7th Part

1.7K 43 0
                                    


Zi's Pov

"So?" Sabi nya nang makababa kami. At tinignan nya ang chapel namin.

"Kumakanta ka dito?"

"Nope" sagot ko.

"Guitarist?"

"Hindi rin"

Papasok na ako ng chapel nang mapansin kong nakasunod pa sya.

"'Di ka pa uuwi?"

"Di papanuorin kita mag practice. Btw ano nga tinutugtog mo?"

Biglang may lumapit sa akin na kasama ko sa praise and worship team. Inabot nya ang drumsticks sa akin at pinakita kay kuya Warren.

"Ok na?"

"Seriously?"

Nag rehearse kami samantalang si kuya Warren eh nanonood lang sa amin.

Habang naf bebreak kami lumapit si kuya Vince sa akin, isa pang drummer sa praise and worship team.

"Hindi mo sinasabi na may boyfriend ka na pala ah?" Napatingin ako sa kanya.

"Sira! 'Di ko boyfriend 'yan! Kaibigan ko lang 'yan!"

"Sige. Sinabi mo eh. Ano pala nangyari dyan sa noo mo? May pasa." Sabay tingin sa noo ko. Agad ko naman tinakpan yun.

"Ano ba?! Wag mo nga tignan!" Sabay palo nang mahina sa braso nya. Natawa naman sya doon at umalis na lang.

"Uy girl! Pakilala mo naman kami sa kaibigan mo!" Sabi ni Ate Twinkle, yung lead vocalist ng praise and worship

"Oh? Akala ko ba si kuya?"

Crush nya kasi si kuya Zian.

"Sino ba nag sabi na gusto ko yan? Sabi ko pakilala mo lang ako or kami." Pag lilinaw nya.

Dahil mabait akong tao, hinila ko si ate Twinkle papunta kay kuya Warren at pinakilala.

"Nice meeting you" nakangiting sabi ni kuya Warren at nakipag kamay.

Ito namang si ate Twinkle akala mo inatake ng epilepsy. Tsk wala daw gusto pero halos mangisay na sa sobrang kilig.

"Ok last practice!" Sigaw ni kuya Vince.

After ng last practice dumaan kami sa 7/11 at nilibre ako ni kuya Warren ng ice cream at bumalik na kami sa bahay nila.

Bago pa kami makauwi naubos na namin ang ice cream. At ang tanging bitbit ko na lang eh ang drumstick ko at nakasabit na lang sa likod ang backpack kong maliit.

Habang papunta kami ng sala nila bigla syang nagkwento.

"Alam mo ba nung bata ako na sa beach kami tapos kalaro ko yung kuya ko. Nagtatakbuhan kami ni kuya 'non. Tapos 'di ko nakita 'yung malaking bato 'yun. Gumulong gulong ako dun sa may shore. Yung feeling na nangudngud yung mukha ko sa buhangin. Tapos halos magpalit kami ng mukha nung buhangin 'nun eh tapos parang bumakat pa ata yung mukha ko sa buhangin eh. Yung magaling ko naman na kuya imbes na tulungan ako mas nauna pang tumawa." Natatawang kwento nya.

"Ang shunga mo naman kung ganon!" Sabay tawa naming dalawa.

"Ang saya nating ah?" Nagulat kami sa nag salita.

"Z-zach?! Ano ginagawa nyo dito?!" Gulat na tanong ni kuya Warren.

"'Di ka na ba nasanay par?" Sabay lapit sa aming dalawa.

"Kayo ah? San kayo galing? Nag date kayo noh?" Pang aasar ni kuya Billy.

"Oh? Nag dadrums ka pala?" Dagdag nya pa habang nakatingin sa kamay ko na may hawak na drumstick.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now