minghao mula sa pinto.

"kakilala mo sila junhui-ge at minghao-ge? ay oo nga pala, nag-aral ka din doon sa school nila noon," rinig nilang sagot.

nakita na nila junhui ang mga kaibigan nila na lumipat sa ibang school.

"long time no see!" sigaw ni junhui.

nag-bro hug naman sila.

"jun-ge, nagchat yung mga kasama kong hosts, pupunta daw sila dito. sabihin ko kaya na dito na sila matulog?" sabi ni justin na hawak ang cellphone.

lumapit naman si jun kay justin at nakipag-usap. humarap naman si minghao sa mga bagong dating.

"kamusta? ikaw samuel, ang tangkad mo!" sabi ni minghao.

"ikaw hyung. grabe ka naman. pero tama ka naman, halos magkasingtangkad na tayo pero pag tiningnan yung mga videos dati, sobrang liit ko pag tinabi kay jun-ge," sabi ni samuel.

"ikaw mingming? okay ka ba sa ipd school?" tanong naman ni minghao kay mingming. 2ming everyone.

"okay lang. marami akong naging kaibigan doon. may bestfriend din ako, si mingze. sila jeonghan-hyung kamusta?"

yung dalawang kasama naman nina samuel na sina doyoon at dongjin ay nagpunta sa terrace kasi tinawagan ng mga kaklase.

"ganon pa rin. bromance pa rin sila HAHAHAHAHAHAHA."

bumalik na si junhui. "papunta na yung iba. pwede kaya kayong mag-overnight dito?" tanong nya.

"pwede naman. malapit lang ako dito eh, magsasabi na lang ako kay jia yi," sabi ni mingming.

"ako nagpaalam na matutulog kina guanlin pero pwede naman akong magpaalam ulit," sabi ni samuel.

lumingon si junhui sa dalawang nasa labas.

"oy, pwede ba kayong mag-overnight dito?" sigaw nya. nag-okay sign ang dalawa tsaka bumalik sa loob.

"si doyoon ba at dongjin eh saan na nag-aaral?" tanong ni minghao.

"tanong mo na lang sa kanila mamaya," sagot ni samuel.

biglang tumawa si mingming. "bakit ka naman natawa?" tanong ni junhui. oo, puro sila tanong. angal ka?

"naalala ko bigla. diba nagperform tayo dati nina wonwoo nung unang pasok ko sa school? yung kay beyonce yung ginawa natin," sabi ni mingming.

"mahaba pa yung buhok ko dun," sabi ni samuel.

"lahat naman yata eh mahaba pa ang buhok dun," sabi ni junhui.

"sayang lang at di tayo nakapagperform magkasama, minghao," sabi ni mingming.

"ang nangyari kasi, pumasok ako nung umalis kayo," sabi ni minghao.

"si dongjin, naabutan mo pa ge?" tanong ni samuel.

tumango si minghao. "pero ikaw yung unang umalis eh," nakangusong sabi ni junhui.

"excuse you, mr. blue earmuffs, desisyon yon ng nanay ko," sabi ni samuel.

"nakakacringe kaya yung nickname mo dati samuel. mr. teeny's dad," pang-aasar ni jun.

"mas okay kaya yung kay samuel kesa sayo," sabat ni minghao.

"magkapartner pa kami dati ni jun eh. sya si mr. blue earmuffs tapos ako yung mr. white earmuffs," sabi ni mingming.

estudyante problems // idol producerWhere stories live. Discover now