di man mukhang math ang tinuturo ni sir jackson, pero math nga. pramis, pag sya yung nagturo, mabilis intindihin kasi pinapadali nya.
parang ngayon lang, sa sit-in classes ng mga exchange students. may electives din daw sila na business math kaya ayon, pero originally eh entrepreneurship dapat.
"hello everyone! i see na nagkaroon na ng seat assignment ang dachang boys. now, what i want is the pledis boys to choose their seat partners but not with their hosts," sabi ni sir jackson.
nagtabi-tabi naman nga ang mga dachang at pledis boys.
"now, get a sheet of paper and copy the concept digest and learning targets."
"wenjun! ulo mo nga, yuko ka sandali, di ko makita yung huling learning target," sabi ni zhangjing.
"sino bang nagpwesto kay zhangjing sa likod ni wenjun?" tanong ni qin fen kay mubo. di naman sumagot si mubo.
"oh? nanggaling kang sm university? di ba mahirap makapasok dun?" tanong ni dino kay zeren na katabi nya. tumango naman si zeren.
"mahirap nga eh. si mark ba kilala mo?" tanong ni zeren.
"kilala ko. kasing-edad ko yun eh. sina renjun din kilala ko. chinese yun diba? meron pang chinese na 2000 line eh. si-si hendery at xiaojun nga ba yun?"
"di ko na yata sila naabutan."
lumingon naman si seungcheol kay woozi.
"huy, ang taas ng visuals ng mga katabi mo ah," sabi nya kay woozi.
inirapan naman sya nito. "mataas din visuals ko." katabi kasi ni woozi sina yanjun at xukun.
lumingon din si seungkwan. "mataas man visuals mo, mas mataas naman height nila sayo." at binato sya ng pambura ni woozi.
"silence class. ngayon ang topic ay basic lang, i believe. it's interests. kung mapapansin nyo, same lang ng triangle rule ang interests at percent," sabi ni sir jackson.
inikot ni quanzhe ang tingin nya sa buong classroom.
"nandito pala lahat ng top nine percent," bulong nya. siniko naman sya ni zuo ye.
"kasama ka naman sa top 35 ah, ako nga top 60 lang eh," sabi ni zuo ye sa kanya.
"kung sa percent ang triangle rule ay nasa taas ang percentage at nasa baba ang rate at base, ganoon lang din sa interests. nasa taas ang interest, nasa baba ang rate at principal." nagdrawing pa si sir jackson ng triangle tsaka naglagay ng label.
"gets na? for maturity value, ia-add lang yung principal sa rate. pero may mas madaling formula which is maturity value equals principal quantity 1 plus rate multiplied to rate and time. now get one of these work sheets and answer in groups. kung may tanong eh wag mahihiyang magtanong," sabi ni sir jackson tsaka nag-abot ng mga papel sa dalawang side.
***
"dyusme, ganon lang pala yun. bakit pinahirap nung teacher namin sa korea to?!" sabi ni junhui kay linong.
"ang galing ni sir jackson diba!" sabi ni linong.
nanlaki ang mga mata ni junhui kay linong. "tapos ka na sa worksheet?"
tumango ito. "allowed naman kasi ang calculator eh."
"kahit na! ang bilis mo!"
"kabisado ko kasi yung calculator ko kaya ganon."
natahimik si jun sabay bigay ng calculator nya kay linong. "pano? paturo."
***
"seungkwan, namali ka yata ng pindot dito," sabi ni justin tsaka tinuro yung part na nakita nyang mali.
"eh? teka, check ko," sabi ni seungkwan tsaka nagsolve ulit.
"ay oo nga," pinakita nya yung calculator nya kay justin, "kulang ng zero tapos namali ako ng conversion from percent to decimal."
tumawa naman si justin tsaka nag-abot ng pambura kay seungkwan. sinulat naman ni seungkwan yung tamang solutiom at sagot.
"teka, paano mo napansin na mali yung sagot ko?"
"di kasi tayo magkapareho ng sagot eh."
***
"hindi nga ganyan. what you have to do is to transpose this and that's it. may calculator tayo yanjun," sabi ni xukun.
"i mean, you could have just typed those in calculator since it allows equals and x button. wag mo nang pahirapan yang sarili mo," banat ni yanjun.
bigla namang kinalampag ni woozi ni yung kamay nya sa lamesa. "ano ba kasi yung final answer?" tanong nya.
"P50,000," sabay na sagot nina yanjun at xukun.
"eh pareho lang kayo ng sagot eh. ang mahalaga may tamang sagot tayo."
YOU ARE READING
estudyante problems // idol producer
Random" mga simpleng estudyante lang kami, pwera si chengcheng at justin. mga abno yun. " +this book contains grammatical errors, swearing and such +taglish +unedited +lowercase intended 『estudyante problems // idol producer』 〖highest ranking:#15 (random)...