"KEN?"
Kanina pa tinatawag ni Marie si Ken dahil tapos na siyang magluto at kakain na sila. Nag-request kasi si Ken na ipagluto niya ito ng adobo dahil nai-kuwento niya sa binata na specialty niya iyon.
Napangiti si Marie. Ilang araw na din silang ganoon, parang mag-asawa na nagba-bahay-bahayan. Araw-araw siyang may nakukuhang surpresa mula kay Ken. Gabi-gabi rin may nangyayari sa kanilang dalawa ng binata, pero kung angkinin siya nito ay para bang first time na may mangyari sa kanilang dalawa. Kaya pakiramdam ni Marie ay napaka-espesyal niya. Hindi na nga yata sila mapaghiwalay pa, lagi silang magkadikit. At masayang masaya siya, nahiling niyang manatili na lang silang ganoon. Kung panaginip man iyon ay sana huwag na siyang magising sa napakagandang panaginip na iyon.
Hindi tuloy maiwasan ng puso niyang umasa na sana katulad niya ay mahal na rin siya ni Ken. Hindi nila personal na napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon pero alam niya namang sa puso nilang dalawa ay nagkakaintindihan na sila. At lihim siyang umaasa na sana nga ay natutunan na siya nitong mahalin.
Nang hindi pa rin lumapit si Ken sa mesa ay nagtatakang lumabas na siya ng kusina para hanapin kung nasaan ito. Paglabas niya ay niya si Ken na nakaupo sa sofa at parang may malalim na iniisip. Tumambol sa kaba ang dibdib niya nang mapatingin siya sa kamay nito dahil mahigpit nitong hawak ang cellphone nito.
Inihanda ni Marie ang sarili dahil mukhang dumating na ang araw na kinatatakutan niya.
"Ken?" Untag niya sa binata at tila doon lang ito nagising mula sa malalim nitong iniisip.
Tinapunan lang siya nito ng tingin at dagli din nitong ibinaling sa iba ang tingin. "Tumawag 'yong private invistigator na inupahan ko para hanapin si Dianne. Nag-text daw siya noong nakaraang araw na nahanap niya na si Dianne at iti-next niya ang address kung saan nakatira si Dianne pero wala naman akong natanggap na text mula sa kanya." Bumaling ito sa kanya at tumitig ng mariin. "Did you erase his text messages from my phone?" Seryosong tanong nito sa kanya na halatang inaakusahan siya.
"H-hindi, ah! Bakit ko naman gagawin iyon?" Pagsisinungaling niya pero halata naman sa tono ng boses niya na nagsisinungaling siya. Kahit siya ay hindi kumbinsido sa sariling sinabi.
"Tell me the truth!"
Napapitlag si Marie dahil tumaas na ang boses ni Ken.
"Oo na! Oo ako nga ang nagbura ng text nung PI na 'yan!" Galit na rin na pag-amin niya. Kung makasita naman ito sa kanya ay parang ang laki ng kasalanan niya.
Kasalanan ba na mahalin niya ito kaya ayaw niyang makita ulit nito si Dianne?
"Why the hell would you do that? Alam mo namang matagal ko ng hinahanap si Dianne, 'di ba? Bakit mo binura? Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"
"Dahil ayokong makita mo si Dianne! Ayokong magkita kayo ulit!"
"What? Why?" Naguguluhang saad nito.
"Dahil natatakot ako na 'pag nagkita ulit kayo ni Dianne ay bumalik ang feelings mo sa kanya! At ayokong mangyari 'yon, Ken. Kasi gusto ko ako na lang ang mahalin mo. Dahil mahal na kita, Ken." Lumapit siya sa binata at tinangka niya itong halikan pero umiwas ito. "Bakit, Ken? Wala ka bang nararamdaman sa akin kahit konti? Hindi mo ba ako mahal?"
"Ken? Hindi mo ba ako mahal?" Untag niya dahil hindi parang wala itong balak na sagutin siya.
"I—I don't know." Sagot nito ng hindi tumitingin sa kanya.
Nangilid ang mga luha ni Marie.
Ang sakit naman ng sagot nito. Nakakainsulto. Ano pala ang nangyari sa kanila nang mga nagdaang araw? Wala lang? Landian lang? Wala lang para rito? Dapat pala ipinagsigawan nalang nito sa mukha niya na hindi siya nito mahal kaysa sagutin siya nito ng 'Hindi ko alam.'
"I need to see Dianne." Bagkus ay saad ni Ken at tinalikuran na siya.
Nakailang tawag siya sa binata pero hindi na siya nito nilingon pa.
Tuluyan ng pumatak ang mga luha niya habang hinahatid niya ng tingin ang papalayong bulto ni Ken. Nanghihinang napaupo si Marie at nayakap ang sarili. Ganoon pala kasakit ang magmahal at hindi masuklian ng pagmamahal ng taong mahal mo. Kasalanan niya naman, eh. Akala niya handa na siyang magparaya kung sakaling si Dianne pa rin ang piliin ni Ken sa huli. Pero ang sakit pala. Ang sakit-sakit! Parang sinasaksak ang puso niya ng paulit-ulit.
Hiniling niyang bumuka na lang ang lupa at lamunin siya dahil ni sa panaginip ay ayaw niyang maranasan na masaktan ng ganoon.
BINABASA MO ANG
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
عاطفيةBOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang b...