"CAT GOT your tounge, Marie? Bakit hindi ka na yata makapagsalita?"
Nasa couch si Marie habang parang imbestigador
naman na nakatayo si Ken sa harap niya at nakahalukipkip pa. Nanatili lang siyang nakayuko. Hindi siya makatingin ng deretso kay Ken. Nahihiya siya rito. Parang ngingatngat ng knosensiya ang dibdib niya.
Malaki ang naging kasalanan niya kay Ken at sa kaibigan niyang si Dianne. Magkasintahan ang mga ito noong college pa sila. Bestfriend niya si Dianne. Pero tinraydor niya ang kaibigan kapalit ang pera. May nag-alok sa kanya ng malaking halaga mapaghiwalay lang si Ken at si Dianne. At siyempre siya na gipit ng mga panahong iyon dahil finals exam na at wala pa siyang pambayad ay sinunggaban niya agad ang inialok sa kanya.
Si-net up niya si Ken sa isang kuwarto kasama ang isang babae na 'manghahalay' dito. Si Madonna. Kaklase niya ang babae at alam niyang patay na patay ito kay Ken kaya nag-representa pa ito sa sarili nito para tulungan siya sa plano niya kahit walang bayad.
Malandi!
Nilasing nila si Ken ng araw na iyon para siguradong walang kamalay-malay ito habang 'hinahalay' ito ni Madonna. At siyempre para convincing ay sa mismong kuwarto pa ni Ken mangyayari ang insedente. At siya naman ang tumawag kay Dianne para pumunta sa bahay ni Ken para hulihin ang kasintahan nito sa ginaagawa nitong 'kalokohan' kuno.
At 'yon na nga nagkahulihan, at nangyari nga ang hiwalayan ng dalawa. Nakuha niya ang bayad niya at nakapag-exam siya. Pero ang akala niya ay magkakaayos at magkakabalikan sina Ken at Dianne pero hindi pala. Masyado palang dinidibdib ni Dianne ang 'panloloko' ni Ken rito at hindi na nito nakayanan ang sakit na nararamdaman kaya umalis ito sa Marie Claire University, umuwi ito ng probinsiya at doon na pinagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo.
At dahil hindi nakayanan ng konsensiya niya ang nagawa ay nagpadala siya ng sulat kay Ken at kay Dianne at inamin niya ang kasalanang nagawa sa mga ito. Hindi na siya nagkaroon ng chance na personal na humingi ng tawad sa dalawa dahil si ken ay lumipad na sa Amerika at doon na ipinagpatuloy ang pag-aaral. Si Dianne naman ay umuwi ng probinsiya at doon na nag-aral ng kolehiyo.
Habang siya ay naiwan na sobrang guilty sa nagawa. Nakapag-exams man siya ay hindi naman na siya nakausad at nakapagtapos dahil kailangan niya ng tumigil sa pag-aaral dahil tuluyan ng iginupo ng sakit na diabetes ang mama niya. Hanggang third year college lang siya.
Napilitan siyang huminto ng pag-aaral at kinailangan niya ng magtrabaho para sa pamilya nila. Matagal nang patay ang papa niya at maliit pa ang bunso niyang kapatid kaya siya lang ang puwedeng kumayod para sa pamilya nila. And the rest was history, ika nga.
Alam niyang walang kapatawaran ang ginawa niya kina Ken at Dianne. Pero pinagsisihan niya ang nagawa sa araw-araw ng buhay niya.
"Small world, huh? After six years we've met again. Tadhana nga naman, Oo! Dont you think this calls for payback time?" patuloy na saad ni Ken sa tono ng nanunumbat.
Nakagat ni Marie ang ibabang labi at nag-angat siya ng tingin. Nagtama ang mga mata nila ni Ken, kitang-kita niya ang sari-saring emosyon sa mga mata nito at alam niyang hindi ito nagbibiro.
"And how dare you to deny your true identity, akala mo talaga hindi kita makikilala? I know you. Siguro sa looks ibang-iba talaga dahil marami kang taghiyawat noon at ang itim mo pa."
Ngali-ngaling batukan niya ito, Kulang na lang ay ipagdiinan nito sa mukha niya na pangit siya noon.
"But I recognized your wicked smile, the reason why I forgot to be happy and became lonely for the past six years." Patuloy pa na saad nito. Nag-iba ang tono ng boses nito. Parang lumungkot at nangungulila.
"K-Ken, sorry na." Parang gusto niyang palakpakan ang sarili dahil sa wakas ay nahanap niya ang sariling dila. "Hindi mo pa rin ba ako napapatawad sa nagawa ko sa'yo noon? I mean sa inyo ni Dianne? Oo alam ko, mali ang ginawa ko pero pinagsisisihan ko na iyon. Kaya Ken, patawarin mo na ako." Pagmamakaawa niya rito.
"I can't forgive you, Marie. Alam mo ba ang ginawa mo? Kinuha mo lang naman sa akin ang babaeng una kong minahal. And up until now, I still can't get over with, Dianne. Habang nasa States ako. Wala akong naging serious relationship roon because I keep comparing them with Dianne. Kung hindi ka lang nakialam, maybe kami pa rin ni Dianne hanggang ngayon. Or Maybe we already got married and have kids."
"Hala siya! Six na years na ang nakakalipas, Ken. Palayain mo na si Dianne. Move on, move on din pag may time."
Nakakaloka!
Hanggang ngayon pala hindi pa ito nakaka-move on kay Dianne. Ano bang pinakain ni Dianne rito at hindi ito maka-get over sa kaibigan niya? Ang ganda ni Dianne, ha! Ang haba ng hair! In fairness!
Marahas na napailing-iling si Ken. "Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakikita si Dianne. I need to see her. And you'll help me find her."
"Ako?" Gulat na saad niya at itinuro ang sarili. "Bakit ako? Hindi ko na alam kung nasaan si Dianne! Six years ko na siyang hindi nakikita."
"Then, that is your problem not mine. You have to help me find, Dianne. Dahil kung hindi, Im afraid you have to find a new job. Tutuluyan ko na ang pagsesesante sa'yo sa Rendezvous."
Nanlaki ang mga mata niya. "Ano? Ano 'to blackmail? Bakit ako? Puwede ka namang mag-hire ng private investigator para hanapin si Dianne. Bakit ako pa ang gusto mong maghanap sa kanya."
"Because two months has passed pero wala pa ring update ang inupahan kong PI na naghahanap kay Dianne. That worthless man! Besides Dianne is your bestfriend. At hindi ako naniniwala na wala na kayong koneksiyon sa isa't-isa."
"Pero nagsasabi ako ng totoo. Wala na kaming koneksiyon ni Dianne simula nung umuwi siya ng probinsiya."
Tumalim ang tingin nito. "Then, end of conversation. Say goodbye to your job."
Sinalubong niya ang matalim na tingin nito. "Huwag mo naman idamay ang trabaho ko sa Rendezvous sa personal issues mo!"
"Wala kang choice! Damay ka na! Simula nang gumawa ka ng scheme para paghiwalayin kami noon. You're the one who started this. So you're the one who should finish this!" Tumaas na ang tono ng boses nito at halatang galit na.
Nag-iwas na siya ng tingin bago paman may masabi siyang hindi kanais-nais. Kahit saang anggulo naman ay talo siya sa sitwasyon nila.
Tama nga si Ken, siya ang nag-umpisa niyon kaya dapat niyang tapusin. Kailangan niya pagtagpuin ang dalawa para manahimik na ito. Para matahimik na rin ang konsensiya niya.
"Oo na, sige na. Tutulungan na kitang hanapin si Dianne." pikit-matang saad niya.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Good."
"Kailan tayo magsisimulang hanapin si Dianne?"
"Now."
Nanlaki ang mga mata niya. "Ngayon na agad? Teka lang, gumawa muna tayo ng kasunduan."
"What?"
Kumuha siya ng ballpen at papel na nakalagay sa center table habang si ken ay nanatili lang na nakatingin sa kanya. Habang nagsusulat ay hindi alam ni Marie kung ano ang mangyayari sa paghahanap nila kay Dianne. Matagal na siyang walang koneksiyon kay Dianne kaya hindi niya alam kung saan at paano ito hahanapin.
Paano kaya nila ito mahahanap?
Goodluck na lang sa kanya!
BINABASA MO ANG
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
RomansaBOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang b...