VISHNIEL POV
Sobrang dami ng customers di ako makabili agad ng Ice cream para kay Kurt at Elise. Mga 2 minutes na akong nakatayo dito ng maisipan kong sulyapan si Zalira baka naiinip na kasi eh. Pero laking gulat ko ng wala na si Zalira sa inupuan namin kanina. Tumingin-tingin ako sa paligid ng shop pero wala talaga. Pumintig ng malakas puso ko baka kung ano na nangyari dun. Umalis ako sa pila at lumabas wala rin sya sa labas,asan na ba yun? Lagot ako neto kay Kurt. Tumingin-tingin pa ako sa lugar malapit dito sa shop halos 30 minutes na akong naghahanap pero di ko parin sya makita. Tiningnan kong muli sa shop kung bumalik na sya pero bigo ako,. May naisip akong lugar na di ko pa natitingnan sa paghahanap kung saan madalas nilang puntahang magkapatid, nagbabakasakali akong sa lugar na yun ko sya makikita. Five minutes kung lalakarin yun mula ice cream shop. Tumakbo na ako para mas mabilis malapit na ako sa bungad ng park ng makita ko syang nakatayo dun. Masaya akong makita na okay lang sya, may kinakawayan sya sa loob ng isang sasakyan tiningnan ko kung sino yun pero diko kilala. Isang bata ang nandun na parang titig na titig sa kanya,umandar na yung sasakyan paalis tiningnan ko yung bata ngumite ito habang nakatingin sa unahan. Gusto ba nya si Zalira?naiinis na tanong ko sa sarili ko. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako. Tiningnan kong muli si Zalira na sinundan ng tingin yung sasakyan nung bata kaya nahagip nya ako ng tingin. Nagulat syang makita ako dun. Tumakbo ako palapit sa kanya.
"Ku-kuya Vish sorr-"di na nya natapos sasabihin nya nung niyakap ko sya. Di sya gumagalaw,di ko napigilan sarili ko,nag-alala ako sa kanya ng sobra.
"It's okay Zalira just don't do it again pinag-alala moko"sabi ko ng nakayakap pa rin sa kanya."Vish,Lira?"
ZANDREW KURT POV
"Vish,Lira?"nasabi ko ng madatnat ko si Vish na yakap si Lira. Umalis sa pagkakayakap si Vish kay Lira ng marinig ako. Tiningnan namin sila ni Elise sa Ice cream shop pero wala sila dun kaya't sunod naming pinuntahan itong park andito lang pala sila. Pero nakayakap si Vish kay Lira?Gusto ba nya ang kapatid ko? Lumapit na kami ni Elise sa kanilang dalawa. Hinawakan ko si Lira sa kamay,
"Kuya,sorry"nakayukong sabi ni Lira sakin.
"Umuwi na tayo ang init dito"tumingin ito sakin kaya't nginitian ko sya. Niyaya ko na rin sila Vish at Elise na nag-uusap. Pagkarating sa bahay pinakain ko na yung dalawa ng tanghalian kahit ala una na ng hapon,di ko pa sila tinatanong tungkol sa nangyari kanina. Pagkakain nila sa sala kami tumambay katabi ko si Lira na humihikab sumandal ito sakin at ilang sigundo lang nakatulog na ito. Nagpaalam si Elise na magsi-cr lang muna naiwan kaming tatlo nila Vish at ang tulog na si Lira. Inihiga ko si Lira sa sofa habang ang ulo nya ay nasa lap ko, pagod na pagod ano kaya nangyari kanina. Pag tingin ko kay Vish nakatingin nanaman ito kay Lira ng seryoso.
"Vish anong nangyari?"tumingin ito sakin. At nagsimula ng magkwento tungkol sa mga nangyari kanina. Nawala pala sa paningin nya si Lira dun sa Ice cream shop kaya't hinanap nya ng hinanap at natagpuan sa may bungad ng park.
"Vish pansin ko lang iba ka makitungo kay Lira ngayong araw na ito hah,anong ibig sabihin nun?"tanong ko sa kanya na ikinagulat nya pero nakabawi din agad at ngumite.
"Ewan ko ba Kurt pero napakaspecial sakin ni Lira simula kanina nung nakita ko sya ulit,ang ganda nya"masayang kwento neto sakin. Sabi ko na nga ba may iba talaga eh..
"Vish bata ka pa,tayo at lalo na si Lira"di pa rin nawawala ang ngite nya pagkasabi ko nun.
"Alam ko kaya't maghihintay ako hanggang sa ang hindi pwede ay maging pwede na"sinserong sabi nya pa. Bumalik na si Elise na may kinausap sa cellphone.
"Kuya Niel we have to go andun na yung gamit ko sa bahay nyo aayusin ko na"sabi neto sa kanyang pinsan. Tumango dito si Vish at tumayo na..
"Kurt bro,we have to go di na ako makakapagpa-alam kay Lira. Yung pasalubong bukas nalang hah"nakangiting sabi neto sakin. Tumingin ako kay Elise na nakangite sakin.
"Good bye Kurt, I hope to see you tomorrow☺😀"tinanguan ko sya sabay ngite.
"Nice meeting you Eliseana😁"nabigla sya sa pagtawag ko sa kanya ng Eliseana na full name nya. Nginitian nya ako ng pagkatamis-tamis..Umalis na sila Elise at Vish. Kung sakaling sila Vish at Lira ang magkatuluyan someday ay okay lang sakin,dahil kilala ko na si Vish mabait,gwapo,at maaasahang tao. Tiningnan ko si Lira na mahimbing na natutulog sa lap ko,napakainosente ng mukha nya nakakahawa ang pagkakatulog nya,inaantok na din tuloy ako,isinandal ko likod ko sa sofa at pumikit hanggang sa diko namalayang nakatulog nako.
BINABASA MO ANG
Loving A Mistaken Person
RomanceZalira is a very beautiful person from Manila. She studied from the famous school in Albay from grades school to high school. There's a lot of people around her friends,family,enemies,and love ones. Umibig si Zalira sa akala nyang iisang tao pero ma...