20th Part

1.4K 72 0
                                    

Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ko ang sinag ng araw sa mukha ko.

Wait? Di ko naman binubuksan ang kurtina sa kwarto ko unless I do.

Napadilat ang isa kong mata ng kaunti at napainat ng malaman kong umaga na.

Nakapikit ang mga mata kong kinapakapa sa side table ang cellphone ko.

Nang makita kong 9 na ng umaga na pabangon ako pero nakapikit pa rin.

Naghikab ako at napakusot sa mga mata.

"Goodmorning!"

Nagulat ako.

May naaninag lang akong silhouette ng nakaupong tao.

Lumapit ako ng kaunti kaya nang makita kong si Zach iyon napangiti sya.

Sa gulat ko kung bakit nandito sya ay na atras ako at nahulog ako sa kama ko dahil 'di naman kalakihan ang kama ko.

"A..anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya nang makatayo ako.

"Nag paalam ako sa parents mo." Naka ngiti nyang sabi nya habang naka dekwatro pa sa upuan nya.

"Paalam saan?" Nagtataka ko namang tanong habang nakakunot ang noo ko.

"Na manliligaw ako."

Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa gulat.

"Bakit 'di ko alam yan?"

"Bakit kailangan mo pa bang malaman? Kung alam ko namang papayag ka din" nakangisi nyang sabi sa akin.

"At sino nagsabing papayag ako, aber?" Nakapameywang kong sabi.

"Sa ayaw at sa gusto mo liligawan kita."

Inirapan ko na lang sya at dumeretso sa banyo para mag hilamos.

Paglabas ko ay nandoon parin sya at inililibot ang paningin sa buong kwarto ko.

"Ba't nandito ka pa?" Sabi ko habang nagpupunas ng mukha ko.

"May pupuntahan tayo."

"San naman at ang aga pa" sabi ko.

"Excuse me ms? It's already 9 at tanghali na 'yon" nakangisi nyang sabi.

"Sige na magbibihis na ko" sabi ko habang naghahanap sa cabinet ng masusuot.

Tinignan ko sya nang makitang nandoon pa rin sya at nakaupo ngayon sa kama ko.

Tinitigan ko sya.

"What?" Nakangising sabi niya.

Binato ko sya ng unan na nahawakan ko at saka naman sya tumakbo palabas.

Naligo ako saglit at naghanda...

I wore grey summer crop tank top. Di naman masyadong crop. Hanggang taas lang ito ng pusod ko. Paired with highwaisted skinny jeans and a white sneakers

Bumaba na ako at nakita sa sala na nakaupo at ngahihintay si Zach.

Nga pala he is wearing an above the knee chino shorts paired with striped shirt and a white sneakers.

A/N: search nyo na lang mahina signal ni author, ayaw mag loading ng mga pics. HAHAHAHAHA.

Aaminin ko...

Damn he looks hot in those outfit

I tried to calm myself para 'di halata na nagagwapuhan ako sa kanya, chos!

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now