"kumusta ka na doyoon?" tanong ni jeonghan.
"MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG!" pakantang sigaw ni hoshi.
"adik ka!" sigaw ni jeonghan tsaka humarap ulit kay doyoon.
"okay lang. ume-extra sa mga palabas. panoorin mo ako sa sabado, nag-extra ako sa wish ko lang," sagot ni doyoon.
"di ka ba nanghinayang na umalis ka sa pledis school?" singit na tanong ni joshua na nakaupo sa tabi ni jeonghan.
"di naman, pumasok ako sa school of performing arts tsaka nakagraduate na din," paliwanag ni doyoon.
"tanungin nyo ako dali!" sabat ni dongjin.
"anyare sayo?" sabi ni seungkwan.
"ABAAAAA. TARAY AH!" sabi ni dokyeom. nag-flip pa kunwari si seungkwan ng buhok tapos nabatukan din naman ni vernon.
"wala naman. nag-aral ako nang mabuti," sagot ni dongjin. akma din syang babatukan ni vernon.
"ay nako. nasaan yung polaroid ko? sino kumuha?" tanong ni seungcheol na kanina pa naghahanap sa bag nya.
pumasok naman sina ling chao na may hawak na polaroid.
"nakalimutan mo ge sa sasakyan," sabi ni ling chao in chinese. inabot naman ito ni seungcheol. umakyat na rin si ling chao sa kwarto ni justin.
"ansabe nya?" tanong ni seungcheol kay jun.
"sabi nya naiwan mo daw sa sasakyan," sagot ni jun.
biglang nagsalita si samuel. "kahit kailan pala no, di tayo nakapagperform as seventeen."
tumango naman si mingyu. "paano kasi yung iba dyan, biglang aalis, di nagsasabi," sabi nya.
"sabing yung nanay ko ang may gustong magtransfer ako sa iba eh," sabi ni samuel.
"ay! pumapalag yung pinakabata oh! payag ka nyan, mingyu?" pang-aasar ni minghao.
"HA! DI AKO ANG PINAKABATA DITO!" sigaw ni chan.
nagkunwari namang susuntukin ni mingyu si samuel.
"pigilan mo ako, wonwoo, pigilan mo ako," sabi ni mingyu na kunwaring pumipiglas. pero walang nakahawak sa kanya.
"di kita pipigilan. pag sinuntok mo yan, bahala ka sa buhay mo," sabi ni wonwoo na tuloy lang ang paglalaro ng ML.
"aish, yoko na nga," reklamo ni mingyu.
"picture tayo dali!" sabi ni seungcheol na inayos yung polaroid nya habang nag-aasaran yung iba.
"PICTURE!"
***
"parang isang malaking pamilya sila no?" sabi ni xukun na umiinom ng orange juice.
"dude, mas malaki tayo dyan. 100 tayong magkakabatch," sabi ni ziyi na kumakain ng egg pie.
"oy! bakit kinakain mo ziyi-ge yung egg pie ko?" tanong ni chengcheng habang tumatakbo papunta sa kanila.
"sayo ba to? tinanong ko si justin eh, sabi nya pwedeng kainin," sabi ni ziyi na tuloy lang ang nguya.
"si justin talaga! anak ng pitumpito't pitong puting pating talaga yon!"
"anong oras daw yung closing program para sa kanila?" tanong ni xukun.
"sa friday daw, before lunch."
"sayang. medyo naging close na kami ni jihoon eh. pareho kaming producer."
"ako din. kasundo ko na sina chan at hoshi, mga swag boys yung mga yun pag sumayaw."
dumating naman yung ibang hosts sa pwesto nila na malapit sa pool.
"anong usapan ba to?" tanong ni dinghao.
"usapang host student sa mga exchange student," sagot ni xukun.
"mamimiss ko sila seungkwan at seokmin, ang saya pag gabi na kasi maingay kami lahat," sabi ni dinghao.
"ngayon ko lang napansin, medyo hawig kayo nung hinost mo jeffrey," sabi ni ling chao.
"sa tingin mo ba? ganun din sinabi ni mama eh. minsan daw akala nya ako si vernon kasi may hawig kami," sabi ni jeffrey tsaka tumawa.
"magsesend ulit ako ng comparison shot sa gc," sabi ni ling chao. "ako feeling ko, mas mamimiss ni yue-ge si seungcheol," dagdag nya.
"bakit naman?" tanong ni zhangjing.
"eh naglalabasan sila ng hinanakit. kahit di sila nagkakaintidihan, tamang hands sign at google translate lang sila," sagot ni ling chao.
"ikaw zuo ye? mamimiss mo ba yung hinost mo?" tanong ni xukun. nagtaas lang ng balikat si zuo ye.
"first time ko maghost, tsaka di naman kami ganoong nag-uusap ni wonwoo-gege kasi ang eepal nung mga kasama ko sa bahay, lalo na si zimo-ge," sagot ni zuo ye.
"yung nag-iisang kaibigan ko na nakakaintindi kung gaano kahirap maging isa sa mga matatandang kaibigan, mawawala na sa friday," sabi ni zhixie.
"sabi ni minghao-ge, di naman daw usually ganyan si joshua-ge. may time daw na mataray, ganon," sabi ni justin. tumingin naman sya kay chengcheng.
"ikaw, cheng-ge? mamimiss mo ba si jeonghan-hyung?" tanong ni justin. umiling agad si chengcheng.
"ayoko naaaa. binubwisit ako lagi ni jeonghan-hyung. nakita nya yung isang picture ko sa instagram tapos inedit nya. pang-meme daw nya! tama ba yon? taMA BA YON? nalalagay sa alanganin yung picture ko," mahabang paliwanag ni chengcheng.
"si minghao-gege at junhui-gege, gusto ko sanang maging kasama sa performance kahit isang beses lang," sabi ni justin.
YOU ARE READING
estudyante problems // idol producer
Random" mga simpleng estudyante lang kami, pwera si chengcheng at justin. mga abno yun. " +this book contains grammatical errors, swearing and such +taglish +unedited +lowercase intended 『estudyante problems // idol producer』 〖highest ranking:#15 (random)...