10th Part

1.6K 47 0
                                    

Zi's Pov

Monday na naman at panibagong boring na week na naman ito.

Umaga pa lang at kasama ko mga bessy ko at papuntang locker para kuning ang mga first three subject ko.

Pag bukas ko ng loker ko nagulat ako nang may nahulog. Pinulot ko ito.

Isang rose. Totoong rose. At may note pa.

Zi,

Goodmorning! Have nice day!

'Yon lang? Tinignan ko pa sa likod at loob ng locker pero wala. Kanino laya 'to galing?

"Wow! May pa red rose si madam ah?" Sabi ni Bea.

"May secret admirer ka na?" Si Maggie naman.

"Di mo sinasabing may manliligaw ka ah" sabi ni Jacob. "Sino ba yan? At nang makilala ko muna baka mamaya saktan ka lang nun eh." Dagdag pa nya.

"Oa ah!" Sabi naman ni ally.

Minsan talaga para ko na talagang kiya si Jacob. Mas protective pa kaysa kay kuya Zian ko.

"Tahimik na nga kayo guys!" Sabi ko dahil ang ingay nila dito sa hallway.

Pumunta na kami sa kanya kanyang classroom.

♡~♡~♡~Few hours later~♡~♡~♡

"Tara na guys nagugutom na ako" sabi ni ally sa amin.

"Nag mamadali naman 'tong babaeng 'to! Mag babalik nga lang nag libro 'di ba?" Sabi ni Maggie dahil naiirita na dito kay ally.

Nang makarating na kami sa locker binuksan ko ito at nagulat ulit ako nang may mahulog na rose.

Totoong rose ulit hindi plastic. At may note ulit.

"Ay may isa pa! Bongga!" Sabi ni Bea.

Ziphorra,

Hi! Kumain ka na? Kung hindi pa kumain ka ah? Don't skip a meal.

'Yon lang ulit. Walang pangalan kung kanino galing.

"Iba na naman ba yan? Oh sya pa rin?" Tanong ni Ally.

"Maybe mag kaiba? Kasi iba yung handwriting nila eh." Sabi ko naman.

"Ang dami namang admirers" kinikilig na sabi ni Bea.

Bumaba na kami para kumain.

Kumakain kami sa cafetria ng may kumalabit sa akin na bata.

"Hi ate ganda!" Sabi ng bata na cute at nakangiti sa akin. Mukhang elementary or preschool ang isang 'to.

"Hi! Bakit?" Nakangiti kong sabi sa bata.

"Pinapabigay po ni kuya pogi" sabay abot ng rose at note sabay takbo ng bata.

"Wait sinong kuya?" 'Di na nya narinig dahil tumakbo na sya.

"Another rose?" Sabi ni Jacob.

"For the third time" sabi ni Ally.

"Basahin mo 'yong note." Kinikilig na sabi ni Bea.

Phorra,

Sa tingin ko marami nang naglagay ng rose sa locker mo. Kaya binigay ko sa bata para iabot sa'yo. Para maiba naman ako. Btw. Ingat sa pag uwi ah?

'Yon lang ulit. 'Di ko na naman alam kung kanino galing 'to.

"Magkakaiba silang tao" sabi ni Maggie.

Uwian na at gagala daw muna sila Maggie. Ayaw ko naman sumama dahil pagod sa training. At kailangan kong mag pahinga para sa next week na game.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at nag papahinga. Tinitignan ko 'yon unang letter na kasama ng unang rose. Tinititigan ko dahil familiar 'yong sulat.

If A Badboy Is InloveWhere stories live. Discover now