Catchline: "We we're looking for Dianne, but my heart found you, Marie. You're my Love, my happiness, my home."
-Ken to Marie.RENDEZVOUS TRILOGY.
Is a series of book compose of three stories na pinagbibidahan ng ating mga magaganda at full of personality na mga waitresses ng Rendezvous restaurant na sina,
Marie
Rhian
Ella.Samahan natin ang ating mga magagandang bidang babae sa paghahanap ng kanilang love of their life. Na matatagpuan nila sa Rendezvous restaurant. At sisimulan ko ang kuwento sa ating bida na si Marie at sa kanyang great love na si Ken.
Sana ma-enjoy niyo ang pagbabasa as much as I enjoyed sa pagsusulat nito.
Feel free to vote, comment and share.
Maraming salamat.
Chapter One starts sa baba.
(Paki scroll down na lang. Hi-hi_!)Happy reading :)
CHAPTER ONE
"ANONG MERON? Ba't nandito kayong dalawa? Ang dami kayang customer sa labas, kaloka kayo nagtsi-tsismisan lang pala kayo dito. Naku! Kung hindi ko lang kayo mga kaibigan, isusumbong ko na kayo kay Madaam Zia." Nakapamaywang na saad ni Marie pagkapasok niya sa loob ng kitchen. Habang inililipat-lipat ang tingin kina Ella at Rhian mga Kaibigan niya ang mag ito at kapwa waitress sa Rendezvous— ang restaurant na pinagta-trabahuan nilang magkaibigan.
Tumigil ang tingin niya kay Ella. At napakunot-noo siya ng makita niyang umiiyak ito.
"Ano'ng nangyari kay Ella? Ba't yan umiiyak?" Nag-aalalang saad niya pero kay Rhian siya nakatingin. Sa estado kasi ni Ella ay parang wala itong kakayahan na sumagot sa lakas ng hagulhol nito.
Two years na siyang waitress sa Rendezvous at ganoon din ang dalawa kaya close na close na sila sa isa't- isa, kaya sino pa ba ang magkakampihan kundi sila-sila din na magkakaibigan.
Tumalim ang tingin ni Rhian at naikuyom pa nito ang kamao nito."Itong si Ella, binully ng lalaking diner do'n sa table eight. Sukat ba namang, sigaw-sigawan si Ella sa harap ng ibang diners doon sa labas. Kesyo ang bagal-bagal daw mai-serve ng order niya, ang kupad-kupad daw kumilos nitong si Ella. tubig na nga lang daw ang tagal pa kumuha. Ano ba'ng gusto niya? Isang kumpas lang ng daliri at nasa harap niya na ang pagkain at tubig niya. Ano 'to? Magic? At ayaw pa tumigil! Ang dami pang sinasabi, hindi daw ganoon sa States maganda daw ang dining services doon 'di kagaya dito. Ang yabang-yabang niya naman, eh! 'di dapat doon na lang siya sa America kumain at hindi na siya umuwi dito sa Pinas, ng wala siyang waitress na ipinapahiya. 'Ku! Akala mo kung sino! Buwisit siya!" Galit ng saad ni Rhian habang dahan-dahan na tinatapik ang likod ni Ella para kumalma ito.
Nanginginig ang mga kamay ni Ella, na-trauma pa yata sa natamo mula sa mayabang na lalaking ikinikuwento ni Rhian.
Pakiramdam ni Marie ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo niya. Anemic si Marie kaya low blood siya pero parang na-high blood siya bigla sa sinabi ni Rhian. Hindi siya makakapayag na ganun-ganunin lang ang kaibigan niya lalo na at hindi naman makatuwiran ang ginawa ng lalaking iyon sa kaibigan niyang si Ella. Wala itong karapatan na ipahiya si Ella o kung sinumang tao. Hindi porke't galing ito sa States ay may karapatan na itong manliit at mamahiya ng tao kung kailan nito gusto!
Makikita mong mayayabang na lalaki ka! Pagsisihan mong bumalik kapa rito sa Pilipinas at kumain ka dito sa Rendezvous. Talagang hihilingin mong bumalik ka na lang sa Amerika!
Buwisit ka!
"Saang table nga ulit ang mayabang na lalaking 'yan?" Nakakuyom ang mga kamao na saad ni Marie na para bang sasabak siya sa sapakan.
"Table eight." sagot ni Rhian.
Napatingin siya sa hawak na baso ni Rhian na may lamang tubig.
"Sa kanya ba 'yang tubig na 'yan?" Tumango si Rhian.
Mabilis na binawi niya ang baso iyon sa kamay ni Rhian at tinungo na ang pinto palabas ng kitchen.
"Hoy! Marie! Saan ka pupunta? Ano'ng binabalak mo?" tawag ni Rhian sa kanya.
"May tuturuan lang ng leksiyon!" saad niya ng hindi na nililingon ang mga ito.
Lumabas na siya ng pinto at dere-deretso na siyang naglakad patungo sa table eight kung nasaan ang lalaking itinuro ni Rhian.
Huminto siya ng tumapat siya sa lamesa ng lalaking tahimik na kumakain. Nag-angat naman ng tingin ang lalaki mula sa kinakain nito. Napansin yata ang presensiya niya. Mas mabuti para hindi niya na kailangan tawagin ang atensiyon nito.
"Is that my water?" Puno ng awtoridad ang boses na tanong nito. Kaya siguro nanginginig sa takot si Ella dahil buong-buo ang boses ng lalaki. Nakakasindak. Halatang inip na inip na ito at naiinis na. Pero hindi siya masisindak nito! Walang emosyon na tumango si Marie. "Thank God at nabigyan niyo rin ako ng tubig after ten years. Kanina pa ako mabibilaukan sa kinakain ko. I'm really disappointed about the restaurant services. It sucks. You know what in America it's different, the dining service there is excellent and—"
Hindi na pinatapos ni Ella sa pagsasalita ang lalaki at walang pasintabi na ibinuhos niya sa ulo nito ang tubig na laman ng baso. Napangisi si Marie dahil kitang-kita niya pa ang pagpitlag ng lalaki nang maramdaman nito kung gaano kalamig ang tubig na ibinuhos niya rito. Pinuno niya kasi ng yelo ang baso kaya alam niyang sobrang lamig niyon.
"Holy shit! What was that for?" Galit na saad nito. Pinukol siya nito ng nagbabagang tingin. Kung nakakasunog lang ang tingin ay malamang kanina pa siya natusta.
Sinalubong niya naman ang nagbabagang tingin ng lalaki at hindi siya nagpadaig. Wala siyang pakialam kung magalit ito sa ginawa niya bagay lang iyon sa mayabang na lalaking kagaya nito.
Sarkastikong nginitian niya ang lalaki."Pampalamig po 'yan ng ulo ninyo. Ang init po kasi ng ulo ninyo, kanina niyo pa kasi sinisigawan ang katrabaho ko. Kaya siguro mainit ang ulo niyo dahil mainit dito sa Pilipinas, 'di gaya sa Amerika!" Sarkastikong saad niya at binigyang diin pa ang 'Amerika'. Hindi pa nakuntento si Marie at kinuha niya pa ang pitsel sa kabilang mesa na puno rin ng tubig at deretso niya rin na ibinuhos iyon sa ulo ng lalaki. Doon na tuluyang napatayo ang lalaki at sunod-sunod na napamura.
"'Yan isang pitsel na po, para naman mahimasmasan ka. Mahirap na baka ma-heat stroke ka sa init ng ulo mo. Ikamatay mo pa 'yan!"
Hindi niya hinintay na maka-recover ang lalaki at binirahan niya na agad ito ng talikod bago pa man ito makahuma.
"You witch! You'll gonna pay for this, bigtime!" Pahabol na saad nito.
Dahan-dahan na nilingon niya ang lalaki at nginitian niya ito. "Okay. Pero huwag mo akong sisingilin ng dollars ha! Wala ako no'n! Wala tayo sa Amerika, nasa Pinas tayo." Sarkastikong saad niya at kinindatan niya pa ang lalaki.
Narinig niyang tumawa ang ibang diners sa resto, mukhang natutuwa ang mga ito sa sinapit ng lalaki, nasaksihan din yata ng mga ito ang kayabangan ng lalaki at pagpapahiya nito sa kaibigan niya kanina.
Kumaway si Marie sa mga ito na para bang nanalo siya sa miss universe at nag-flying kiss pa. Bago siya tuluyang tumalikod ay nahagip ng mga mata niya na humugot ng cellphone ang lalaki mula sa bulsa nito at may kung sinuman na tinawagan.
Napakagat-labi siya. Mukhang malaking gulo yata itong napasok niya at manganganib pa yata ang trabaho niya dahil sa lalaking ito.
Eh, ano naman kung isumbong siya nito sa manager ng Rendezvous? Alam niya namang nasa katuwiran naman ang ginawa niya at ipinagtanggol niya lang ang katrabaho niya sa mayabang na lalaking iyon.
Mabait naman si madaam Zia—ang manager ng Rendezvous kaya kampante si Marie na siya ang papanigan nito kung sakaling magsumbong rito ang aroganteng lalaki na iyon.
Bakit ito papanigan ni madaam Zia? Eh, ito naman ang pumasok sa Rendezvous para manggulo?
Ano ito, sinusuwerte?
BINABASA MO ANG
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
RomanceBOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang b...