ZANDREW KURT POV
Tok Tok Tok
"Kurt anak gising na!!"nagising ako dahil sa katok at boses na nanggagaling sa labas,anong oras na ba? It's 3 am palang ba't ang aga nila magising? Bumangon ako at binuksan yung pinto bumungad sakin ang pawis na pawis na si mom and dad.
"Kurt kailangan nyo ng makaalis ni Lira now!!"- natatarantang sabi ni mama. Ang aga naman yata?
"Mom it's too early pa,bakit po sobra kayong nagmamadali?"nagtatakang tanong ko at tumingin sa kanilang dalawa.
"No more questions please Kurt,,bihis kana ihahatid kayo ng driver natin,yaya pakikuha na nung mga gamit ni Lira pakidala sa kotse. Hon buhatin mo na si Lira at ipasok sa kotse, Kurt kukunin ko na gamit mo bihis kana dalian mo"nagmamadaling utos ni mommy. Naguguluhan man nagbihis na ako't bumaba pagkatapos. Sinundo ako ni mommy at pinamadaling maglakad. Sumakay na ako sa sasakyan sa tabi ni Lira na tulog na tulog,inihiga ko yung ulo nya sa lap ko. Dumating si Yaya dala si Sugar kinuha ko ito at itinabi kay Lira. Pumunta sila mommy and daddy sa may pinto..
"Mom,dad what's going on?"nagtataka paring tanong ko nagtinginan lang sila at di ako sinagot.
"Kurt take care huh,wag mong pababayaan si Lira kailangan lang namin ayusin ang mga problema natin sa kompanya,pagkatapos nun ay maaari na kayong bumalik dito satin, pangako." Paliwanag ni dad.
"Be a good boy son I love you" emosyonal na sabi ni mom sabay kiss sakin at kay Lira na tulog parin at walang kamalay-malay sa nangyayari.
"Wag kayo mag-alala everything is ok na pagkarating nyo dun" nalulungkot akong naiinis sa nangyayari samin. Ano ba kasing problema ang aayusin nila't parang sobrang komplikado?
"Bye Lira, bye Kurt" sambit ni daddy habang yakap yakap si mommy'ng umiiyak na. Sana matapos agad ang problemang ito kung ano man yun gusto ko ng normal at buong pamilya hindi ganto nagkakahiwalay-hiwalay.. Mom,Dad I promise di ko pababayaan si Lira.. May pumatak na luha sa mga mata ko na para bang matagal kaming mahihiwalay sa parents namin,wag naman sana. Umandar na ang sasakyan at nalampasan namin sila mommy and daddy.. Ang hirap mapunta sa gantong sitwasyon,pero kailangan kong kayanin para kay Lira. Malayo ang Bicol sa pagkakaalam ko mula dito sa Manila, 4 am palang kaya't natulog na muna ako.
ZALIRA POV
Hmmmm nagising ako dahil sa pakiramdam na gumagalaw kama ko. Pag mulat ng mata ko nakita ko si Kuya na natutulog pa. Nakahiga ako sa hita ni Kuya,asan kami?sa kotse?saan kami pupunta?tatanungin ko sana yung driver kaso wag nalang baka madisturb sya at maaksidente pa kami.. Bumangon ako't umupo..
"Kuya!Kuya!" Paggising ko kay kuya habang niyuyugyog pa ito.
"Hmmmmm" gumigising ng sabi ni Kuya,hinintay kong tuluyan nyang imulat ang kanyang mga mata. Nang magmulat na ito nakatingin na sya sakin.
"Kuya ba't tayo andito San na tayo pupunta?" Usisang tanong ko sa kanya.
"Bicol Lira" maiikling nyang sagot.
"Ba't ang bilis?di ako nakapagpaalam kila Mommy,daddy,kuya Vish at Elise."nagdadabog na sabi ko.
"Emergency daw kasi Lira sabi nila mom"pagpapa-intindi sakin ni Kuya.napayuko ako't nakita si Sugar sa sahig kaya't pinulot ko ito at niyakap..
"Pero okay lang uuwi naman tayo ata agad eh"sabi ko habang nakatingin kay kuya ng nakangite. Ngumite sya pabalik pero parang peke lang yung ngiting yun..Dko nalang ito pinansin. Tumigil kami sa isang restaurant at bumaba kakain daw muna kami ng agahan kasama yung driver.. Nakakahiya kasi nakapajama pa ako. Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa sasakyan habang yung driver nagpaalam na may bibilhin daw. Ilang minuto lang bumalik na yung driver at ibinigay sakin ang isang supot ng pagkain at inumin,kinuha ko ito at inilagay sa upuan sa gilid ko. Kumuha si kuya ng tubig dun at uminom. Nagpatuloy ang byahe ng ilang oras pa,minsan nagpapagas din ng sasakyan,nakakatulog din ako paminsan minsan ganun din si Kuya. Tanghali na ata kaya tumigil kami sa McDo at bumaba yung driver sya nalang daw ang bibili ng pagkain namin,ilang minuto lang ang nakalipas bumalik na sya. Kumuha sya ng sa kanya at ibinigay yung samin ni kuya.. Ginising ko si Kuya na natutulog,kumain kami ng tanghalian pagkatapos byahe ulit..
"Malapit na po tayo ma'am,sir" sabi ng driver.
"Kuya excited nako" masiglang sabi ko kay kuya habang nakasandal at nakayakap ako sa braso nya., Ngumite lang ito sakin,ang tahimik naman ni kuya di ako sanay. Siguro mamimiss nya si Elise hahaha..
"Kuya don't worry babalik din tayo agad makikita mo ulit sya"kinikilig na sabi ko. Tumingin sya sakin ng nagtataka.
"What are you talking about?" He ask me."Wag kana kasing magdeny kuya alam ko na Yan,pero di na ako mangungulit basta umamin kana"sabi ko sabay ngite ng nakakaloko..
"Lira ang kulit mo talaga,!pipitikin kita pag dka tumigil jan"pagbabanta nya. Ang sakit kaya ng pitik ni kuya kaya nanahimik nalang ako..Nakaramdam nanaman ako ng antok, 2pm na rin ata.. Naramdaman kong inayus ni kuya yung nakalaylay kong buhok papunta sa likod ng tainga ko bago ako ulit nakatulog..
BINABASA MO ANG
Loving A Mistaken Person
RomanceZalira is a very beautiful person from Manila. She studied from the famous school in Albay from grades school to high school. There's a lot of people around her friends,family,enemies,and love ones. Umibig si Zalira sa akala nyang iisang tao pero ma...