asdfghjkl na-postpone 'to kasi hinintay kong dumating yung mga hapon sa school namin. HAHAHAHAHAHA so mostly ng mangyayari dito sa chapter na ito ay based sa exchange program namin ngayong taon
"uy, ayusin nyo daw mga sarili nyo. magkakaroon daw ng combined classes kasama yung mga exchange students," sabi ni wenjun na president ng dachang.
ay di ko ba nasabi? si wenjun yung president, si mubo yung vice president, si xikan yung secretary, si justin yung treasurer tapos si dinghao yung class monitor. sina linong at chengcheng naman eh mga class representatives tapos si xukun naman eh student council president.
"anong subject ba tayo mako-combine?" tanong ni ziyang.
"baka daw sa entrepreneurship. kapareho daw natin na may ganoong subject yung mga koreano. tsaka si sir jackson magtuturo kaya ganon," sagot ni wenjun.
"pano ba namin aayusin? tsaka kasama na yung mga hosts dun diba?" tanong ni li rang.
"bale ang mangyayari, hosts tapos magdadagdag ng 16 students mula dito sa dachang," paliwanag ni mubo.
"so sino-sino yun?" tanong ni yunyi.
"ito yung list. sina quanzhe, zhenghao, xiao gui, dongdong, zhengting, mubo, qin fen, zeren, liang hui, ako, linong, yanjun, yanchen, xikan, xingjie at ruibin. yung dachang boys to exchange students ratio is 1:2 tapos anim per row. yung mga cleaners ang mag-aayos," sabi ni wenjun.
"iche-check daw ni mam chengxiao mamaya yung room, umayos kayo ah. may meeting pa kami," sabi ni mubo tsaka sila lumabas.
"uy bo-ge! cleaners ka, ay umalis na. daya talaga nun," sabi ni zimo. binatukan naman sya ni qin fen.
"ito eh! parang di ka pinagplantsa ng uniform kanina ni mubo ah!"
"mesheket fen-ge, mesheket."
"umayos ka zimo, wala kang milktea mamaya ah. pupunta kaming tastes from the greens mamaya," sabi ni qin fen tsaka nag-ayos ng upuan.
***
"bakit parang ang crowded natin? siniksik nyo yata lahat dito sa unang room eh, dapat binukas nyo na yung extension room," sabi ni wenjun habang nakatayo sa platform.
may anim na sets ng tables and chairs tapos may maliit na table sa gitna.
"eh, di namin alam kung paano gagawing ayos eh," reklamo ni kaihao.
"ilipat nyo na lang yung dalawang tables sa extension room para lumuwag dito," sabi ni wenjun.
nagtaas naman ng kamay si quanzhe. "pwede siguro ge na sa isang maliit na lamesa eh tatlo ang maupo tapos two rows and five columns. sa dulo na lang siguro tayo maglagay ng mahabang lamesa para sa nine students," sabi nya.
"yun na siguro para magandang tingnan," sabi ni wenjun.
***
nag-lunch break na sila. pero yung iba di lumabas.
"uy uy dali! kunwari nag-audition kayo sa world's got talent," sabi ni xinchun tsaka naupo sa dulong lamesa.
tumayo naman sa gitna si zimo at naupo sa tabi ni xinchun si zibo at luo zheng.
"hello. anong name mo?" tanong ni luo zheng.
"ah ako po si zimo, bata pa po ako pangarap ko na pong lumabas dito," sagot ni zimo.
"so anong talent mo?" tanong ni zibo.
"kakanta po ako ng kill this love ballad version," sagot ni zimo.
"kung ready ka na, the stage is yours," sabi ni xinchun.
"LET'S KILL THIS LAHHHHHHAHAHAHAHAHAVE, YEAH YEAH YEAH YEAAAHHHH. RAMPUMPUMPAPUMPAPUM!"
"oy zimo ingay mo! hanggang lockers rinig ka!" bulyaw ni dinghao na umakyat galing sa first floor.
"dinghao, anong oras daw ba yung combined classes?" tanong ni zhou rui na nanonood sa kalokohan nina xinchun. may lumalaban yata sa #xinhao.
"baka daw mga 2 na. may lesson pa sila eh," sagot ni dinghao.
YOU ARE READING
estudyante problems // idol producer
Random" mga simpleng estudyante lang kami, pwera si chengcheng at justin. mga abno yun. " +this book contains grammatical errors, swearing and such +taglish +unedited +lowercase intended 『estudyante problems // idol producer』 〖highest ranking:#15 (random)...