8th Part

1.6K 40 1
                                    

Zi's Pov

Monday na naman at training na naman.

End of the day na at ito kami ngayon nag tetraining.

"Ok water break muna." Sabi ni coach.

Umupo ako sa mga benches dahil medyo nahihilo ako. And as usual tumabi ulit si coach. I don't know why? Pero lagi syang tumatabi sa akin. And it makes me uncomfortable.

"Musta naman ang weekend mo?"

"Ok lang po" simpleng sagot ko at uminom ng tubig.

"What do you mean by that?" Tinignan ko sya.

"Ok don't mind that question. Just get ready for the championship. Ok?" Tumango ako. "Good." At tumayo si coach.

"Ok balik na. Tapos na ang water break." Sabi ni coach sa mga kateam mates ko.

Pag katapos namin mag training dumeretso ako sa locker ko at ako na lang ang natitira doon dahil nag siuwian na sila.

Pag pasok ko sa locker room nakaramdam na naman ako ng hilo kaya umupo ako saglit at nag tanggal ng sapatos.

Ano ba 'tong pakiramdam ko? Grabe naman ako pag pawisan saka ang sakit ng ulo ko. Baka dahil sa init?

Tumayo na ako at binuksan ang locker ko at kinuha ang tsinelas doon. Pag suot ko ng tsinelas sinarado ko na ang locker ko at nagulat ako ng katabi ko na pala si coach.

"C-coach?! Ano po ginagawa nyo dito?"

"Wala lang. I'm just checking on you. Ikaw na lang kasi ang 'di lumalabas."

Nagdidilim ang paningin ko habang sinasabi nya 'yon.

"Ok lang po ako mauna na po kayo may sun-"

Napahinto ako sa nag sasalita nang may naramdaman akong tumutulo mula sa ilong ko. Hinawakan ko iyon at tinignan ang daliri na pinanghawak. At ang nakita ko ay dugo.

"Ayos ka lang ba?" Sabi ni coach.

Bigla na lang nag dilim ang paningin ko at di ko na alam ang sumunod na nangyari

Everything went black..

~♡~♡~♡~♡~♡~

Nagising na lang ako puro puti ang nakikita ko. Na sa langit na ba ako? Chareng! Di pa pwede may championship pa kami.

Tumingin ako sa gilid ko at nagulat ako nang makita ko na naman si coach.

"Gising ka na pala. Nag alala ako sayo! God! Bakit 'di mo naman sinabi na may nararamdaman ka? You can leave early naman if ever." Sabi ni coach.

"Ok na po sya sir. Nahimatay sya dahil
Sa sobrang init. Kailangan nya lang po mag pahinga" at lumabas na ng clinic si nurse. Na sa clinic lang kami ng school. Bumangon ako. Agad naman akong inalalayan ni coach.

"Careful" sabi nya habang inaalalayan akong umupo.

"Kaya ko na po" sabi ko.

"No. Hindi mo pa kaya. Kailangan mo muna mag pahinga. You heard what the nurse said. 'Di ka muna mag tetraining bukas." Sunod-sunod na sabi ni coach.

"Hilo lang po ito dahil sa init sabi ni nurse kaya kaya ko na po."

Napa buntong hininga sya.

"Ang kulit mo naman eh. Baka mamaya lumala pa yan. Di ka muna mag tetraining bukas, kahit bukas lang." Sabi nya

Napatingin ako kay coach habang naka-indian seat sa kama dito sa clinic.

"Coach?"

"Hmm?"

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now