25th Part

1.1K 31 7
                                    

Sabado ngayon at nandito ako nanonood sa training ng basketball ni Zach.

2nd anniversary namin ngayon at parang 'di niya ata alam. Yep, 2 years na kami.

"Tara sis, bili tayo milktea meron diyan sa labas." Yaya ni Alli.

Nandito din kasi ang boyfie niya.

"Ah sige. Wait." Tumayo ako at hinintay kong mapatingin si Zach sa akin.

Nang tumingin na siya sa gawi namin ay sumenyas akong lalabas kami. Tumango naman siya at lumabas na kami ng gym para bumili ng milktea.

Di ko na binilhan si Zach dahil alam kong 'di siya mahilig. Pagkatapos namin bumili ay bumalik na kami sa gym. Sakto naman na pagbalik namin ay kakatapos lang nila sa training.

Lumapit ako kay Zach na naka-upo sa bench sa gilid. Mukhang kaka-upo pa lang.

Pagkalapit ko ay kinuha niya agad yung milktea na hawak ko at ininuman iyon.

Habang umiinom siya ay kinuha ko na sa likod ng bench ang gym bag niya. Kinuha niya na ang gym bag niya at nag paalam na maliligo muna. Tumango lang ako at umalis na siya dala ang bag niya.

Habang naghihintay naisipan namin mag volleyball muna saglit ni Alli.

Nakajeans naman ako kaya keri lang.

"Aray ko ah!" Sigaw ni Alli. Napatakip na lang ako ng bibig sa pagpigil ng tawa nang tumama sa kaniya ang bola.

"Uso kasi mag set" sabi ko sa kaniya.

Taas na nga ng ulo ire-recieve pa.

"Oo na!" Natatawang sabi niya.

Ipapasa ko na sana kay Alli ang bolang hawak ko nang...

"Zi-" tawag sa akin ni Alli pero tumamana ang bola bago pa ako makaiwas.

Nakakunot-noo akong tumingin kung sa'n man galing ang bola.

"Oops! Sorry sadya!" Nagtawanan sila bigla.

Luhh! Problema nitong nga 'to?? Mga kateam mates ni Zach na hindi ko naman kilala.

Inirapan ko sila at lumapit ako ng konti sa kanila. Tinignan ko ang paa ko at hingpitan ko ang hawak ko sa bola ng volleyball. Napangisi ako.

Bigla naman nilang tinuro ang isang lalaking na sa gitna nila. Tumango ako. Yon daw yung nagbato ng bola sa akin.

Malakas ko naman binato ang bolang hawak ko doon sa lalaking tinuro nila. Tumba naman ang lalaking natamaan sa mukha. Tumalon ako sa tuwa at pumalakpak naman si Alli.

"Waleya lang babae ka!" Sigaw niya hababg patayo.

Tingnan niya ako ng masama hababg ako ay nakangiti lang sa kaniya.

"Oops! Sadya!" Tumawa naman kami ni Alli.

Tinignan niya ako ng masama pagtayo niya. Ngumuso ako at tinuro ko ang ilong ko.

Agad niyang hinawakan ang ilong niya pagkaturo ko nung ilong ko.

"Sht!" Sigaw niya nang makitang may dugo yung ilong niya at saka umalis doon. Tumawa kami ni Alli.

"That's my girl" napahinto ako sa pagtawa nang may gumulo ng buhok ko at inakbayan ako.

"Una na kami, Zi!" Sigaw ni Alli habang paaalis. Tinanguan ko na lang siya.

Tinignan ko siya. Bagong ligo at amoy mo pa ang sabon niya. Ang bango, shet! HAHAHAHAHA.

"Kanina ka pa?" Tumango siya.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now