24th Part

1.2K 46 2
                                    

A/N: Henlo beshiess!!

As you can see (if ever na mapansin niyo man) umurong yung number ng title ng bawat chaps.

Nung sinubukan ko kasing basahin ang libro ko, ngayon ko lang napansin na may nadobleng part at na-consider ko siya as kasunod na chap kahit hindi naman.

So yun lang! Lovelots!

~Calixxx

~♡~

"I'm sorry sa inasta ng dad ko kanina saka sa mga pinagsasasabi niya." Nag-aalalang sabi niya.

Para 'di sayang ang oras, pumunta na lang kami sa tagaytay at nag kape doon. Bigla niya kasi akong hinila ako agad at umalis doon.

"No, it's ok. It's not your fault naman. I can feel na ayaw sa akin ng dad mo." Ngumiti ako sa kaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko na na sa lamesa.

"Sana hindi maging dahilan 'yan para 'di mo ko mahalin"

Hinawakan ko ang pisnge niya.

"Minahal kita dahil ikaw 'yan. Di kita minahal dahil sa magulang mo. Hmm?"

"Damn, I'm so lucky to have you" nakangiti niyang sabi.

Tinulak ko ng marahan ang mukha niya gamit ang kamay kong nakahawak doon.

Tumayo na kami at umalis. Napagkasunduan kami na mag lakad-lakad doon.

"Whoops" sabi niya nang matisod ako.

Suot ko pa pala yung mataas na sapatos na to.

"Hay halika nga." Hinila niya ako papunta sa pinag-park-an ng kotse.

"Oi. Sandali, kala ko ba maglalakad-lakad pa tayo?" Pinipigilan ko siya sa paghila sa akin.

"With that shoes? I don't think so." Binuksan niya ang kotse niya at may hinahanap.

"Ehhhh! Malamig ang panahon maganda mag lakad" napanguso ako sa kaniya

"Fine. But wear this" nilapag niya ang tsinelas. Medyo malaki 'yon dahil alam kong sa kaniya yon.

Binuksan niya ang pinto ng driver's seat ng kotse niya.

"Sit" napaupo agad ako pagkasabi niya non. Para akong asong sumunod naman agad.

Lumuhod siya sa harap ko at nagulat ako ng siya ang nagtanggal ng stiletto lng suot ko.

Ini-stretch ko ang paa ko at napangiwi ako sa sakit non.

Minasahe niya ng marahan yon. Tumayo ako at isinuot ang tsinelas niya. Malaki nga sa akin ang tsinelas pero comfortable naman.

"Better?" Tunango ako nang nakangiti.

" Let's go"

Medyo madilim na at malamig. Huminto kami at npatingin ako sa kaniya.

"Ba't tayo huminto?"

Hinubad niya lang ang coat niya at sinuot yon sa akin. Magsasalita pa sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko ar nagsimual nang maglakad ulit.

Natahimik ako at napatingin lang sa kaniya. Ang gwapo talaga bg side profile niya.

Kita mo ang pointed nose niya and his fine jawline. Napatingin ako sa daan nang tumingin siya sa akin.

I heard him chuckle. Huminto siya pero hindi ako huminto pero dahil hawak niya ang kamay ko napahinto ako sa harap niya. Tinignan ko siya.

Nakita ko siyang nakangiti sa akin. Ngumiti din ako. Nagulat ako nang hilain niya ako niyakap. Niyakap ko siya pabalik. Pinulupot ko ang braso ko sa bewang niya at humigpit ang yakap niya sa akin.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now