NAKATINGIN lang si Ken sa kanya habang maganang kumakain si Marie. Nasa isang fast food chain sila. 'Buti na lang at nakumbinsi niya si Ken na mag stop over sila para kumain muna saglit. Sa sobrang pokus niya kanina na hanapin si Dianne ay nakalimutan niya nang kanina pa palang umaga ang huling kain niya.
Na-realize niya lang na gutom na pala siya ng biglang kumulo ang tiyan niya kanina sa loob ng sasakyan. Narinig siguro iyon ni Ken kaya napilitan itong pakainin siya. Nilibre siya ni Ken. Wala naman siyang pera pambili ng pagkain.
"Ikaw, Ken. Hindi ka ba kakain?" Tanong niya sa binata out of courtesy. Siyempre nilibre siya nito. Nakakahiya naman kung hindi niya ito alukin 'di ba? Pampalubag-loob lang kumbaga.
Humalukipkip ito at nagsalubong ang kilay. "I only eat real foods. Cooked and well prepared. I don't eat fast foods."
"Arte nito. Kahit mamatay ka na sa gutom hindi ka pa rin kakain nito? Malayo pa ang biyahe natin kaya kailangan mo ng lakas. Kumain ka." Saad niya at iniumang sa bibig nito ang burger na wala pang kagat. Kung hindi lang ito ang nagda-drive ay wala siyang pakialam kung kumain na ba ito. Baka kasi bigla itong himatayin habang nagmamaneho, madisgrasya pa sila.
Tila hindi na rin nakatiis sa gutom at kinuha ni Ken ang burger at nilantakan iyon. Pati nga burger at fries niya kinain rin nito. Hindi rin nakatiis at umorder pa ito ng one piece chicken at may extra rice pa.
Tinaas niya ang isang kilay. Eh, 'di hindi rin nakatiis si loko! Gutom na pala nag-iinarte pa.
Pagkatapos kumain ay deretso na sila sa biyahe papuntang San Rafael. Hindi talaga nagpatinag si Ken na ipagpabukas na ang biyahe. Pasado alas nuwebe na ng gabi at iba na rin ang pakiramdam niya sa daang tinatahak nila ptaungo sa San Rafael.
Bukod kasi sa malubak at bako-bakung daan ay masukal din ang lugar na nadadaanan nila. Puro puno at matataas na halaman ang nasa gilid ng kalsada. Pakiramdam niya tuloy ay anumang oras ay may masasamang elemento na lalabas mula sa matataas na halaman at haharangin sila.
Iniiwas niya nalang ang tingin sa labas ng bintana at itinuon ang paningin sa harap ng kalsada.
"Shit, Bakit hindi naman nila pinaayos ang kalsadang ito? I bet my car already has a lof of scratches, and my tire's gonna blow up anytime." Pagrereklamo ni Ken pero sa daan pa rin nakapokus ang tingin.
Hindi na siya nagkomento pa. Dahil totoo naman ang sinasabi ni Ken. Naririnig niya pa nga ang pag-crack ng mga bato na nadadaanan ng gulong ng kotse nito. Hindi na siya magtataka kung ilang minuto lang ay butas na ang mga gulong ng sasakyan nito.
Napamura si Ken at napatili naman si Marie ng mayamaya ay may narinig silang pumutok sa bahaging likuran ng sasakyan. Bigla tuloy napa-preno si Ken. 'Buti nalang at naka-seatbelt siya dahil kung hindi ay baka lumusot na siya sa windshield ng sasakyan.
"Ano 'yon?" Nahihintakutang saad ni Marie.
Nang umibis si Ken sa kotse para i-tsek ang kung anong nangyari ay sumunod din si Marie sa binata.
Napamura si Ken nang makita nitong ang gulong na pala nito ang pumutok kanina, na-flat ang gulong nito sa likuran. Umikot ito sa kabilang side at umulan na ng mura ng makita nitong hindi lang pala isang gulong ang pumutok kundi dalawa.
Sobrang malalaking bato na siguro ang nadaanan nila kanina at hindi na kinaya ng mga gulong nito kaya bumigay na iyon at nabutas.
"Ikaw naman kasi! Sabi ko nga sa'yo 'di ba! Bukas ng umaga na sana tayo bumiyahe. Eh, di sana nakaiwas tayo sa malaking bato na dumale diyan sa gulong mo!" Paninisi niya kay Ken. Matigas kasi ang ulo nito. Kung nakinig lang sana ito sa kanya ay malamang hindi nangyari sa kanila iyon. "May dala ka naman sigurong spare tire, 'di ba?"
BINABASA MO ANG
RENDEZVOUS Trilogy Book 1 (COMPLETED) (MarieandKen)
RomantikBOOK 1: MarieAndKen ❤️ (Completed) Teaser: For six years ay nagtagpo ulit ang landas nila Marie at Ken. Na ni sa hinagap ay hindi ni pinangarap Marie dahil may malaki siyang kasalanan sa binata. Six years ago ay naghiwalay si Ken at ang b...