5th part

2K 55 0
                                    

Zi's Pov

After my birthday every thing went back to normal. Hatid sundo ulit ako ni kuya. Pang aasar ng mga minions nya. Hanging out with my friends. Pero isa lang ang nag bago. My parents.

After my birthday, lagi na silang umuuwi ng maaga. Lagi din kami may family dinner tuwing friday. And I'm happy with that. I started to feel the presence of my parents. Mas lalo kong nagiging close sila mommy.

Bukod doon meron pang nag bago. Napapansin ko din na lalong napapalapit si coach sa akin. Every may training, lagi syang tumatabi sa akin at minsan nakikipag kwentuhan. Medyo naiilang nga ako eh. What if totoo mga sinasabi nila na may gusto sa akin si coach? Pero hindi eh. Impossible! Kasi mabait naman si coach kahit kanino--

"Huy!" Nabalik ako sa katotohanan.

"Ilang linggo ka nang tulala. Nag aalala na kami sa iyo. Ano bang iniisip mo at mukhang malalim?" Tanong ni Maggie.

"Eh kasi naman." Hayst! Di ko masabi. Maybe sa right time na lang.

"W-wala to. May iniisip lang" sabi ko.

Napabuntong hininga sila.

"Sige ikaw bahala." Sabi ni Ally.

"But if you need kausap nandito lang kami" sabi ni Maggie.

Tulala na naman ako sa kawalan nang siniko ako ng mahina ni Bea na katabi ko.

"Ano?" Sabi ko without looking at them.

"E-he-ehem!" Napalingon ako sa nag salita.

"C-coach!"

"Just want you to know na may practice mamaya ang team." Sabi ni coach.

"O-ok po!" I smiled awkwardly. At umalis na sya.

"Pansin ko ha, lagi ka na lang pinapaalalahanan nun ni sir Bartolome?"

"Oo nga eh" sabi ko naman.

Kahit alam ko namang may practice/training every MWF at friday ngayon pinapaalalahanan pa rin ako.

After ko mag bihis ng pang laro di pa rin ma alis-alis si coach sa isip ko. Nag lalakad na ako ngayon papuntang gym nang...

"Huaaayyy!! Nanay mo!!!"

"Hahahahahaha!!" Hagalpak ni coach sa pagtawa.

Napatawa na lang din ako ng pilit.

"You should see your face!" Sabi ni coach habang tumatawa.

"Nagulat naman po ako sa inyo coach"

"Sorry" pero tawa pa rin ng sya ng tawa.

"Uh. Tara na po?"

"Ah sige" sabay akbay sa akin ni coach. Di naman ako ganto dati pag inaakbayan ako ni coach eh. Dati ok lang sa akin kasi wala namang malisya. Pero ngayon parang nakakailang, siguro dahil sa mga sinasabi nila na may gusto sa akin si coach.

"Uh. Coach?"

"Yes?"

"Uhm. Bakit nyo po akong pinapaalalahanan about sa training natin kahit alam kong may training naman po tayo every MWF?"

Napaiwas sya ng tingin.

"U-uhm. A-ano kasi. Ah. Baka kasi makalimutan mo lang. Oo yun yon. Baka makalimutan mo."

Tumango lang ako. Tinanggal nya na yung pag kaka akbay nya sa akin ng maka labas kami ng building. Hay salamat. Nag madali ako ng kaunti mag lakad dahil para mauna kay coach ng kunti at dahil mabigat din itong gym bag na dala ko.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now