PANAY ANG buntong-hininga ni Marie habang hinihintay na bumukas ang pinto ng cottage room nila ni Ken. Hinihiling niyang bumukas ang pinto at iluwa niyon si Ken. Kagabi niya pa hinihintay na umuwi ang binata. Simula ng lumabas ito ng cottage nila kagabi ay hindi na ito bumalik Madaling araw na nga siya nakatulog sa paghihintay kay Ken Pero pagising niya ay wala pa rin ito.
Tumayo na si Marie mula sa kama at nagpasya na lang maligo. Kung wala pa rin si Ken pagkatapos niyang maligo ay hahalughugin niya na ang buong resort para hanapin ito dahil nag-aalala na talaga siya kung nasaan na ang binata.
Pagkalabas ni Marie sa banyo ay napakunot-noo siya ng may makita siyang malaking box na puti na nakapatong sa kama niya. Dali-dali niyang nilapitan iyon, may nakita siyang papel na nakatupi na nakadikit sa kahon at dali-dali niya iyong kinuha at binasa.
Good morning sleeping beauty,
Napangiti siya. Bungad pa lang ay alam niya ng galing kay Ken ang sulat.
Hope you got a good sleep last night, please wear this dress and shoes inside this box for our dinner later in front of the beach. I hope you'll forgive me when I walk out of the room last night, consider this as a peace offering.
Sana sumipot ka mamaya sa dinner natin. Miss you already.
Yours, Ken.
Napangiti si Marie, hindi pa rin pala siya matitiis ni Ken. Kaya pala hindi ito nagpakita sa kanya ng buong magdamag dahil may surpresa pala ito sa kanya.
May pa dinner date si Mayor!
Dali-daling binuksan niya ang puting kahon at tumambad sa paningin niya ang pulang v-neck dress na hanggang tuhod ang haba. Fitted ang dress kaya siguradong hapit na hapit iyon sa katawan niya. Ang ganda rin ng kulay silver na sapatos na one strap lang. Three inches yata ang takong niyon pero okay lang. Sanay naman siyang mag-suot ng high heels dahil may takong ang sapatos nilang mga waitress sa Rendezvous.
Hindi na siya makapaghintay na isuot iyon mamaya.
Tumayo na siya at nag-prepare para sa dinner date nila ni Ken. Hindi na siya makapaghintay na makita ito. Kahit buong magdamag lang itong nawala ay pakiramdam niya ilang araw niya itong hindi nakita sa sobrang pagka-missed niya rito.
KITANG-KITA agad ni Marie si Ken na nakatayo sa mesa na naka-set up sa gitna ng beach resort malapit sa dagat.
Naka-set up ng pandalawahang tao ang pabilog na mesa na kumpleto sa mamahaling kubyertos at plato. May mga rose petal ang buhangin na nilalakaran niya patungo sa binata. May tumututog din ng sweet music sa di-kalayuan ng mesa nila. Mukhang ilang oras din yatang pinaghandaan ni Ken ang dinner date na iyon. At na-appreciate niya iyon.
Pakiramdam niya tuloy ay napaka-espesyal niyang babae para paglaanan nito ng oras nito maging perfect lang ang dinner nila.
Kahit madilim na ang paligid, sa tulong ng maliwanag na buwan at makikinang na ilaw sa resort ay lutang na lutang ang kaguwapuhan ni Ken sa suot nitong puting polo at itim na slacks.
"You look stunning." Puri ni Ken ng makalapit siya sa mesa nila. Kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata nito.
Napangiti siya. "Ikaw din, ang pogi mo."
"Talaga, ba? Para mo nga akong driver sa ayos mo ngayon, eh! Dapat pala hindi nalang kita binili ng damit at sapatos kung magmumukha lang din akong driver mo." Nakaingos na saad nito.
BINABASA MO ANG
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
RomanceBOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang b...