31 4 8
                                    

"good morning po sir lay," bati ni linong sa principal. agad namang silang pinaupo nun.

"good morning din. so kayo yung scholars from grade 11? ganito ha, kailangan kasi ng mga student assistants na magpo-promote ng pagsuot ng complete uniform at proper haircut. nagiging pasaway na kasi yung lower levels, lalo na si li zhenning sa grade 9, nagpakulay ng silver. magpeperform daw kasi sya nung, retreat ba yun? ah basta," paliwanag si sir lay.

"ngayon, xiao gui, kailangan mong ipatanggal yang dreads mo. okay lang ba? medyo demeaning sya sa image na gustong ipakita ng school natin. after two months naman, ili-lift na yung proper haircut code. hanggang matapos lang yung exchange program," dagdag pa ni sir lay.

"about naman sa mga hosts ng exchange programs, maiwan ka na dito ling chao tsaka zuo ye. quanzhe, pakitawag sina chengcheng, justin, ziyi, xukun, jeffrey, tsaka sino pa nga? ay nako! pakihingi na lang yung list kay mam pinky sa cashier. salamat!"

lumabas na agad yung mga di na kasama sa exchange programs. syempre sinunod ni quanzhe yung utos sa kanya.

"si sir jin na pala. sorry sir, ngayon lang po kami. pinatawag po kasi yung mga scholar tsaka may pinapaexcuse po ulit si sir lay. chengcheng, justin, ziyi, xukun, jeffrey, dinghao, zhixie at zhangjing, punta daw kayo sa office," sabi ni quanzhe.

"yung mga pinapatawag, lumabas na. yung mga bumalik naman, maupo na," sabi ni sir jin.

tumayo na yung pangalawang batch ng students na pinatawag ni sir lay. sa isip ni dinghao, parang nagkakaroon ng field trip sa office ang klase nila. naka-per batch pa. oh diba? wow magic.

"ano naman kaya yung sasabihin satin? ganon pa rin naman ang mangyayari sa exchange program. may darating galing korea tapos gagawa tayo ng lunch, magsisit-in sila sa klase natin, pupunta tayong palengke, ng farm at sa munisipyo," sabi ni chengcheng.

"dyusme, ayoko nang pumunta sa farm! lagi na lang!," sabi naman ni zhangjing.

"weh? napahiya ka kasi last year. tinakot ka nung isang exchange student tapos nasabutan mo," singit ni jeffrey. akma naman siyang hahampasin ni zhangjing nung nakarating na sila sa harap ng office.

"sir lay, good morning po!" nakangiting bati ni ziyi.

estudyante problems // idol producerWhere stories live. Discover now