38 5 12
                                    

"ang may pinakahighest na grade sa project na ito ay ang grupo nina zhengting! palakpakan natin sila!" sabi ni sir jackson at iniabot ang folder kung saan nakafastener ang project nina zhengting.

agad namang inabot ni justin ang folder.

"kakaiba yung naging project nila. isang low-budget na machine kung saan ihihiwalay ang oxygen atom sa hydrogen atoms sa tubig," dagdag ni jackson.

"ngayon naman, isa pa highest ay ang grupo ng mga saging. yung totoo, saan kayo nakakuha ng ideas nyo? ang gaganda eh."

nagkamot ng ulo si jingzuo na umabot nung folder. "sa ate ko--" agad namang tinakpan ni ruotian yung bibig ni jingzuo.

"hehehe, joke lang sir. ideas lang po namin," sagot ni ruotian.

"anyway, magkakaroon tayo ng buwan ng wika. kayo ang mag-oorganize nun. so, mostly sa opening lang kayo gagawa tapos yung sa activities and contests, mag-aassist na lang kayo," sabi ni sir jackson.

biglang may kumatok sa pinto. si mam chengxiao, yung guidance counselor nila.

"good morning mam!" sabi ni jeffrey na malapit sa pinto.

"ah hello, good morning. pinapa-excuse po ni principal lay yung mga scholars. punta daw kayo sa office nya, thank you," sabi ni mam chengxiao.

"aite!--" panimula ni sir jackson na naputol ng nagsigawan yung mga students.

"aite! aite! aite! aite! aite! you got me feeling like, feeling like a papillon!!!"

"tama na nga yan! inaasar nyo na naman ako eh. sino-sino ba yung mga scholar, tayo na kayo at pumunta sa principal's office," sabi ni sir jackson. agad namang tumayo sina linong, zuo ye, ling chao, linkai, zhibang at quanzhe.

"oh? scholar pala si linkai?" sabi ni shengen.

"matalino naman si linkai ah. sumasali pa nga yan sa spoken poetry contest eh," sabi ni yanchen.

"meron bang nakakatawa eh si ling chao. kung humakot ng violation card kasi kumakain sa classroom eh kala mo di sya matatanggalan ng scholarship," sabi ni zhangjing.

"ikaw zhangjing, matatanggal din sa honor kasi kumakain ka din eh," sabat ni ziyang. tiningnan sya nang matalim ni zhangjing pabalik.

estudyante problems // idol producerWhere stories live. Discover now